You are on page 1of 20

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
At Kulturang Pilipino
Kuwarter 1 – Modyul 5
Iba’t-ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Manaoag National High School Senior High School

1
ALAMIN
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang
kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo
ang mga konseptong pangwika. Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang
papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi
natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito
tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan kang muli ng mga
inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Handa
ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Markahan: Unang Linggo: 5th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang gamit ng wika sa lipunan. Ang mga
kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa
mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga gamit ng wika sa lipunan.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at

2
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan (F11WG-le-85)
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan ( F11EP-le-31 )

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng
maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga
mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa
aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga
natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito.
Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga
panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating
kaalaman.
Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksa na nakapaloob dito.
Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

3
Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at
kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang
susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

httm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjwvf65kKvqAhUHFogKHSUlDz0Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1517&bih=730#imgrc
=dPTXE8Q9K0BNmM
ps://www.google.com/search?q=IBAT+IBANG+GAMIT+NG+WIKA+SA+LIPUNAN+CLIP+ART&source=lnms&tb

4
SUBUKIN

Isulat lamang ang titik na katumbas ng wastong sagot sa hiwalay na papel o


notbuk.
1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa
unahan
a. anapora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi
2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa
hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anapora
c. pamanahon d.katapora
3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang
bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language
4. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita
5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang
iyong gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika

5
6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon
ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
7. Itinuro mo sa kanya kung ano’ng ruta ng dyip ang kanyang sasakyan, kung
saan siya bababa at kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa istasyon ng
pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita
niya ng maiinom.
a. Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng
magsisipagtapos sa Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at
hakbang tungo sa tagumpay.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hingil sa parating na malakas na
bagyo.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

6
12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresenta bilang isang bank teller.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang
pagkabahala sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y
nagbatian ng Hi at Hello!
a. Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

7
ARALIN 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Sa nakaraang aralin natutunan mong ang paggamit ng wika sa


pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o
natatangi lamang sa tao.Makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop ang magiging malikhain ng wika.
Sa araling ito ay naglalayong ipadama sa iyo kung gaano kaimportante ang
pagkakaroon ng abilidad na magamit ang wika tungo sa pakikipag-ugnayan.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj27ezykavqAh
XpxosBHVLvAiIQ2 -
cCegQIABAA&oq=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQGDoECAAQHlCwIlj_R
WCfV2gAcAB4AIAB4gGIAa8RkgEGMTcuMy4xmAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=xgb8XvbyAemNr7wP0t6LkAI&bih=677&biw=1499&hl=en#imgrc=
hNaIcNkzJZLxBM

8
B. SURIIN

Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference)


Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nagpapatungkol sa mga
salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita.
HALIMBAWA:
Para sa lugar/ bagay/hayop:
Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na
nakain ko, matapos ang ilang buwan.
Sa Luneta tayo unang nagkita , dito kita unang nakilala. Para sa tao / hayop: sila,
siya, tayo, kanila, kaniya
Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa
magkakapatid.
Ang pamilya nilang Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila ang
condominium na tinitirahan natin ngayon.
Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa dalawa
na nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:
1. Anapora
2. Katapora
Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangalan sa unahan.
Halimbawa:
Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang
makausap.
Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay mahusay.

9
Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangalan sa hulihan.
Halimbawa:
Siya’y hindi karapat – dapat na magtaglay ng aking apelyido , si Pedring ay
kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?
Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang pag-
uugnayan. Tiyaking ang cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos
na mabuo ang pangungusap.

GAWAIN 1

Panuto: A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Batay sa nabuong paliwanag
hinggil sa mga gamit ng wika sa lipunan, ano ang nakita mong kahalagahan sa
paggamit ng mga cohesive devices sa pagbubuo ng pahayag?

B. Bakit mahalagang gamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at


pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan. (F11EP-le-31 )

C. PAGYAMANIN
Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga
ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga graphic
clip ang gamit sa lipunan.
10
PANG-INSTRUMENTAL NA GAMIT
Katangian ng Pang-instrumental:
Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.
Paraang Pasalita Paraang Pasulat
Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos Liham pangangalakal

PANG-INTERAKSYUNAL
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
• Pangungumusta, pag-anyayang • Imbitasyon sa isang
kumain, pagtanggap ng bisita sa okasyon(kaarawan, anibersaryo,
bahay, pagpapalitan ng biro at programa sa
marami pang iba paaralan)

PAMPERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Pasalita Pasulat
Pormal o di pormal na talakayan, Editoryal o Pangulong Tudling
debate o pagtatalo Patnugot, Pagsulat ng Suring-basa,
Suring Pelikula o anumang Dulang-
Pantanghalan

HEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at
pakikipanayam Disertisyon

PANG-REPRESENTATIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o
sagisag
Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
11
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig
sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o Mga Anunsyo, Patalastas, at Paalala
Paligid

PANG-IMAHINASYON
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa
wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang
kanyang damdamin.
Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang Pampanitikan
Teatro

PANREGULATORI NA GAMIT
Katangian: Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar,
panuto/direksiyon,Paalaala panuto sa pasusulit at paggawa ng
isang bagay, tuntunin sa batas na
ipinapatupad
Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)

Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang gamit ng wika batay sa pag-aaral ni


M.A.K. Halliday at Roman Jakobson, tiyak na iba na ang persepsyon mo sa
wika. Hindi lamang ito instrumento sa araw - araw na pakikipag –ugnayan kundi
isang daan sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.
GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit
ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat kung Panregulatori, Pang-

