You are on page 1of 26

3

Physical
Education
Ikalawang Markahan: Modyul 2
Space Awareness
Physical Education – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Moves In (high, middle, and low levels)
Aralin 5- Pagkilos sa Sariling Kinatatayuan
Aralin 6- Mga Ritmikong Ehersisyo Gamit ang Bola
Aralin 7- Pakikilahok Nang Masigla sa Paghagis at Pagsalo ng Bola
Aralin 8- Laro ng Lahi (Karera ng Bao)
Ikalawang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writer: Airen B. Casama, Gretchen Rose L. Billanes, Karen P. Dapitan ,


Sairah Mae L. Aroso
Editors: Content: Jeany Lyn F. Caballero, Gladys P. Viola
Language: Agnes G. Muyco, Elva P. Belgira
Reviewers: Agnes G. Muyco, Rona N. Tacot
Layout Artist: Jaira Jane M. Torrecampo
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan JR., CESO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA–Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag – REPS, MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief-ES, CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente –OIC- LRMS
Jesus V. De Gracia – EPS, Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot – EPS, MAPEH

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM


na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong


kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling
itinakda para sa Ikatlong Baitang – Physical Education. Ang
kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa
iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Ang lengguahe ay kumikilala sa
iba’t ibang antas ng bokabularyo ng isang mag-aaral. Ang mga
aralin ay inayos ayon sa pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang
pamantayan na iyong binabasa ngayon ay maaaring magbago
para tumugma sa batayang aklat na gagamitin ng isang mag-
aaral.
Ang modyul na ito ay tungkol sa:
Aralin 5- Pagkilos sa Sariling Kinatatayuan
Aralin 6- Mga Ritmikong Ehersisyo Gamit ang Bola
Aralin 7- Pakikilahok Nang Masigla sa Paghagis at Pagsalo ng Bola
Aralin 8 - Laro ng Lahi (Karera ng Bao)

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang


mag-aaral na natutunan ang araling ito:

Aralin 5- Naisasagawa ang kasanayan sa paggalaw/pagkilos sa


high, middle at low levels.
Aralin 6- Naisasagawa ang mga ritmikong ehersisyo gamit ang
bola.
Aralin 7- Nakikilahok nang masigla sa paghagis at pagsalo ng
bola
Aralin 8- Naisasagawa ang kasanayan sa paggalaw sa saliw ng
tunog at musika.

1
Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na pagsasagawa ang nagpapakita ng
kilos ng katawan na clicking upward?

a. b. c.

2. Anong kilos ng katawan ang ipinapakita ng bata sa


larawan?
a. clicking upward b.clicking overhead c. clicking on the chest
3. Anong kagamitan ang ginamit ng bata sa pagkilos ng ehersisyong
pangritmiko ?
a. bola b. patpat c. bao ng niyog
4. Ipinatpat ni Sam ang magkabilang dulo ng bao ng niyog sa likod ng
kanyang tuhod. Anong kilos ang kanyang isinagawa?
a. clicking obliquely b. clicking overhead
c. clicking at the back of your knee
5. Paano mo ilalarawan ang level ng kilos ng dalawang bata sa
larawan?
a. Mababa b. mataas c. kalagitnaan

Aralin
Moves in High, Middle and Low
5 Levels

Hi! Narito na naman ako upang samahan at gabayan ka


sa pagkatuto sa araling ito. Ngayon, ituturo ko sa iyo ang
pagsagawa ng mga kasanayan sa paggalaw at pagkilos na
paitaas (high), pagitna (middle) at paibaba (low) levels na iyo
ring isasagawa.

Balikan
Panuto: Sundan ang mga pampasiglang ehersisyo na kailangan
ng katawan upang maihanda ito sa mas mabigat na gawain.

