You are on page 1of 28

SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG
MIDYA
KUWARTER 2 – MODYUL 1 - 4

1
MELC:
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag
mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa
mga blog, social media posts at iba pa.
Layunin: ld, size 13)
1. Naipapakita ang mga iba’t ibang sitwasyong pangwika ng mga iba’t ibang
midya.
2. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng wikang nagagamit sa iba’t ibang midya at
sa kulturang popular.
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wika sa lahat ng midya.

Ang midya (Ingles: media) ay mga pinagsamang mga pagpapalabas o kagamitan na


ginagamit sa pagtala at paghatid ng impormasyon o datos. Naiiugnay ito sa
midyang pang-komunikasyon, o sa naka-espesyalistang negosyong pang-
komunikasyon katulad ng: midyang limbag at pahayagan, potograpiya, advertising,
sine, pamamahayag (radyo at telebisyon), at/o paglilimbag.
Sa araling ito matatalakay kung ano ang mga iba’t ibang uri ng midya. Maiisa-isa
ang mga sitwasyong pangwika ng mga iba’t ibang midya. Makikita rin dito
pagkakaiba-iba ng mga angkop na salitang nagagamit sa bawat midya.
Halika at pag-aralan natin ang mga ito.
B. Alamin Natin Telebisyon
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito. Wikang Filipino ang ang
nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na
channel.Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng
wikang Filipino ay ang mga teleserye, mga pangtanghaling mga palabas, mga
magazine show, news and public affairs, reality show at mga programang
pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga
teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-
milyong manonood ang dahilan kung bakit
halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.

2
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing
99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming
kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga
lugar na di-Katagalugan.
Radyo
Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. May
mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles
sa pagbrobroadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga
estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit
kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-
usap.
Dyaryo
Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino
naman sa tabloid maliban sa iilan. Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o
karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa atbp. Na nakasulat sa wikang higit nilang nauunawaan.
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na
wikang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw
na headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay
karaniwan ding senseysyonal na lumalabas ang impormalidad ng mga ito.
C. Iba pang kaalaman
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA KULTURANG POPULAR
Fliptop
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang
bersong nira- rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw na paksang pagtatalunan. Gumagamit ng di pormal na wika at
walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay balbal at
impormal.
Pick-up Lines
Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang
bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Kung may
mga salitang makapaglalarawan sa mga pick-up lines masasabing ito ay
nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy at masasabi ring corny.
3
Ang wikang ginagamit dito ay karaniwan Filipino subalit may pagkakataon na
nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang kadalasang
nagpapalitan ng mga ito.
Hugot Lines
Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka
sa puso’t isipan ng mga manonood. May mga pagkakataon na nakakagawa rin ang
isang tao ng hugot line depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa
kasalukuyan. Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish o
pinaghalong Filipino at Ingles ang gamit ng salita sa mga ito.
A. HALIMBAWA
Narito ang halimbawa ng tabloid at broadsheet na pahayagan. Pag-aralang mabuti
ang kaanyuan ng dalawa.

Broadsheet Tabloid

Narito naman ang mga halimbawa ng mga pick-up lines.

4
Narito naman ang mga halimbawa ng mga hugot lines.

Narito naman ang isang link para sa halimbawa ng fliptop.


https://www.youtube.com/watch?v=AgHfHICZrDc

PART II. MGA GAWAIN

Gawain 1. NAKALIMBAG O DI-NAKALIMBAG NA MIDYA.


Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na midya kung ito ay nakalimbag o di-
nakalimbag na midya. Isulat ang letrang L kung ito nakalimbag at D naman kung
hindi.
1. Daily Inquirer 6. Pahayagan
2. 24 Oras 7. Kapuso Mo, Jessica Soho
3. DZMM 8. AM station
4. Bulgar 9. Philippine Star
5. MOR 10. Its Showtime
Gawain 2. MGA PICK-UP LINES
Panuto: Magbigay ng anim na pick-up lines.
1. 4.
2. 5.
3. 6.
Gawain 3. HUGOT LINES
Panuto: Magbigay ng anim na hugot lines.
1. 4.
2. 5.
3. 6.
PART III. HULING PAGTATAYA
A. Panuto: Maramihang Pagpipili. Isulat ang letra ng tamang sagot sa mga
sumusunod na pahayag.
_____1. Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang midya.
a. Radyo b. Pahayagan c. Telebisyon
5
_____2. Ito ay uri ng pahayagan na nagpapakita ng pormal na gamit ng mga salita.
a. Broadsheet b. Morning Rush c. Tabloid
_____3. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng Tablod?
a. Daily Inquirer b. Manila Bulletin c. Bulgar
_____4. Ito ay itinuturing na makabagong bugtong.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
_____5. Ito ay isang pagtatalong oral na pa-rap.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
_____6. Ito ay tumutukoy sa mga linyang sumasalamin sa buhay ng isang tao.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
_____7. Isang midya na may pangunahing estasyon ang AM at FM.
a. Radyo b. Pahayagan c. Telebisyon
_____8. Ito ay naglalaman ng nagsusumigaw na headline upang makupakaw ng
atensyon sa mambabasa.
a. Tabloid b. Broadsheet c. Magazine
_____9. Isang pahayagan na pormal na salita ang ginagamit at kadalasang nasa
wikang Ingles.
a. Tabloid b. Broadsheet c. Magazine
_____10. Mga linyang masasabing cheesy at nakakakilig.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines

B. Panuto: Gamit ang Venn Diagram, suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


tabloid at broadsheet. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat
sa ibaba.
Pahayagan pang-masa pormal na salita sensasyonal wikang Ingles

1. 3. 4.

C. Panuto: Sumulat ng isang talata na naglalahad ng iyong opinyon at saloobin


Kung bakit sinasabing ang “Telebisyon ang pinakamakapangyarihang midya”.

6
SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
WIKA AT KULTURA SA PELIKULANG PILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 2

7
MELC:
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag
mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag
mula sa mga blog, social media posts at iba pa.

LAYUNIN:
1. Naipapakita ang mga iba’t ibang kultura ng Pilipino.
2. Natutukoy ang wikang nagagamit sa mga pelikula at dula.
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wika sa kulturang Pilipino

Panimula
Sa nakaraang aralin, natunghayan natin ang mga sitwasyong pangwika sa mga iba’t
ibang midya at maging sa kulturang popular. Nabanggit na may malaking ambag
ang wika sa pagpapakilala sa identidad ng isang bansa. Sa araling ito,
matutunghayan mo na ang kultura at wika ay sumasalamin sa isa’t isa, mga
kulturang puwedeng matutunan sa isang pelikula o dula.
Halika at pag-aralan natin ito.

