You are on page 1of 4

Tagalog

Sino ang dapat mabakunahan laban sa Ang Australian Immunisation Register


trangkaso (infuenza)
Itinatala ng Register ang mga bakunang
Ang pagbabakuna laban sa trangkaso ay
inirerekomenda para sa mga taong may edad
ibinigay sa lahat ng tao sa Australya.
na Ang iyong provider ng imyunisasyon ay
6 na buwan pataas upang mabawasan ang tsansa inaatasang mag-ulat sa Register ng lahat
na magka-trangkaso sila. Ang mga tao sa ng pagbabakuna laban sa trangkaso.
sumusunod na mga grupo ay marapat tumanggap Kabilang dito ang ilang personal na
ng libreng bakuna sa pamamagitan ng Pambansang
Programa ng Imyunisasyon (National Immunisation impormasyon gaya ng iyong pangalan,
Program): petsa ng kapanganakan, mga detalye ng
pagkontak, at ang numero ng iyong
• Mga tao na 65 taong gulang pataas Medicare card. Ang impormasyon kung
• Mga buntis (sa anumang yugto ng kabuntisan) paano pinapamahalaan ng Kagawaran ang
• Lahat ng mga taong Aborihinal at Torres impormasyong iniulat sa Register ay
Strait Islander na nasa edad na 6 na buwan makukuha sa health.gov.au.
pataas
• Lahat ng mga bata na nasa edad na 6 na
buwan hanggang kulang sa 5 taong gulang Saan ako makakukuha ng karagdagang
• Mga taong nasa edad na 6 na buwan pataas na
impormasyon?
may partikular na kondisyong-medikal na
nagpapalaki ng tsansa na magkaroon sila ng Makipag-usap sa iyong GP o iba pang
malubhang trangkaso at mga kumplikasyon nito.
provider ng imyunisasyon tungkol sa
Sa ilang mga estado at teritoryo, ang mga bakuna pagpapabakuna laban sa trangkaso.
laban sa trangkaso ay maaari ring ibigay nang libre sa
ibang tao na hindi nakalista sa itaas. Upang alamin ito, Bumisita sa health.gov.au/immunisation

HUWAG
makipag-usap sa iyong GP o bisitahin ang website ng
Kagawaran ng Kalusugan ng inyong estado o
teritoryo.
Kung ikaw ay hindi marapat tumanggap ng
libreng bakuna, maaari ka ring bumili ng bakuna MANGANIB SA
laban sa trangkaso. Para sa karagdagang
impormasyon, makipag-usap sa iyong GP o sa PANAHONG
ITO
iba pang provider (tagapagbigay) ng
imyunisasyon. Lahat ng impormasyon sa lathalaing
ito ay tama noong Marso 2021.

PROTEKTAHAN
ANG IYONG SARILI
AT MAGPABAKUNA
LABAN SA TRANGKASO.
health.gov.au/immunisation
Ano ang trangkaso? nito.
Ang bakuna laban sa trangkaso

Ang trangkaso ay isang labis na Ang pagbabakuna ang ating pinakamabuting pananggol laban
nakahahawang impeksyong dulot ng sa mga virus ng trangkaso. Kahit ang malakas at malusog na
virus na nagiging sanhi ng malawakang mga tao ay dapat kumuha ng bakuna laban sa trangkaso
upang protektahan ang kanilang sarili at tumulong upang
karamdaman at kamatayan taun-taon. mapigilan ang pagkalat ng trangkaso.
Ang mga virus ng trangkaso ay karaniwang Ang pagbabakuna laban sa trangkaso ay naghahanda sa
iyong naturalesa (immune system) upang labanan ang mga
kumakalat kapag ang isang tao na may virus ng trangkaso. Ang bakuna laban sa trangkaso ay
impeksyon ay umuubo o bumabahing. gumagamit ng mga bahagi ng napatay na mga virus upang
Maaaring maikalat ng mga tao ang virus lumikha ng naturalesang pagtugon matapos mabakunahan.
bago pa nila malamang sila ay may Ang kaligtasan sa sakit (immunity) na ibinibigay ng bakuna
ay maaaring protektahan ka laban sa pagkakasakit kung
impeksyon. ikaw ay malantad sa trangkaso sa komunidad. Ang
kaligtasan sa sakit na ito ay makababawas din sa katindihan
ng karamdaman kung ikaw nga ay magkasakit.
Ang bakuna laban sa trangkaso ay hindi makapagbibigay
sa iyo ng trangkaso dahil ito ay walang taglay na
anumang buhay na mga virus.
Ang mga sintomas ng trangkaso ay karaniwang
biglaang dumarating at maaaring kabilangan ng:

