You are on page 1of 2

Edmon G.

Lopez

BSA 3

Diksyunaryo

1. Hawhaw : (Pandiwa) - pagbabanlaw nang damit

hal. Agad na gumawa nang mga takdang aralin si Ana matapos nitong mag hawhaw ng mga nilabhan.

2. Hawong : (Pangngalan) - mangkok; isang uri nang kagamitan sa pagkain na malimit ginagamit sa mga
pagkaing may sabaw.

hal. Isinauli ni Ruel ang hawong na pinaglagyan ng sopas sa kanilang kapitbahay.

3. Haut : (Pangngalan) - isang uri nang isdang tuyo

hal. Paborito ni tatay ang haut lalo nat may katambal na gulay sa hapag kainan.

4. Higitin : (Pandiwa) - Paghila sa isang bagay

hal. Nalagot ang tali nang saranggola ni Bitoy matapos itong pwersahang higitin ni Mike.

5. Hima : ( Pangngalan) - libag sa leeg

hal. Napagalitan si Bong nang kanyang ina sapagkat nandun parin ang hima nito gayung siya ay nakaligo
na.

6. Hinaw : (Pandiwa) - paghuhugas nang kamay o ibang parte ng katawan

hal. Masama ang pakiramdam ko ngayon kayat nag hinaw na lamang ako imbis na maligo.

7. Hulaw : (Pangngalan) - pagtila nang ulan

hal. Naghintay muna ng hulaw ang mga manlalakbay bago nila tinahak ang matarik na bundok.

8. Hupot : (Pandiwa) - pagnanakaw ng maliit na halaga o bagay

hal. Nasermunan si Lito nang kanyang ama matapos itong mang hupot ng pera sa kanilang tindahan.

9. Iga : ( Pang uri) - pagkatuyo ng tubig; pagkawala nang presensya ng tubig

hal. Nawalan nang patubig sa buong kabukiran ng Pagbilao sapagkat iga na ang ilog na pinagmumulan
nito.

10. Inana : (Pangngalan) - lola


hal. Sa kabila ng pagiging malilimutin, masasabi kong malakas pa ang aking inana sapagkat kaya pa
nitong mamalengke mag isa.

You might also like