You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Ika-apat na Markahan – Modyul 11: Posisyon tungkol sa mga isyu sa kawalan ng


paggalang sa Dignidad at Sekswalidad ( Unang bahagi )
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Filipina B. Planas
Editor : Vivien F. Vinluan
Tagasuri : Perlita M. Ignacio, RGC, PhD/Josephine Z. Macawile
Tagalapat : Rema A. Agustine
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
10
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 11: Posisyon Tungkol sa mga Isyu sa Kawalan
ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad
( Unang Bahagi )
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Modyul 11 para sa araling Posisyon tungkol sa mga siyu sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad ( Unang bahagi )

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Modyul 11 para


sa araling Posisyon tungkol sa mga siyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad ( Unang bahagi )

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa Ika-Labing isang Modyul na ito ay tatalakayin ang mga posisyon tungkol sa isyu
na may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad:

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. Napangangatuwiranan na makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol


sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito
ang kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
seksuwalidad;

B. naibibigay ang tamang pananaw laban sa mga isyung may kinalaman sa


sekswalidad; at

C. napapanindigan ang tamang kilos para sa tunay na layunin ng sekswalidad.


PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin kung ito ay tama o mali.

_____________1. Gusto mong malaman ng iyong kasintahan na ikaw ay tunay na lalaki


kaya bigla mo siyang hinalikan.

_____________2. Walang masama ang pananamit ng sando at shorts ng isang babae


kung siya ay lalabas ng bahay.

_____________3. Kapatid, tatay o tiyuhin ay hindi mo dapat pagkatiwalaan pagdating


sa usapang pangangalaga ng sarili.

_____________4. Ang mga lalaking sapilitang nakikipag relasyon sa kapwa lalaki ng


dahil sa pera ay maibibilang sa isyu ng pang-aabusong sekswal.

_____________5. Mahalaga sa isang kapareha na may malusog na pananaw sa


sekswalidad.

BALIK-ARAL

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa kahon ang sagot.

1. Bukod sa isip ano ang kailangan ng tao sa pagpapasiya?

i s o

2-3. Ano ang bumubuo sa tao na kumikilos na magkatugma para sa isang


layunin?

a u a a w n

4-5. Ano ang mga katangian ng tao ng likhain ng Diyos?

a y At may m y n
ARALIN

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang pahayag na kaugnay sa mga isyung may
kinalaman sa sekswalidad na makikita sa Hanay A. Isulat sa notebook ang
nabuong pahayag.

Posisyon sa kahalagahan ng paggalang sa pagakatao ng tao at samga isyung


may kinalaman sa sekwalidad:

Hanay A Hanay B
Hanggang wala ako sa wastong gulang at
hindi pa nakakasal ay wala akong
____1. Pang-aabusong Seksuwal
A karapatang makipagtalik sa aking
partner.

Ang paggamit ng kasarian ay para lamang


sa pagtatalik ng mag-asawa na
B naglalayong maipadama ang pagmamahal
_____2. Pornograpiya at magkaroon ng anak upang bumuo ng
pamilya. Ito ang esensya ng
seksuwalidad.

Dahil dito, maaaring mag-iba ang asal ng


ibang tao. Ang pornograpiya ay hindi
C sining. Kailangan nating irespeto ang
_____3. Premarital Sex- ating katawan na kawangis ng sa ati’y
lumalang.

Mapagsamantala ito at naaabuso ang


kaloob na handog ng Diyos na
D seksuwalidad sa pamamagitan ng maling
_____4. Prostitusyon pagdanas ng kaligayahang layunin ng
pakikipagtalik.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Sumulat ng tatlong pahayag tungkol sa dati mong paniniwala sa mga isyung
may kinalaman sa sekswalidad at kung ano na ang iyong pananaw sa ngayon.
Halimbawa:

Dati nalalaswaan akong Ngayon, nag iba na ang aking


makita ang mga hubad na pananaw dahil ito pala ay sining.
pinta sa mga museo

Dati ako Ngayon ako


ay______________________ ay_____________________________
________________________ _______________________________
________________________ _______________________________

Dati ako
ay_______________________ Ngayon ako

_________________________ ay_____________________________

_________________________ _______________________________
_______________________________

Dati ako
Ngayon ako
ay_______________________
ay____________________________
_________________________
______________________________
_________________________
______________________________
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon.

1. Naglilinis ka ng kwarto ng magulang mo ng makita mo ang isang magazine na


may mga hubad na larawan.

2. Nalaman mo na ang iyong matalik na kaibigan ay tumatanggap ng pera kapalit


ang pakikipagtalik.

3. Madalas mong mahuli ang boyfriend mo na nakatitig sayo lalo na kapag kayo
lang dalawa ang magkasama.

4. May kinakasama ang Nanay mo at mabait ang trato niya sa iyo, palagi kang
biniblihan ng gusto mo at binibigyan ka ng pera ngunit lingid ito sa kaalaman
ng Nanay mo.Napansin mo rin na madalas itong tumabi sa iyo.