• lagnat (mataas na temperatura)


• ubo
• pananakit ng kalamnan o katawan Ang pagbabakuna ang pinakaligtas na paraan
upang protektahan ang iyong sarili at ang ibang
• pagkapagod (pagkahapo)
tao laban sa mga virus ng trangkaso
• sakit ng ulo
• masakit na lalamunan Ang bakuna laban sa trangkaso ay may napakagaling na
rekord sa kaligtasan.
• tumutulong sipon o baradong ilong
Kabilang sa mga karaniwang side efect mula sa bakuna
Ang impeksyong trangkaso ay higit na mapanganib laban sa trangkaso ay ang banayad na pananakit,
pamumula o pamamaga sa bandang ininiksyunan. Ang
sa mga buntis, mga sanggol, matatanda, at mga mga side efect na ito ay karaniwang tumatagal ng ilang
taong may talamak na mga kondisyong-medikal gaya araw at nawawala nang walang anumang paggamot.
ng sakit sa puso, baga o bato, o huminang
Anumang gamot, kabilang ang mga bakuna laban sa
naturalesa. trangkaso, ay maaaring magkaroon ng malulubhang side efect,
Gayunpaman, kahit ang malakas at malusog na mga gaya ng matinding allergic reaction. Gayunpaman, ang mga
reaksyong ito ay labis na bihirang-bihira.
tao, lalo na ang mga bata, ay maaaring malubhang
magkasakit ng trangkaso. Ang trangkaso ay
maaaring maging sanhi ng malubhang impeksyon
sa baga at makapagpapalala ng talamak na mga
kondisyong- medikal. Ilang mga tao ang maaaring
mamatay mula sa trangkaso at mga kumplikasyon
Mga Madalas Itanong tsansa na magka-trangkaso, at maaari ring
mabawasan ang kalubhaan ng
karamdaman kung ang mga tao ay
Kailangan ko bang magpabakunang muli magkaka-impeksyon ng virus.
kung ako ay nabakunahan na noong
nakaraang taon?
Oo. Taun-taon, ang World Health
Organisation ay gumagawa ng mga
rekomendasyon tungkol sa mga strain (anyo)
ng virus ng trangkaso na isasali sa bakuna.
Karaniwan, ito ay nagreresulta sa isang
nabagong bakuna taun-taon upang
magprotekta laban sa mga
uri ng mga virus ng trangkaso na inaasahang
magiging pinakakaraniwan sa taon na iyon.

Bakit ko kailangan sa taon na ito ng


bakuna laban sa trangkaso kung halos
wala namang masyadong trangkaso noong
nakaraang panahon?
Ang mga pag-uugali gaya ng madalas na
paghuhugas ng kamay at istriktong pisikal na
pagdistansya ay tumulong na mapigilan ang
pagkalat ng mga virus
ng trangkaso sa komunidad noong
nakaraang taon. Ang pagluwag ng mga
paghihigpit sa pisikal na pagdistansya sa
taon na ito ay maaaring magpahintulot sa
mga virus ng trangkaso na muling kumalat,
kahit na ang mga ito ay halos hindi lumitaw
noong 2020.

Kailan ako dapat magpabakuna?


Inirerekomenda ang pagbabakuna taun-
taon sa panahon ng taglagas. Ito ay
nagbibigay-proteksyon na tamang-tama
para sa pinakagitna ng panahon ng
trangkaso (karaniwan ay taglamig sa
karamihan ng mga lugar sa Australya).

Maaari ba akong magpabakuna kung


ako ay may allergy sa itlog?
Oo. Ang mga tao na may allergy sa itlog,
kahit na anaphylactic egg allergy, ay
mababakunahan laban sa trangkaso.
Tiyaking ipaalam sa iyong GP o sa iba
pang provider ng imyunisasyon na ikaw ay
may allergy sa itlog.

Kung minsan, ang mga tao ay nagkaka-


trangkaso kahit na sila ay nabakunahan na —
bakit ito nangyayari?
Ang bakuna laban sa trangkaso, gaya
ng lahat ng mga bakuna, ay hindi 100%
na mabisa. Ibig
sabihin, kahit nabakunahan na ang mga tao
laban sa trangkaso, may tsansa pa rin
silang magkaroon ng impeksyon.
Mahalagang tandaan na ang pagbabakuna
laban sa trangkaso ay nagbabawas ng

You might also like