2
“Masusundan Mo Ba?”
1. Mag-jog sa kinatatayuan/……….(16 bilang)
Lumakad sa kinatatayuan
b. Inhale-exhale…………..(16 bilang)
c. Pagbaluktot ng ulo…….(16 bilang)
d. Head Rotation( R-L)…...(16 bilang)
-Paalala: Siguruhing hindi labis ang pagbaluktot ng ulo.
e. Shoulder Circle………….(16 bilang)

Tuklasin
Panuto:1. Kulayan ng dilaw ang bao ng niyog kung ang larawan ay
nagpapakita ng kaugnayan ng kagamitan sa katawan ay
sa mataas na posisyon o high level.
2. Kulay pula naman kung ang kaugnayan ng kagamitan sa
katawan ay nasa kalagitnaang posisyon o middle level.
3. Kulay kahel naman kung nasa mababang posisyon o low
level.
1 2 3

Clicking at the back Clicking Clicking on the chest


of your knee upward/overhead

Suriin

Ang galing mo, nagawa mo nang tama! Ngayon


naman ipapakita ko sa iyo ang iba pang kilos sa iba’t
ibang levels/posisyon gamit pa rin ang bao. Tingnan
nang maigi ang pagkilos ng mga bata sa larawan na
sina Mila at Sam.

Mila Sam Mila


Sam

Clicking Behind Clicking Clicking Clicking Obliquely


sideward right sideward left

3
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Anong kagamitan ang iyong ginamit sa pagsagawa ng kilos?
a. lata b. bola c. bao ng niyog
2. Paano mo ginamit ang bao ng niyog sa pagsagawa ng kilos?
a. itapon paitaas at saluin b. ipapasa mula sa kaliwa pakanan
c. ipinapatpat ang magkabilang dulo pataas, pagitna at pababa

Pagyamanin
“Kilos Mo, Hugis Mo”
Panuto: Gayahin mo ang mga kilos/ehersisyong ipinapakita at
isinasagawa ng mga bata sa larawan sa saliw ng musika.
Guhitan ng hugis bituin ang loob ng bilog kung ang
kinatatayuan ng kilos ay mataas, hugis puso naman
kung nasa kalagitnaan at hugis diyamante naman kung
ito ay mababa.
Paalala: Maging maingat ka sa pagsasagawa ng mga gawain
upang makaiwas sa sakuna.

1. Clicking 2. Clicking 3. Clicking 4. Clicking


Forward Behind Obliquely Sideward Right

Isaisip
Laging isaisip na ang bao ng niyog ay maaaring gamitin
sa pag-eehersisyo. May 3 levels ang gawaing pagkilos.
Sinasabi nito ang kaugnayan ng katawan sa kinatatayuan,
kagamitan o taas sa espayo kung ito ba ay mababa (low
level), kalagitnaan (middle level), o mataas (high level).

Isagawa
1. Aling kilos ang iyong gagawin upang maipakita mo ang
pagmamahal at malasakit sa iyong kapwa o pamilya? Kulayan ang
puso.

4
2. Maysakit ang iyong nanay. Kailangan niyang makainom ng gamot.
Paano mo siya matulungan? Aling level ng kilos ang iyong gagawin
upang makuha ang gamot sa estante?
Mababa ( low level)

Kalagitnaan (middle level)


Mataas (high level)

Tayahin
“Kilos Mo, Markahan Mo!”
Panuto:
1. Isagawang muli ang mga kilos sa iba’t ibang level gamit
ang bao ng niyog sa saliw ng awiting “The Coconut Nut”
2. Markahan ang iyong isinagawa ayon sa mga panuntunan
sa ibaba.
3- Pinakamahusay- Alam na alam ang mga kasanayan at
naisagawa nang maganda.
2- Mahusay- Naisagawa ang kasanayan na may kaunting
pagkakamali.
1- Hindi Mahusay- Naisagawa ang kasanayan na may
maraming pagkakamali.
Paalala:
Maging tapat sa pagbibigay ng marka sa iyong sarili. Laging
pakatandaan na “Honesty is the best policy”.