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang mga pahayag at isulat ang salitang kung ito ay
nagpapahayag ng paggalang sa pagkatao at kung hindi ito nararapat.
1. Ang pakikipagtalik ay para lamang sa mag-asawang ikinasal.

2. Ang pagbuo ng anak ng mag-asawa ang pangunahing dahilan ng pagkakaruon ng

sekswalidad.

3. Dahil sa prostitusyon, nawawala na ang mainam na pagtingin sa sarili ng isang

babae.

4. Ang pananamit ng maiksi at malaswa ay kadalasang nagiging sanhi ng

pang-aabusong sekswal.

5. Ang pag iwas sa mga porn sites at malaswag babasahin ay indikasyon ng

pagrespeto sa sarili.
PAGLALAHAT
Panuto: Matapos ang aralin, isulat sa graphic organizer ang iyong pananaw sa
mga isyung may kinalaman sa sekswalidad.

Prostitusyon

Ang aking
Pang- Pananaw sa mga Pre –
Isyung may
aabusong marital Sex
kinalaman sa
Sekswal Sekswalidad

Pornograpiya
PAGPAPAHALAGA

Panuto:

Pumili ng isang isyu na may kinalaman sa sekswalidad at gumawa ng isang Poster


Campaign tungkol sa isyung ito. Isulat sa loob ng larawan ng salamin sa ibaba.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng pinaka angkop na sagot.
1. Madalas sumama si Laura sa kaniyang kasintahan na si Billy upang manuod
ng movie sa kanilang bahay at kung minsan ay duon na rin siya nagpapalipas
ng gabi. Para sa kaniya wala namang masama dito dahil sila ay nasa tamang
edad na at matagal ng magkasintahan. Ano ang isyung sangkot sa kanilang
sitwasyon?
A. Pang- aabusong sekswal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
2. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw ng pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan
B. Ang pakikipagtalik ay pangunahing panganagailangan ng tao.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kung may pagsang-ayon ang magkapareha.
D. Ang pakikipagtalik ay ekspresyon ng pagmamahal ng dalawang taong
ikinasal at handing bumuo ng pamilya.
3. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasakit at nahospital ang tatay ni Ruby
dulot ng Covid, samantalang ang kaniyang ina ay walang ibang hanapbuhay
maliban sa paglalabada. Wala na silang maimbayad sa hospital at wala na ring
maipambili ng pagkain. Naalala niya yung kaibigan niya na nag alok ng trabaho
sa kaniya, na magpost ng nkahubad kapalit ang malaking pera. Kung ikaw ang
nasa katayuan ni Ruby ano ang gagawin mo?
A. Mamalimos sa mga pasahero sa jeepney upang makalikom ng pera
B. Tawagan ang kaibigan upang tanggapin ang alok na trabaho
C. Lumapit sa mga kaibigan at kapamilya at kakilala upang humingi nga
tulong
D. Tulungan ang nanay sa paghanap ng maraming labada
4. “Kung mahal mo ako patunayan mo ito sa akin….” Kung ito ang mga katagang
maririnig mo sa isang lalaki ano ang dapat na maging tugon ng isang babae?
A. Hindi maaari kase nag- aaral pa tayo.
B. Pwede naman pero ipangako mo na walang makakaalam
C. Kung totoong mahal mo ako, igagalang mo ako at ang buong pagkatao ko
D. Saka na lang kapag handa na ako
5. Madalas mong mahuling nakatingin ang step father mo sa iyong kapatid na
babae, ano ang unang dapat mong gawin?
A. Kausapin ang kapatid mo na makitira na lamang sa inyong tiyahin
B. Ipagbigay alam sa iyong Nanay at kausapin ito tungkol sa iyong
naobserbahan
C. Tanungin ang iyong step father kung bakit lagi siyang nakatingin sa kapatid
mong babae
D. Bantayan ang bawat kilos ng kaniyang step father
SUSI SA PAGWAWASTO

Tama 5. kamalayan 5. B 5.
Tama 4. Malaya 4. B 4. C 4.
Tama 3. Katawan 3. A 3. C 3.
Mali 2. Kaluluwa 2. C 2. D 2.
Mali 1. Kilos-loob 1. D 1. B 1.
Paunang Pagsubok Balik-aral Aralin Panapos na Pagsusulit

Sanggunian
https://4vector.com/free-vector/man-and-woman-icon-clip-art-116854

https://www.pottypadre.com/from-the-desk-of-pottypadre/

https://svg-clipart.com/button/AsQmyRS-cancel-button-clipart

Module sa ESP 10, Gabay sa guro sa ESP 10

You might also like