You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
FIRST SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan:___________________ Taon at Pangkat:______________
I. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Mula sa salitang Geo na ang ibig sabihin ay daigdig at graphein na ang ibig sabihin ay magsulat, Ito
ay tumutukoy sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya B. Heologo C. Kasaysayan D. Topograpiya
____2. Ito ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikitan ng araw at matatagpuan
ito sa 23.5 degrees hilagang ekwador.
A. Prime Meridian B. Tropic of Cancer C. Tropic of Capricorn D. Kabilugang Arktiko
____3. Alin sa limang (5) pangunahing wika ang may pinakamaraming bansang gumagamit nito bilang
opisyal na wika?
A. Arabic B. English C. French D. Portuguese
____4. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura at pinagmulan.
A. Bansa B. Lahi C. Mamamayan D. Pangkat-etniko
____5. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tao sa daigdig sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang lahi at wika?
A. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na lahi
B. Huwag pansinin ang mga taong may ibang wika
C. Dapat ipagamit sa kanila ang wika mo upang maging magkaibigan kayo
D.Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaiba ang pinagmulan
____6. Ang Pilipinas ay nabibilang sa anong language family?
A. Caucasoid B. Austronesian C. Afro-Asiatic D. Niger-Congo
____7. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Maraming sigalot sa mga bansa.
B. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
C. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
D.May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
____8. Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at
katangian
ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang
pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Anong salita ang
nagmula sa salitang Griyego na “ethnos’ na nangangahulugang “mamamayan?”
A. Etniko B. Etnolinggwistiko C. Etnograpiya D. Etnisidad

____9. Alin sa mga sumusunod na pamilya ng wika sa mundo ang nagtataglay ng pinakamaraming native
speakers?
A. Afro-Asiatic B. Austronesian C. Indo-European D. Niger-Congo
____10. Alin sa mga kontinente sa mundo ang maituturing na may kakaibang vegetation cover dahil ito ay
isa sa bahagi ng Pangaea na naunang nahiwalay, kaya dito lang tanging matatagpuan ang mga
Kangaroo.
A. Asya B. Europe C. Africa D. Australia & Oceania
____11. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa crust MALIBAN sa____
A. Ito ang pinakabalat ng daigdig
B. Ito ang panahanan ng lahat ng nabubuhay
C. Binubuo ito ng mga tunaw na batong mainit

Name of School: Bauan Technical High School


Address: P. Muñoz St. Poblacion I, Bauan, Batangas
Telephone No.: (043) 403-7159
Email Address: bauantech@yahoo.com

Respect Responsibility Love for Work


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
D. Ito ay may habang 3 hanggang 30 milya pailailim
_____12. Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng kultura. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang
nagpapatunay
ng pahayag na ito?
A. Ang wika ay nakatutulong sa buhay ng tao.
B. Ang wika ay mabisang kalasag sa mga kalaban.
C. Ang wika ay sumasalamin sa pamumuhay ng tao.
D. Ang wika ang nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad ng tao sa isang pangkat.

____13. Ito ang uri ng lahi sa daigdig na may pinakamalaking bilang.


A. African-American B. Black C. Caucasian D. Mongolian

____14. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?


A. Upang masamantala natin ang paggamit sa mga likas na yaman
B. Upang mapangalagaan natin ang ating daigdig mula sa mga penomena
C. Dahil ito ay nakatutulong upang alamin ang katangian ng ating daidgig
D. B at C ay wasto
____15. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan tungkol sa usapin ng relihiyon?
A. Ang pananampalataya ng tao sa kinikilala niyang Dakilang Lumikha ang daan sa kaligtasan.
B. Ang relihiyon ay siyang magliligtas sa tao sa anumang kapahamakan
C. Ang bawat bansa ay nagtataglay ng relihiyon na itinakda ng kanilang pamahalaan.
D. Ang pagkakaroon ng relihiyon ng isang tao ay tiyak na nagpapakita ng kagandahang-asal.
____16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sinaunang pangkat ng tao sa Kabihasnang
Mesopotamia?
A. Assyrian B. Chaldean C. Maurya D. Babylonian

____17. Ito ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa Tsina.


A. Dinastiyang Xia B. Dinastiyang Shang C. Dinastiyang Chou D. Dimastiyang Ming

____18. Isa sa itinuturing na kauna-unahang lungsod sa daigdig.


A. Catal Huyuk B. Uruk C. Ziggurat D. Khyber Pass

____19. Ang mga lungsod na ito sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
A. Mesopotamia
B. Yellow River
C. Tigris at Euphrates
D. Harappa at Mohenjo Daro

____20. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling
sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo
nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong
pamumuhay.
C. May Sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

____21. Ang pinakamatandang kabihasnan sa kasaysayan ay matatagpuan sa:


A. Sumer B. India C. Ehipto D. China

Name of School: Bauan Technical High School


Address: P. Muñoz St. Poblacion I, Bauan, Batangas
Telephone No.: (043) 403-7159
Email Address: bauantech@yahoo.com

Respect Responsibility Love for Work


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL

____22. Para sa kanyang asawa, ipinagawa ni Nebuchadnezzar II ang gusaling ito at kinilala bilang isa sa
Seven Wonders of the World.
A. Pyramid of Giza
B. Hanging Gardens of Babylon
C. Taj Mahal
D. Great Wall of China

____23. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakinabangan pa rin sa
kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

____24. Ang katawagan sa pamayanan na naging sentro ng pamumuhay sa Sinaunang Egypt sa panahong
Pre-Dynastic Period
A. Mohenjo Daro B. Hellenistic C. Nome D. Empire Age
____25. Ang sagradong aklat para sa mga Hindu at binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga
salaysay.
A. Bibliya B. Koran C. Arthasastra D. Vedas

II. Panuto: Pantigin ang mga salita at basahin ng diretso. Isulat ang salitang nabuo mula sa pagpantig
ng+mga
26. CAB BEEsalita. Isulat+NUN=+?
+ HASH ang sagot sa sagutang 29.
papel.
PEE+ RAW+ MADE=?
_____________________________ ____________________

27. HE+YOU+GRAPH+PEE+YEAH =? 30. DIE+NASH+TEA=?


_________________________ ____________________

28. SEA + BEE + LEE + SASH + ION =?


_________________________________

Inihanda ng mga guro sa Araling Panlipunan 8

Name of School: Bauan Technical High School


Address: P. Muñoz St. Poblacion I, Bauan, Batangas
Telephone No.: (043) 403-7159
Email Address: bauantech@yahoo.com

Respect Responsibility Love for Work

You might also like