Clicking on Clicking Clicking at Clicking Clicking


the chest oblique the back of overhead/ sideward
your knee upward

Karagdagang Gawain
Maliban sa mga naisagawa mo sa pagsasanay, magsagawa
ka pa ng iba pang kilos o ritmikong ehersisyo na nagpapakita sa
iba’t ibang antas o level gamit ang bao. Tayahin ang iyong sarili.

5
Gamitin ang pamantayan sa ibaba. Iguhit sa loob ng kahon ang
iyong naisagawang kilos.

Pamantayan:

- Nakapagsagawa ng tatlo o higit pang


kilos o ehersisyo gamit ang bao.

- Nakapagsagawa ng dalawang kilos o


ehersisyo gamit ang bao.

- Nakapagsagawa ng isang kilos o


ehersisyo gamit ang bao.

6
Subukin
Panuto: Isagawa ang ehersisyo gamit ang bola. Lagyan ng tsek
(√) ang kahon kung ito ay madali o mahirap.

1. Pagbaluktot ng isang tuhod (half knee bend)


2. Itaas ang sakong at kamay sa itaas ng ulo
(heels raise, hands over head
3. Stride stand position
4. Ieks ang kaliwang paa sa kanan

5. Tumingkayad paikot sa kanan

Aralin Mga Ritmikong Ehersisyo


6 Gamit ang Bola
Sa araw na ito, pag-aaralan mo ang
pagsasagawa ng mga ritmikong ehersisyo gamit
ang bola. Bibigyang pansin din sa araling ito ang
lokasyon, direksyon, posisyon (level), daanan
(pathways), at plane.

Balikan
“Tara Na, Iunat ang Katawan!”

Panuto: Gawin ang sumusunod na pampasiglang ehersisyo


upang maihanda ang katawan sa susunod na
gawain, kung maaari ay saliwan mo ng musika.
1. Mag-jog sa kinatatayuan…………….8 bilang
2. Shoulder Circle………………………….8 bilang
3. Trunk Twist………………………………..8 bilang

7
Tuklasin
“Let’s Sing and Move!”
Panuto: Masigla mong awitin, i-rap, o i-chant ang awiting
pinamagatang “Ang Bola Koy Bilog”. Sabayan mo ng
sayaw kung gusto mo. Maari mong tingnan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=z7kQlulIipg sa
youtube kung mayroon kang internet sa bahay.
Ang Bola Ko’y Bilog
Teacher Chleo & Kids Ang bola ko'y bilog,
Hugis bilog, hugis bilog Tumatalbog at umiikot
Ang bola ko'y hugis bilog Hugis bilog, hugis bilog
Tumatalbog, tumatalbog Ang bola ko'y hugis bilog
Ang bola ko'y tumatalbog Tumatalbog, tumatalbog
Tumatalbog ng pababa, Ang bola ko'y tumatalbog
Nang pataas, nang pababa Tumatalbog ng pababa,
Ang bola ko'y bilog, Nang pataas, nang pababa
Tumatalbog at umiikot Ang bola ko'y bilog,
Tumatalbog ng pababa, Tumatalbog at umiikoT
Nang pataas, nang pababa

Itanong:
Ano ang tawag sa ating ginawa?
Anong kagamitan ang ginamit sa awit?

Suriin
Tandaan…
Ang bola ay isa sa payak na kagamitang pang-ehersisyo na
ginagamit sa pangritmong ehersisyo upang mapaunlad ang
koordinasyon, panimbang, at flexibility ng katawan.
Narito ang mga gawain na nagpapakita ng ritmikong ehersisyo
na nagpapasigla ng iyong katawan at isipan.
Panuto: Bilang paghahanda sa gawain, pag-aralan ang mga
hakbang at isagawa ang sumusunod na kilos ng kamay
at paa gamit ang bola.
Rhythmic Exercises with Ball
Figure I
Standing Position: Stand with feet together, hands on chest level,
palms facing down, elbows out
a. Half-knee bend, raise your hand forward
at chest level palms facing down counts…………. counts 1, 2
b. Position ………………………..………………………… counts 3, 4