Alamin Natin
Ang pelikula na kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing ay isang larangan na
nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.
Ang panonood ng pelikula ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat
na uri ng tao sa lipunan. Iba-iba ang uri ng pelikulang tinatangkilik ng mga
manonood. Naaayon ito sa kaniyang ibog panoorin at nagugustuhan. Nariyan ang
aksiyon, animation, dokumentaryo, drama, pantasya, historical, katatakutan,
komedya, musical, sci-fi (science fiction), at iba pa. Anuman ang pelikulang
tinatangkilik, tiyakin lamang na kapupulutan ng aral na magiging gabay naman ng
mga manonood sa nangyayari sa araw-araw na buhay niya.
Samantala, ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa
tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-
panabik na bahagi ng buhay ng tao.
Sinasabi ring isang genre ng panitikan na nasa anyong tuluyan ang dula na dapat na
itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa pamamagitan
8
ng mga diyalogo. Masasabing may anyong pampanitikang inihanda para sa dulang
ang mga artista ay kumakatawan sa mga tauhan, ginagawa ang nararapat na
pagkilos ayon sa hinihingi ng mga pangyayari at sinasabi ang nakasulat na usapan.
Pagsusuri sa mga Lingguwistiko at Kultural na Gamit ng Wika sa Lipunang
Pilipino
Gaya nga ng natalakay na, iba’t ibang sitwasyon ginagamit ang wika. Batay rin
kung sino ang gagamit, saan gagamitin, at paano ito gagamitin.
Isang dapat suriin at isaalang-alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa larangan
ng pelikula at dula. May sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga
salita ang mga ito. Wika nga, pampelikula o pandulaan lang.
Lingguwistiko ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa
heograpikong kalagayan ng isang lugar. Maaaring bigyang-pansin ang antas na
gamit ng wika tulad ng balbal, kolokyal, diyalektal, teknikal, at masining.
Sa isang banda naman, kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing
pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng
pamumuhay, relihiyon at wika.
Mahalagang hindi maisantabi ang panlipunang aspeto ng wika dahil sa maraming
paraan, ang pananalita ay isang uri ng panlipunang identidad at ginagamit para
tukuyin ang pagiging kabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang
komunidad ng pananalita.
Iba pang kaalaman
May partikular na gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tinatawag itong
register ng isang panlipunang salik na isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon
ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang pinanggagalingan ng baryasyon ng
pananalita ng indibidwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang
kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang kinapapalooban
natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling register o mga salitang pampelikula
at pandula.
Pelikula Dula
“Lights, camera, action…” Dulang isang yugto
Focus Right stage
Sinematograpiya Left stage
Iskrip Mensahe
direktor Galaw ng tahanan
9
A. HALIMBAWA
Narito ang mga halibawa ng mga pelikulang nagpapakita ng mga
kulturang Pilipino na tumatak sa puso ng mga manonood.

Ang pelikulang Anak ay


tumatalakay sa mga Pilipinong
nakikipagsapalaran sa ibang bansa
(OFW) upang maiahon sa kahirapan ang
pamilya.
Naipakita sa pelikula ang mga
kaugaliang Pilipino sa loob ng isang
pamilya. Ipinakita rito ang mga
sakripisyo at pagmamahal ng isang ina
sa kaniyang anak.
Naipamalas din dito ang iba’t ibang antas ng wikang nagamit sa mga diyalogo ng
mga tauhan.
Ang pelikulang Muro Ami ay
nagkamit ng maraming parangal
sapagkat ipinakita rito ang buhay ng mga
mangingisda at umaasa lamang sila rito
sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Naipakita sa pelikula ang likas na
yaman ng Pilipinas na nagmumula sa
karagatan.
Naipamalas din dito ang iba’t
ibang antas ng wikang nagamit sa mga
diyalogo ng mga tauhan.
Ang pelikulang Tanging Ina ay
nagpapakita kung gaano kakomplikado
ang pagkakaroon ng isang dosenang
anak sa loob ng tahanan. Ipinakita rin
dito kung paano ang relasyon ng
magkakapatid na magkakaiba ang
kanilang ama.

10
Naipamalas sa pelikulang ito ang pagiging matatag ng ina mula sa pagsubok na
binigay sa kanya ng lipunan.
Naipamalas din dito ang iba’t ibang antas ng wikang nagamit sa mga diyalogo ng
mga tauhan.
PART II. MGA GAWAIN
Gawain 1. ANO SA TINGIN MO?
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, maglista ng tig-tatlong pagkakatulad at
pagkakaiba ng Pelikula at Dula.

1. Pagkakatulad 1.

2. 2.
1.
3. 3.
2.
3.

Pelikula Dula

Gawain 2. ANG PABORITO KONG PELIKULA


Panuto: Maglahad ng isang paborito mong pelikulang Pilipino at
ipaliwanag mo kung tungkol saan ang pelikulang ito. Gayahin ang pormat
sa ibaba.

Pamagat ng Pelikula

11
Gawain 3. ANG PABORITO KONG DULA
Panuto: Maglahad ng isang paborito mong dulang Pilipino at ilagay ang iyong
obserbasyon kung ano-anong mga barayti/antas ng wika ang nagamit..
Gayahin ang pormat sa ibaba.

