You are on page 1of 3

Miguel, Danica S.

BSTM-2A

REPLEKSYONG PAPEL; MODYUL 2. PAGSIPAT SA MGA AWITIN


BILANG PANIMULANG PAGDADALUMAT

Ayon sa mga impormasyon na aking nabasa sa aming modyul na syang


tumatalakay sa kahalagahan ng awit bilang isang sining at parte n gating kultura
bilang mga Pilipino, nararapat lamang na pag-aralan natin hindi lamang ang mga
bahagi ng awit kundi na din kung paano maintindihan ang nais ipahiwatig at ang
kahalagahan nito. Isa sa instrumenting ginagamit upang mailahad ang nilalaman ng
isang damdamin ng tao ay sa pamamagitan ng awit o ng musika na syang nagiging
repleksyon ng pagpapahayag ng ating damdamin na sumasalamin sa ating tunay na
nararamdaman. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng aliw dahil sa kaaya aya nitong
mga tunog kundi mas nabibigay diin nito ang nais iparating ng isang kompositor na
hindi direktang maisalaysay ang nais nyang ipahiwatig. Sa pamamagitan ng iba’t-
ibang element nito gaya ng dynamiks, pitc, timbre at melodiya nakakabuo tayo ng
isang awitin na kayang maipakilala at makapag lahad ng damdamin at kaisipan ng
sinumang lilikha dito. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga liriko, ritmo at
tono makakabuo tayo ng mga awitin gaya ng pop na maari din maging isang
awiting mensahe para maipahayag ang pagprotesta natin sa kalagayan ng mundo
lalo at higit sa bansa na ating kinabibilangan. Gaya na lamang sa awiting tatsulok
kung saan minumulat nya ang isang kabataan sa lagay n gating bansa, na ang
buhay ay isang tatsulok kung saan mas nakakaranas ng higit na kapayapaan ang
mga nasa itaas, ang mga taong may kakahayahan bumili ng hustisya, at ang mga
gaya nyang mahirap ay natatapak tapakan sa ibaba.

Bilang isang mag-aaral na gaya ko nararapat lamang na pag-aralan at


isabuhay ang mga ganitong klase ng aralin, isa itong talento at kakahayahan na
inihandog ng Diyos sa bawat isa na dapat ipinagmamalaki at lalong
pinagyayabong. Sa ganitong paraan mas makikilala ang ating bansa at ang kapwa
natin Pilipino dahil kilala tayo sa mga magagaling na mang await at kompositor.
Musika ang nakakapag bigay aliw sa atin at may kakahayahan makasabay sa kung
ano ang nararamdaman natin maging kung tayo ay masaya, malungkot, at galit na
tunay na nakakapag palabas sa ating mga saloobin. Ito rin ay maari nating gamitin
kung tayo ay nagmamahal, nagiging inspirasyon natin ang mga lumang tugtugin sa
pag-aalay ng ating nararamdaman para sa taong ating minamahal. Tunay nga na
malawak ang nasasakop at nagiging tulong sa ating ng musika o awit na syang
nagbibigay buhay, at kulay sa buhay ng bawat isa. Tunay na nakakapukaw ng
attensyon at nakakapag bigay ng sigla sa buhay, nakakapag bigay ng pag-asa at
nakakatulong upang maunawaan ang tunay na kalagayan natin sa mundong ating
kinabibilangan.
MODYUL 3. DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG
TAON/SALAWIKAIN

Sa parte na ito n gaming aralin pinag-uusapan ang dalumat salita at


pinagtatalunan kung dapat nga bang pagyabungin o pagyamanin pa ang wikang
Filipino o ang ating sariling wika, kung dapat paba itong ginagamit sa mga
teoryang usapin at hindi dapat na minamaliit pa. Sa katunayan, marami na din ang
nagtatalo tungkol sa usapin na iyang kung dapat pa nga bang isinasaalang-alang
ang wikang Filipino sa mga usapang aralin dahil na din siguro iniisip ng iba na
mababaw ang ating wika upang mapag-aralan pa at wala itong kakayahan na
makipag sabayan sa mga global na wika sa mundo lalo na teoryang aralin ang
pinag uusapan. Sa mga ganitong klase ng isyu tila minamaliit nila ang kakayahan
ng ating wika sa kakayahan nitong makapag turo at makapag unawa sa iba ng mga
aralin at makapg bigay ng impormasyon sa mas madaling paraan. Nakakalungkot
lamang na ilan pa sa ating kapwa Pilipino ang kauna-unahang tumututol sa bagay
na ito, na hindi pumapayag gamitin ang wikang Filipino bilang parte ng mga aralin
dahil na din siguro naimpluwensyahan ng dayuhang salita. Mga kapwa Pilipino na
taon taon ay kasabay nating nagdidiwang ng Buwan ng wika kung saan makikita
ang talent hindi lamang ng mga mag-aaral kundi ng bawat Pilipino na nagpapakit
ng galing sa pakikipagtalastasan gamit ang wika na kanilang binabaon at tinatapak-
tapakan.

Sa mga impormasyon na aking nabasa, at sa aking pag-iisip nararapat lamang


na gamitin ang ating wika at higit itong pagyamanin at palaguin sapagkat ito an
gating wikang pambansa. Wika na makapangyarihan na ginagamit natin upang
tayo ay makipag usap at upang tayo ay magkaunawaan, ginagamit din upang tayo
ay magkaisa, maraming mga impormasyon na makakapagpatibay na an gating
wika ay mahalaga at nararapat lamang na gamitin sa pagkatuto ng bawat isa, ito ay
kumakatawan sa mga bagay na ating pinapahalagahan gaya ng kultura, sining,
pagkamabayan at pagkamakabansa natin na kailanman ay hindi mabubura at
mawawala sapagkat tayo ay mamamayang Pilipino.

You might also like