8
c. Heels raise hands overhead counts.…………….….. counts 5, 6
d. Position counts ………………..………………………… counts 7, 8

Pagyamanin
“Gumalaw Tayo!”
Panuto: Isagawa ang mga ritmikong ehersisyo gamit ang bola.
Awitin ang “Leron-leron Sinta” habang isinasagawa ang kilos.
Figure I
Standing Position: Stand with feet together, with ball on chest
level elbows out
a. Move ball forward …….……………………count 1
b. Position ……………..…………………………count 2
c. Move ball upward ………….………………count 3
d. Position …………...…….……………………. count 4
e. Repeat all a to d …………………..………. 4 counts

Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
Ang ___________ ay isa sa payak na kagamitang pang-
ehersisyo na ginagamit sa _______________ upang mapaunlad
ang koordinasyon, panimbang, at flexibility ng katawan.

Isagawa
Panuto: Kung ikaw ang papipiliin, anong gawain sa
bahay ang iyong pipiliin na nakatutulong upang lalong
mapaunlad ang tikas ng iyong katawan? Gumuhit ng hugis
puso sa larawan na gusto mong gawin.

9
Tayahin
Panuto: Isagawa ang ehersisyo gamit ang bola. Lagyan ng tsek
(√) ang kahon kung ito ay madali o mahirap.
Gawain Madali Mahirap
1. Pagbaluktot ng isang tuhod (half
knee bend)
2. Itaas ang sakong at kamay sa
itaas ng ulo (heels raise, hands
over head)
3. Stride stand position
4. Ieks ang kaliwang paa sa kanan
5. Tumingkayad paikot sa kanan

Karagdagang Gawain
Panuto:
1. Maghanap ng isang (1) larawan na nagpapakita
ng mga ehersisyong ritmiko na ginagamitan ng mga payak
na kagamitan.

Subukin

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang


ipinahahayag ng mga pangungusap tungkol sa wastong
pagpasa ng bola at lagyan ng ekis (X) kung hindi.
_______ 1. Ang pantay-dibdib napagpasa ng bola ay
pinaka-epektibong paraan ng pagpasa.
_______ 2. Ang mga siko ay nakaturo papasok at malapit sa gilid
ng katawan.
_______ 3. Ginagamit ang mga kuko sa paghawak ng bola.
_______ 4. Ang paraan ng pagsalo ng bola ay depende sa taas
ng bola at ang daan kung saan haharangin ang bola.
_______ 5. Ang dalawang-kamay na pagpasa sa itaas
ay ginagamit lang sa malalapit na pagpasa ng bola.

10
Aralin
Paghagis at Pagsalo ng
7 Bola

Sa araw na ito ay pag-aaralan mo Pakikilahok


nang masigla sa paghagis at pagsalo ng bola.
Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan
kahapon? Atin muna itong balikan sa pamamagitan
ng pagsagot ng inihanda kong gawain.

Balikan
Hanapin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

pang-ehersisyo bola
________1. Ang _____ ay payak na kagamitang makatutulong
upang mapaunlad ang mga kilos ng katawan,
koordinasyon, panimbang, at flexibility ng katawan.
________2. Ang paggamit ng bola ay isa sa payak na kagamitang
________.

Tuklasin
Magaling! Ngayon naman ay suriin ang larawan at
buuin ang tawag sa kilos na ito. Huwag mong kalimutang
sundin ang mga panuto, basahin at sagutin ang bawat
katanungan.

