You are on page 1of 1

JACKIE P.

GASTADOR 11/10/21
BSHM 3D PROF. REYNALDO ANDALES JR.

Talumpati tungkol sa “Kahirapan”

Ang Kahirapan ang isa sa mga mabigat na problema sa ating bansa. Halos lahat ng mahihirap
lagi nalang nilang sinisisi ang mga gobyerno dahil daw sa di sila nakapagaral at hindi sila makahanap ng
trabaho at kung ano ano pa. Pero sila ba talaga ang may kasalanan o yung mga taong tamad? Tama ba
na sinisisi natin ang ibang tao dahil sa ating kahirapan? Dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan para
umangat tayo sa buhay. Kung palagi nalang tayo aasa sa ibang tao wala tayong mararating sa buhay.
Bakit ngaba marami ang mga taong mahihirap o naghihirap at nagdurusa dahil dito ? Dahil sa kahirapan
maraming pilipino ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral,at maraming tao na ngayon ang gumagawa ng
kasalanan, katulad ng paggamit ng shabu,pangrarape at pagnanakaw.Dala ng kanilang kakulangan sa
pera ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais na gawin, Dahil dito patuloy na
dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa at nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay. Ang
rason kung bakit patuloy parin ang paghihirap ng mga tao ay kakulangan ng pagtutulungan at
pagkakaisa,kakulangan ng disiplina ng mga tao, kung Patuloy nating paiiralin ang ganitong pag-uugali ay
walang magandang mangyayari . Ang naisip ko may tanging paraan para umangat tayo sa buhay at
solusyon sa kahirapan ng ating bansa ay ang pagiging matiyaga dahil may kasabihan nga tayo “kung
walang tiyaga, walang nilaga.” Kailangan natin maging matiyaga dahil yun lamang ang paraan para tayo
ay umangat sa buhay, hindi yung puro angal nalang, puro salita pero di ka naman gumagawa ng paraan
para umangat sa buhay. Kung ano ang kaya mong gawin sa buhay mo gawin mo hindi mmo naman
ginagawa yan para sa ibang tao ginagawa mo yan para sayo. Kailangan mong magtiyaga sa bagay na
gusto mo para magkaroon ka ng maginhawang pamumuhay sa bansa sa parang walang problema.
Magtiyaga para may marating sa buhay at kung magtitiyaga ka dapat taos puso mo itong gawin para
pwede kang maging inspirasyon sa ibang tao na may karanasan din sa pagiging mahirap. Magtiwala lang
tayo sa ating sarili na malalagpasan din natin ang mga karanasan na ito kung tayo magtitiyaga at hindi
tayo umaangal. Isipin natin na hindi lang tayo ang may ganitong problema sa ating bansa, kaya
magtiyaga, magtiwala at may mararating tayo sa buhay ng walang kasamang paggiging negatibong
pagiisip. Tiyaga ang magiging daan natin para malagpasan nating ang mga problema sa kahirapan at
hindi dapat tayo umaasa sa ibang tao. Kapag may disiplina lahat ng magandang kaugalian ay masusunod,
Tayo ay magsipag at magtiyaga at magkaroon ng didikasyon sa buhay. Huwag tayong gumawa ng mali
,Huwag tayong umasa sa gobyerno,Kumilos tayo habang may oras pang natitira. Masusulusyunan ang
kahirapan kung tayo ay nagtutulungan at may pagkaka-isa at may disiplina, tayo rin ay magbigay respeto
sa ating kapwa pilipino, Lagi nating isipin na hinding hindi tayo pababayaan ng ating panginoong
maykapal, Maging positibo lang palagi sa mga araw na dumarating , At tayo ay maging matapang sa mga
pagsubok na ating haharapin.

You might also like