You are on page 1of 2

Naga College Foundation, Inc

Kolehiyo ng Sining at Agham

Pangalan: Alvic Dk. Mayores Kurso/Taon: BSN 3B

Gawain / Pagsasanay: Sanaysay

PANUTO: Sumulat ng sariling likhang impormal na sanaysay batay sa paksang panitikan.


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong gagawing sanaysay.

Ano kaya ang kalagayan ng mundo kung walang panitikan?


Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
Bakit itinuturing na salamin ng buhay ang panitikan?

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN 30% Makabuluhan ang sanaysay, punong-puno ng
aral, idea at impormasyon.

PAGKAMALIKHAIN 25% Kinakikitaan ng pagkamalikhain o masining


ang pagkakasulat o pagkakalikha sa
sanaysay.

KAWASTUHAN SA GRAMATIKA 20% Naisasaalang-alang ang mga tuntuning


panggramatika at panretorika.

ORGANISASYON 25% Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga


idea na nakapaloob o bumubuo sa
sanaysay.

KABUOAN 100%
Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin, ideya, at diwa ng mga tao. Sa simpleng paliwanag ko kung ano ang
panitikan, napaka-importante ito sa mundong kinabibilangan natin ngayon. Kung wala ito,
maaaring magkaroon ng kaguluhan dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga ideya na nais
ipabatid sa isa’t-isa. Isa pang ehemplo kung wala ang panitikan sa mundo, ang lipunan ay
hindi maka-kaakibat sa nakaraan na panahon.

Sa katunayan, ang panitikan ng anumang makasaysayang panahon ay


naglalaman ng katibayan at mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano talaga
namuhay ang mga tao sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan. Dahil ang panitikan ang
nagpaunlad sa ating isipan, wala sana ngayon ng mga paaralan, karamihan ay hindi
marunong magbasa, at wala rin ng kasaysayan. Mahalaga pag-aralan ang panitikan, dahil
nakakatulong ito sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang
ating kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong
ginagalawan natin. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa
katangi-tangi nitong anyo.

Maituturing salamin ng buhay ang panitikan dahil naipapabatid natin ang sariling
kahusayan sa gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng
pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao. Ito rin ay isang paraan sa
pagtuklas ng sariling talino at kasanayan. Ang panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita
ng pagiging isang tunay na pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at
magmalasakit sa sariling panitikan.

You might also like