P a g _ al _ P_gha_is
Sagutin:
a. Anong kilos ang ipinakita sa larawan? _______________
b. Anong kilos ang kanilang isinagawa? _______________

11
Gawain 2
Isagawa ang “Bounce Catch”. Pag-aralan at sundin ang
pamamaraan ng laro.
Bilang ng manlalaro: dalawa o higit pa
Lugar: sa labas ng silid-aralan/bahay
Kagamitan: bola
Paghahanda sa laro: Bumuo ng bilog at pumili ng lider.
Tuntunin:
1. Ihahagis ng lider ang bola sa hangin at magsasabi ng
bilang.
2. Subuking saluhin ang bola sa unang talbog. Halimbawa,
kung ang lider ay nagsabi ng bilang 5, sasaluhin ng
manlalaro ang bola pagkatapos na matamaan nito ang
sahig ng limang beses. Magpapaligsahan kayo sa isa’t-isa
3. Ang manlalaro na wasto ang pagsalo ng bola ang susunod
na lider.
Tingnan ang larawan.

Sagutin:
1. Anong kilos ang ipinakikita sa larawan? ______________
2. Anong bagay ang ginamit sa pagsagawa ng kilos nila?
_________

Suriin

Pagsalo o paghagis ng bola mula sa iyong kapareha


- ay pagtanggap ng bola mula sa iyong kapareha o
kalaro.
Ang paraan ng pagsalo ng bola ay depende sa taas ng bola
at ang daan kung saan haharangin ang bola.
• Tumingin sa bola.
• Subuking ibuka ang mga braso at kamay at humanda sa
pagsalo ng papalapit na bola.
• Kailangang may koordinasyon ang mga mata at ang galaw
ng mga braso at kamay.
• Ang binti ay dapat sa posisyong stride na bahagyang
nakabaluktot.
12
Paghagis o pagpasa ng bola
Ang Two-hand over arm pass o dalawahang-kamay na
pagpasa sa itaas ay ginagamit lang sa malalapit na pagpasa ng
bola.
• Hawakan ang bola sa itaas na ang
mga braso ay bahagyang
nakabaluktot.
• Mahigpit na hawakan ang gilid ng
bola.
• Paghiwalayin o ikalat ang mga
daliri.
• Humakbang sa posisyong stride
• Sundan
Ang Chest Pass o pantay-dibdib na pagpasa ng bola ay
pinaka- epektibong pagpasa; ito ay karaniwang ginagamit
kapag malapit ang distansiya.
• Gamitin ang mga daliri sa
paghawak ng bola.
• Ang mga siko ay nakaturo palabas
at malapit sa gilid ng katawan.
• Itulak ang bola pauna na nakababa
ang mga hinlalaki. Mabilis na
pakawalan.
Mga uri ng pagpasa ng bola
Ang Air Pass o pagpasa ng bola sa himpapawid ay ang
paghagis sa kalaro na hindi naglalapat ang bola sa sahig.
Ang Bounce Pass o patalbog sa sahig na pagpasa ay
pagpasa na patalbog mula sa kapareha o patungo sa
pagpapasahan ng bola.
Ang Roll Pass o Patalbog nang malakas na pagpasa ay
pagpasa ng malakas mula sa kapareha o patungo sa
pagpapasahan ng bola.

Pagyamanin

Paano isinagawa ang pagpasa ng bola? Anong


kagamitan ang ginamit sa ganitong uri ng laro? Ang laro
bang ito ay kasiya-siyang gawain?
Isagawa ang kilos ng Pagpasa at Pagsalo ng bola
gamit ang pito, bolang goma o bolang plastic habang
masiglang inaawit o i-chant ang “Ihagis Mo” sa tono ng
“Kumusta ka” upang maging masigla ang laro. Tara na!

