Sa araling ito, natuklasan ko na ang Maikling Kuwento ay isang maikling salaysay
hinggil sa isang importanteng kaganapang kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may isang kakintalan o impresyon May iba’t ibang uri ng maikling kuwento ito ay nuuri sa tatlo. Una, kuwentong makabanghay na binibigyang-diin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari. Ikalwa, kuwento ng tauhan na nakapokus ang mga pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila. Ikatlo,kuwentong katutubong-kulay na binibigay ang kapaligiran ng pangyayari,ang mga kaugalian at mga pananamit ng tauhan at uri ng buhay at hanap buhay sa sinabing pook sa kwento.
Sa Kuwentong katutubong kulay pinahahalagahan ang tagpuan o pook na
pinangyarihan ng kwento, pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga kilos o kinasanayan, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.
Sa pagsisimula ng kuwento ang mga panandang una ,sa umpisa, noong una at unang-una.
Sa gitna ng kuwento ginagamit ang mga panandang Ikalawa, ikatlo,…..
sumusunod, pagkatapos, at saka.
Sa wakas ng kuwento ginagamit naman ang Sa dakong huli, sa huli , wakas.
Ikalawa, ikatlo,….. sumusunod, pagkatapos, at saka.