Maganda at Mapayapang Araw

You might also like

You are on page 1of 1

Maganda at mapayapang araw!

Ako po si Ginoong JOSELITO CAGAMPANG GALENDO, ang kasalukuyang ESP Department Head ng ating paaralan.
Una sa lahat, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga guro sa ESP department pinangungunahan ni Ginoong PORCINO BAHALLA, ang
aktibong ESP Coordinator at sa pahintulot ng ating butihing Prinsipal na si Bb. MAURINE CASTANO, na nagbibigay daan upang mai-pagdiriwang natin sa
buwan na ito ang dalawang selebrasyon at pag-gugunita, una, ang BUWAN NG PAGPAPAHALAGANG PILIPINO at pangalawa, ang NATIONAL CHILDREN’S
MONTH. Sa taong ito, napagkasunduan namin na ang tema sa Buwan ng Pagpapahalagang Pilipino ay: “GADYET AT INTERNET NA MAKABULUHANG
GINAMIT, MAAYOS AT MAPAYAPANG SAMAHAN NG PAMILYA’T KAPWA ANG KAPALIT”.
Bagamat sa kasalukuyan ay patuloy pa rin nating hinaharap ang PANDEMYA na nagdulot ng banta at kapahamakan sa ating kalusugan, meron tayong
hinaharap na hamon tungkol sa pag preserba at pagpalaganap na ating VALUES o PAGPAPAHALAGA na tila ay unti-unting naglaho. Alisunod nito,
inulunsad natin sa pangalawang pagkakataon ang mga paligsahan, patimpalak o contests na nakasentro sa pagtukoy ng mga FILIPINO VALUES sa
pamamagitan ng tama at makabuluhang pag gamit ng mga gadyet at internet.
Layunin sa mga paligsahan na ito ang paghimok ng mga mag-aaral na mahubog at maipamalas ang kanilang mga talento sa sining at arte sa
pamamagitan ng tama at makabuluhang pagamit ng mga gadyet at internet at para na ring maipahayag at mapanatili ang FILIPINO VALUES.
Inanyayahan ko po ang lahat ng mga guro, mga magulang at lalo na sa mga mag-aaral, na sumali at suportahan ang lahat na patimpalak at paligsahan
upang ito’y maging daan para maipag-patuloy ang paglinang ng karunungan at paghubog ng mga VALUES o Pagpapahalaga. Sama sama nating itaguyod
ang FILIPINO VALUES.
Maraming Salamat Po.

You might also like