13
“Ihagis Mo”
ni Rhodora B. PenaMagmartsa ka (2X)
(Kilos: Magmatsa sa Ihagis ang bola (2X)
kinatatayuan) (Kilos: Isagawa ang paghagis
Humarap sa katapat ng bola)
(Kilos: Humarap sa katapat) Saluhin, saluhin, Saluhin mo ‘to!
At tingnan mo siya. (Kilos: Gawin ang pagsalo sa
(Kilos: Tumingin sa kaniya) bola)]
Sagutin:
1. Naisagawa mo ba nang wasto ang mga kilos? __________
2. Ano ang iyong ginawa nang papalapit na ang bola?
___________
3. Ano ang wastong posisyon ng kamay at paa kapag
sasalo at maghahagis ng bola? _________
Tandaan:
Ang wastong paghagis at pagsalo ng bola sa iba’t ibang
levels at direksiyon ay makatutulong upang mapaunlad ang
kaliksihan, kalambutan, at kasanayan sa paglalaro ng mga
larong bola katulad ng softball, baseball, at basketball.
Yehey!!! Ngayong alam mo na, magagawa mo na
nang maayos ang gagawinat sasalihan mong mga
laro.
Isaisip
Punan ang mga patlang ng wastong sagot.
Ang wastong ________at ________ng bola sa iba’t ibang
levels at direksiyon ay makatutulong upang mapaunlad
ang kaliksihan, kalambutan, at kasanayan sa paglalaro ng
mga larong bola katulad ng softball, baseball, at basketball.
Isagawa
Basahin nang maigi ang mga katanungan at piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Paano ka naglalaro ng pagsalo ng bola?
a. Subuking ibuka ang mga braso at kamay at humanda
sa pagsalo ng papalapit na bola.
b. Tumingala lang
c. Dumistansiya sa kalaro
2. Sa paglalaro ng basketbol, anong pagpapahalaga ang
iyong ipinakita ?
a. Katigasan ng ulo sa paglalaro.
b. Pagiging Isport sa bawat laro at pagbibigay respeto sa
mga kalaro.
c. Mainitin ang ulo sa bawat laro

14
Tayahin
Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ng mga
pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto.
_______ 1. Ang dalawang-kamay na pagpasa sa itaas ay
ginagamit lang sa malalapit na napagpasa ng bola.
_______ 2. Ang pantay-dibdib na pagpasa ng bola ay pinaka-
epektibong pagpasa.
_______ 3. Ang mga siko ay nakaturo papasok at malapit sa gilid
ng katawan.
_______ 4. Ang paraan ng pagsalo ng bola ay depende sa taas
ng bola at ang daan kung saan haharangin ang bola.
_______5. Ginagamit ang mgakuko sa paghawak ng bola.

Karagdagang Gawain
Panuto: Kumuha ng kapareha. Ang bawat magkapareha
ay gagawin ang itatakdang gawain. Ang iyongkapareha ang
magmamarka sa iyo at ikaw naman ang magmamarka para sa
kaniya.
Pagmamarka:
5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay na mahusay 3 – Mahusay
2 – Di-gaanong Mahusay 1 – Mahina

Subukin
BILANG KASANAYAN SARILING PAGTATAYA PAGTATAYA NG IBA
5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
chest
1
Pass
2 Bounce Pass
two-hand
3
overarm Pass
4 Roll Pass
5 Ball catching
15
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap ay
naglalarawan ng larong “Karera ng Bao” at lagyan ng ekis (X) kung
hindi.
________1. Ang larong “Karera ng Bao” ay isang uri ng katutubong
laro.
________2. Ang bola ay ginagamit sa larong “ Karera ng Bao.”
________3. Ang manlalaro ay naglalagay ng bao sa ilalim ng paa na
hinihila ang tali sa pagitan ng hinlalaki at hinahawakan
ang dulo ng tali.
_______ 4. Ang wastong balanse ng katawan ay kinakailangan sa laro.
_______ 5. Ang “ Karera ng Bao” ay nangangailangan din ng lakas ng
mga binti.

Aralin

8 Karera ng Bao
Sa araw na ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa
pakikilahok sa “Karera ng Bao”.
Alam kong excited ka na. Tara simulan na natin!
Naaalala mo pa ba ang iyong nakaraang aralin?
Halika at atin munang balikan sa pamamagitan ng
pagsagot sa inihanda kong gawain sa susunod na
pahina.

