You are on page 1of 1

Naga College Foundation, Inc

Kolehiyo ng Sining at Agham

Pangalan: Alvic Dk. Mayores Kurso/Taon: BSN 3B

PAGSASANAY 1: Repleksyong Papel.

Ang kwento ay nagsimula sa paglalahad ng kalagayan sa buhay ng pangunahing tauhan. Kasalatan


sa pamumuhay ang nangingibabaw na tema; pagkasira sa pinagkukunan ng mapagkikitaan nila ng
pamumuhay at paghihikahos sa kakulangan sa pagkain. Sa bahagi ring ito ipinakilala ang mga
sugarol, ang kanilang gawain sa pang araw-araw. Mababakas mula rito ang impluwensya sa atin ng
mga dayuhan, ang pananabong. Ito ay gawain na dinala sa atin ng mga mananakop na Espanyol
bilang uri ng libangan at sugal.

Ito ay umiikot sa istorya ng mag-anak na nakaranas ng matinding kahirapan sa buhay. Inilarawan


sa kwento ang kasalatan nila sa buhay. Kung paano sila nakikipagsapalaran para mabuhay. Sa
pagbabasa ng akda asahang ito ay detalyadong nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay ng
mag-anak. Pinakatampok dito ang maingat na pag-aalaga ng tatay sa kanyang alagang manok para
sa paghahanda sa labanan. Sa ganang akin, sinasalamin ng akdang ito ang pamumuhay noon ng
ating mga ninuno na kung saan sila ay umaasa lamang sa suwerte at sugal. Malaki talaga ang
impluwensiyang dulot sa atin ng mga mananakop sapagkat sila ang nagpakilala sa atin ng
masamang gawaing ito. Hanggang sa kasalukuyan, ito ay laganap pa rin. Marami pa ring mga
Pilipinong sugarol ang umaasa a sa sabungan nila mahahanap ang kanilang suwerte. Mga Pilipinong
tila bulag sa katotohanan at inaasa ang buhay sa walang kasiguraduhan hanap-buhay.

Lahat naman siguro ng anyo ng sugal ay masama. Oo, totoong maaari kang makalikom ng limpak
limpak na pera mula rito subalit maaari din itong humila sayo sa kahirapan. Mula sa senaryo ng
kwento, ang pagsasabong ng tatay ay tila nagdulot ng problema sa pamilya. Nasubukan ang
mahabang pasensya ng nanay ngunit dahil na rin sa kakulangan sa buhay tila ito ay nababahala at
napag-initan ang pinakamamahal na alagang manok ng tatay. Nag-away din ang mag-asawa dahil
palaging hinihimas ng tatay ang kanyang panabong. Sa kontekstong ito, mahihinuha talaga natin
na malaki ang maaaring maidulot sa relasyon ng pamilya ang pakikilahok sa sabong o sa sugal ng
isang tao.

Sa kabuuan, ang kwento ay tumatalakay sa trahedya kung maituturing ng tatay buhat ng


pagkakaluto ng kanyang manok na panabonq sana. Dahil na siguro sa kawalan ng makakain ng
mag-anak, naisipan ng nanay na gawing masarap na ulam ang manok ng tatay. Iba talaga ang
naidudulot na epekto ng kahirapan sa buhay ng tao. Mula sa kwento, masasabi ko talaga na ang
kasalatan ang nagtutulak upang gawin ng tao ang lahat ng pamamaraan upang maitawid lang ang
pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang pangkalahatang panapos na mensahe, hindi lang naman
sabong o anumang sugal ang tanging paraan upang may maihain sa mesa kundi marami namang
ibang paraan na malinis at marangal.

You might also like