You are on page 1of 1

SIMULA

Noong una ,si Li Huiquan ay isang bilanggo sa kampo ngunit nakalaya na.  Gayunman, kahit
wala na sa loob ng piitan ay tila bilanggo pa rin siya ng mga bagay na tumatakbo sa
kaniyang isipan. Bisperas ng bagong taon na iyon noong nagpakuha si Li Huiquan ng
labinlimang litrato kasama ang kaniyang Tiya Luo, na gagamitin niya upang kumuha ng
lisensiya para sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprubahan dahil puno
na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos.
Wala nang pakialam si Huiquan kahit alin na ang kaniyang itinda.  Ang importante ay
mayroon siyang magawa at maitinda. 

GITNA

Pagkalipasng ilang araw, inimbita si Huiquan ng kaniyang Tiya na manood ng magandang


palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pang gagawin. Ibinigay kay
Huiquan ang puwesto sa may Timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang
nagtangkang tumingin ng mga paninda niya. Nagsambiit na rin siya mga salita pasigaw na
akala niya na makakatulong. Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan
na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng
muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang
kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang
army sa apat na karpintero.

wakas

Sa smga sumunod na araw ay lumamlam ang benta ni Huiquan. Hindi siya nawalan ng pag-
asa. Isang araw ay nakapagbenta siya ng mga kasuotang makakapal para sa apat na
karpintero na nagbigay init sa nilalamig na mga manggagawa. Kaysa sumuko naging
inpirasyon niya ang pagbili ng mga karpintero. Sa huli, namulat si Huiquan na ang
oportunidad ay kumakatok kaninuman sa tamang oras.

You might also like