Balikan
Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng tamang diwa at Mali naman kung hindi.
_____________1. Ang wastong paghagis at pagsalo ng bola sa
iba’t ibang levels at direksiyon ay makatutulong
upang mapaunlad ang kaliksihan, kalambutan, at
kasanayan sa paglalaro ng mga larong bola.
____________ 2. Ang mga larong softball, baseball, at basketball ay
mga larong hindi gumagamit ng bola.

16
Tuklasin

Suriin mo ang larawan. Nakikilala mo ba ang laro


sa larawan?
Mailalarawan mo ba kung ano ang larong ito?
Anong kagamitan ang ginamit sa laro?
Alam mo ba kung paano maglaro nito?
Gusto mo bang maglaro nito?

Bilang ng manlalaro: isa o higit pa


Lugar: sa labas ng silid-aralan/bahay
Kagamitan: Ang bawat manlalaro ay
dapat magkaroon ng pares ng
bao. Ginagawa ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng
butas sa isa sa mga mata ng
kalahating bao ng niyog. Lalagyan
ito ng tali na may dalawang metro
ang haba o ayon sa taas ng manlalaro. Ilalagay ito sa butas
hihilahin at gagawa ng malaking buhol sa ilalim ng bao.
Paghahanda sa palaruan: Dalawang magkatapat na linya ang
iguguhit na may 10 metro ang pagitan. Ang isa ay siyang
magsisilbing panimulang guhit at ang isa ay dulong guhit.
Tuntunin:
1. Ang dalawang manlalaro ay tatayo ng magkabilaan sa
starting line.
2. Pagbigay ng signal, ang dalawang manlalaro ay mag-
uunahan paikot sa dulong guhit at pabalik sa
panimulang guhit gamit ang mga bao.
3. Ang manlalaro na mauunang bumalik sa panimulang
guhit ang siyang panalo.

Suriin

Tandaan:
Ang “Karera ng Bao” ay isa sa mga sinaunang katutubong laro na
sumasalamin sa ugali ng pangkat ng mga tao at nagpapakita ng
local na kultura sa pamamagitan ng ehersisyo.
Tinatawag din itong laro ng lahi na ang manlalaro ay
gumagamit ng dalawang pares ng bao na may tali.
Isinasagawa ito ayon sa nais na level at direksiyon ng isang
manlalaro.

17
Pagyamanin

Bumuo ng hugis na biluhaba. Awitin ang Leron, Leron Sinta


habang sinasabayan ng kilos na tila naglalaro ng Karera ng
Bao.

Isaisip

Panuto: Punan ang mga patlang ng wastong sagot.

Ang “Karera ng Bao” ay nangangailangan ng


________ sa paggalaw upang maisagawa ang kilos na ayon
dito. Isinasagawa ito ayon sa nais na level at ________ ng
isang manlalaro.

direksyon kasanayan

Isagawa

Maikling kwento:
May isang batang lalaki na mahilig maglaro sa mga kaibigan
pagkatapos niyang mag-aral ng kanyang mga aralin. Ang
pangalan niya ay Tonyo. Alam niyo ba kung ano ang paborito
niyang laro? Ito ay ____________ na gustong-gusto niyang nilalaro
lagi.

18
Tayahin
Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pangungusap ay
naglalarawan ng larong “Karera ng Bao” at lagyan ng ekis kung
hindi.
________1. Ang larong “Karera ng Bao” ay isang uri ng katutubong
laro.
________2. Ang bola ay ginagamit sa larong “ Karera ng Bao.”
________3. Ang manlalaro ay naglalagay ng bao sa ilalim ng paa
na hinihila ang tali sa pagitan ng hinlalaki at
hinahawakan ang dulo ng tali.
_______ 4. Ang wastong balanse ng katawan ay kinakailangan sa
laro.
_______ 5. Ang “ Karera ng Bao” ay nangangailangan din ng lakas
ng mga binti.

Karagdagang Gawain
Sagutin ang sumusunod ng OO kung nasiyahan at
naisagawa mo nang wasto ang Gawain at HINDI kung hindi
nasiyahan at naisagawa nang wasto.
Lagyan ng (√) ang kahon na tutugma sa iyong sagot.