12
interaksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko, Pangrepresentatibo, at Pang-
imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.
1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang
pelikula.
____________________________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.
____________________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
____________________________________________________________
4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL (Bangsamoro Organic Law).
____________________________________________________________
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng unibersidad/kolehiyo
ukol sa paraan ng pagkuha ng libreng paaral na programa ng eskwelahan.
____________________________________________________________
6. Paggamit ng “Po” at “Opo” habang kinakausap ang mas nakatatanda.
____________________________________________________________
7. Pakikisuyo sa magpabili ng gamot sa parmasya.
____________________________________________________________

8. Pagbibigay paalala ukol sa mga dapat gawin at tandaan sa lakbay-aral.


______________________________________________________________

9. Pagsulat ng tesis.

_________________________________________________________________
10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano makatutulong sa magulang
kahit nag-aaral pa.
_________________________________________________________________

13
11. Pagbuo ng kanta.
_________________________________________________________________
12. Paggawa ng resipe ng isang pagkaing pinoy.
_________________________________________________________________
13. Pagpapaalala ng tatay na dapat matutong mamili ng kaibigan.
_________________________________________________________________
14. Pag-anyaya sa panauhin na tikman ang inihandang pagkain ng pamilya.
_________________________________________________________________
15. Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa kuwentong isusulat.
_________________________________________________________________

D. ISAGAWA

Ikaw ba ay kabilang sa maraming kabataang nahuhumaling at minu- minutong


nagba-browse sa internet gamit ang kanilang cellphone? Tanggap na ng marami
na ang cellphone ay kailangan na ngayon sa pamumuhay ng mga tao. Hayag na
rin sa marami ang mabuti at masamang dulot nito. Subukin mong gamitin ang
wika sa pamamagitan ng social media sa pakikipag-ugnayan.

14
GAWAIN 3

Panuto: Panoorin ang video sa Youtube na America’s Got Talent


WOW Marcelito Pomoy “The Prayer “.
Isulat ang iyong naramdaman o reaksiyon habang pinapanood ang video. Sa
ilalim nito ay isulat kung bakit ito ang iyong napili. (F11EP-le-31)

Buod ng Video:

Tungkulin ng Wika: Batay sa naibahagi mong damdamin o


reaksiyon, anong tungkulin ng wika ang ipinakita o
ginampanan ng performans ni Marcelito Pomoy?

Paliwanag:

15
Ngayon ay napatunayan mo na sa iyong sarili na tunay ngang
mahalaga ang kaalaman ukol sa gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan. Sa ayaw at sa gusto mo, tungkulin ng wika na ikaw ay
pagalawin upang makipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo sa
araw-araw na pamumuhay. Magiging daan ito upang mapaunlad mo
ang iyong sarili sa iba’t ibang larangan na nais mong tahakin sa buhay.
May mga pagkakataong kinakailangan mong kumalinga sa kapwa na
dumaranas ng kalungkutan at ang husay mo sa paggamit ng wika ang
siyang maging kaagapay mo upang mapahinahon ang kanyang
damdamin.
Ayon kay Jocson ( 2016-pp90), ang wika ay nakabatay sa
ating kultura , saan man tayo paparoon ay lagi nating bitbit ang
kaalaman na ito at maaari pang maimpluwensyahan mula sa iba
pang kultura.

Magaling! Binabati kita! Maayos mong natapos ang ikalimang modyul.

16
TAYAIN

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat


pangungusap.

1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa


unahan
a. anapora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi
2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa
hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anapora
c. pamanahon d.katapora
3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang
bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon, lalong mahalaga ang wikang
pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita

17
5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya, anong wika ang
iyong gagamitin ?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika
6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang estasyon
ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
7. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang jeep na sasakyan n’ya kung saan s’ya
bababa at kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa estasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita
niya ng maiinom.
a. Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng
magsisipagtapos sa Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at
hakbang tungo sa tagumpay.
a. Interaksiyon b.Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

18
11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hinggil sa parating na malakas
na bagyo.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresinta bilang isang bank teller.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori
13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang
pagkabahala sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.
a. Representatibo b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y
nagbatian ng Hi at Hello!
a. Instrumental b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

19
SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN
Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Bernales, Rolando A., Garcia, Lakandufil, C.,Abesamis Norma, R., Villanueva, Joey M., Cabrera , Honorato I. Jr.,
Jara, Regina G.,at Ornos Petra S. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. # 6 Baltazar St. Pacheco Village,
Balubaran , Valenzuela City :Mutya Publishing House Inc.2002.

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan B.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.856 Nicanor Reyes Sr. St Sampaloc, Manila:Rex Bookstore, Inc. 2016

Websites

https://www.google.com/search?q=language+and+community+clip+art&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiM9LnExsHpAhVTI6YKHZZpBywQ_AUoAXoECA
wQAw&biw=1482&bih=657#imgrc=MFRXJXL18dblUM

https://www.google.com/search?q=picture+gamit+ng+wika+sa+lipunan&sxsrf=ALeKk01hjPk
5rh0rBYNmCIShziJVlC36FQ:1591323612653&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=3S-
ekkFuvia99M%253A%252C6CUf2hIVzDco3M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTnio-
NAmBeWZlcGN3SWEpR_5sMNA&sa=X&ved=2ahUKEwiLmJ61zunpAhWPxYsBHe3PBtAQ9QE
wAXoECAkQIA#imgrc=3S-ekkFuvia99M:

https://www.youtube.com/watch?v=hcgvYr2nlrk (Marcelito Pomoy)

20

You might also like