OO HINDI
1. Naisagawa mo ba ng wasto ang “Karera ng
Bao” sa mataas na posisyon?
2. Naisagawa mo ba nang wasto ang “Karera ng
Bao” sa mababang posisyon?
3. Naisagawa mo ba ang wastong panimbang
gamit ang bao?
4. Nasiyahan ka ba sa laro?
5. Naisagawa mo ba ito nang wasto?

19
20
Tayahin Subukin
Isagawa
Isaisip
1. √ 1. 1. bola 1. √
2. √ 2. pangritmo
2. √
3. √ 2. ng 3. √
4. √ ehersisyo 4. √
3.
5. √ 5. √
ARALIN 6
Tayahin: (3 pts.) Isaisip: (4pts)
Isagawa: (5pts.)
X X
Karagdagang 1. bao ng niyog X X
Gawain: ( 3 pts.) 2. mababa
3. kalagitnaan
(Self Assessment)
4. mataas
Suriin: (5 pts.)
Pagyamanin: (9 pts.) 1.c
1. 2. 3. 2.c
3.b
4. 5. 6. 4.b
5.c
Tuklasin: ( 3 pts.) Balikan: ( pts.) Subukin: (5 pts.)
1. kahel 1.a
2. dilaw 2.c
3. pula 3.c
4.c
5.b
ARALIN 5
Susi sa Pagwawasto
21
Tayahin
1. /
2. X
3. /
4. /
5. /
Isaisip Balikan Subukin
1. Tama 1. 1. /
kasanayan 2. Mali 2. 2. X
direksiyon 3. Tama 3. 3. /
4. Tama 4. 4. /
5. Mali 5. 5. /
ARALIN 8
Tuklasin:(7 pts.)
Pagsalo
Pa ghagis
-
Sagutin: (a d)
Maaring magkakaiba ang sagot Tayahin
Karagdagang
Gawain 2 1. TAMA Gawain:(5 pts.)
Maaring magkakaiba ang sagot 2. TAMA
3. MALI Maaring
4. TAMA magkakaiba
5. MALI ang sagot
Subukin: (5 pts.) Balikan
Isagawa: Pagyamanin:
1.
(3 pts.) 1. bola
-

1. a 2. X 2. pang
2. b ehersisyo
3. X Maaring
3. b
magkakaiba
4. ang sagot
5.
ARALIN 7
Sanggunian
ARALIN 5:
Textbook:
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Shapes and
Action, Teacher’s Guide. Department Of Education, Philippines.
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Awareness,
Learner’s Material. Department Of Education, Philippines.
Onine References:
ARALIN 6:
Textbook:
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Shapes and
Action, Teacher’s Guide. Department Of Education, Philippines.
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Awareness,
Learner’s Material. Department Of Education, Philippines.
Onine References:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fm.the
ARALIN 7:
Textbook:
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Shapes and
Action, Teacher’s Guide. Department Of Education, Philippines.

Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Awareness,


Learner’s Material. Department Of Education, Philippines.
Onine References:
https://www.google.com/search?q=ball+activities+for+kids+clip+arts&t
bm=isch&ved=2ahUKEwjSvc214NbtAhVCdpQKHeC5DeEQ2 -

cCegQIABAA&oq=ball+activities+for+kids+clip+arts&gs_lcp=CgNpbWc
QA1CvpgJY3PgCYMCRA2gAcAB4AIABuAGIAeYMkgEEMC4xMJgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=FDjcX9LjEMLs0QTg87aI
Dg&bih=625&biw=1366#imgrc=JszWIFhzs84aUM
Copyright 2020 Breakthrough Basketball, LLC

ARALIN 8:
Textbook:
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Shapes and
Action, Teacher’s Guide. Department Of Education, Philippines.
Asildo, Voltair V. et al (2017). MAPEH in Action: Body Awareness,
Learner’s Material. Department Of Education, Philippines.

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like