Pamagat ng Dula

PART III. HULING PAGTATAYA


A. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay tama
at M naman kung mali.
1. Ang wika ay sumasalamin sa kultura.
2. Ang mga pelikula ay nakakakitaan ng kulturang Pilipino.
3. Ang pelikula at dula ay may parehas na register na ginagamit.
4. May iba’t ibang antas ng wika ang nagagamit sa dula.
5. Ang dula ay may diyalogong sinusundan ng mga tauhan.
6. Sinematograpiya ay isang register na ginagamit sa dulaan.
7. May right at left stage ang isang dulaan.
8. Ang dula ay maaaring nagpapakita ng kultura ng Pilipino.
9. Script ang tawag sa binabasang linya ng mga artista sa isang pelikula.
10. Walang kinalaman ang wika sa kultura.

12
B. Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang mga 3 pelikulang Pilipino at 2
dulang Pilipino.

A S R T Y W S T H E F A X R T
T H E H O W S O F U S X S W H
R F G E A N F H J K U Y T F E
P L O P C L I C K I V A D F P
R Q V E J E R O L L F R T L R
A N G T A N G I N G I N A J O
T R X A B R Y A N D R E Y O M
A T C A N G P U L U B I G H I
S R V G M A H A T T R E G N S
N G B N A A S D F H X C V E E

C. Panuto: Magtala ng dalawang paborito mong pelikula at ilahad kung


anong kultura ang ipinakita rito at kung anong sitwasyong pangwika ang
kanilang nagamit. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Pamagat ng Anong kulturang Paano ang


pelikula Pilipino ang sitwasyong
nakita? pangwika ang
nagamit sa mga
diyalogo?
Halimba Relasyong ng isang Impormal ang mga
OFW na magulang sa
wa kaniyang mga anak. wikang
Anak Ipinakita rito ang nagamit sa pelikula.
pagmamahal ng isang
ina sa kaniyang anak.

13
SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
KALAGAYANG PANGWIKA SA KULTURANG PILIPINO AT
MGA REGISTER/BARAYTI SA IBA’T IBANG SITWASYON
KUWARTER 2 – MODYUL 3

14
MELC:
• Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino.
• Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon.
Layunin: ld, size 13)
1. Naipapakita ang kulturang Pilipino at mga kalagayang pangwika nito.
2. Nagagamit at natutukoy ang mga iba’t ibang register/barayti sa iba’t ibang
larangan.

Panimula
Sa araling ito matatalakay kung ano ang kinalaman ng wika sa kulturang
kinabibilangan nito. Sabi nila na ang wika ay sumasalamin sa kultura, at gayundin
ang kultura ay sumasalamin sa wika. Mayaman sa kultura ang bansang Pilipinas
sapagkat bawat rehiyon nito ay may mga paniniwala at kaugaliang namana pa sa
mga unang taong nanirahan sa lugar na iyon.
Sa araling ding ito matutunghayan ang mga iba’t ibang rehistro na wika o di-kaya
ay mga iba’t ibang barayti ng wika na maaaring magamit sa mga iba’t ibang
larangan at nagagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ng isang tao.
Halika at pag-aralan natin ang mga ito.
Alamin Natin
Ang Wika at Kultura
Kabuhol ng wika ang kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao. Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang
ginagamit. Para sa lingguwistang si Ricardo Ma. Molasco, dating Tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), may bentahe ang pagkakaroon ng maraming
wika at maraming kultura sa isang bansa. Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa
Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
(PLM) noong Mayo 10 hanggang 12, 2006, sinabi niya na “bukod sa nabibiyayaan
tayo ng maraming katutubong wika ay mayroon din tayong wikang pambansa – ang
Filipno – at may wikang internasyonal pa – ang Ingles. Ang pagtutulungan ng mga
wikang ito – local at dayuhan- ay siyang nagpatotoo kung paano ka-linguistically
diverse at culturally diverse ang ating bansa, isang bagay na dapat nating ipagbunyi
at ipagmalaki.”
15
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng
wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at
kalinangan, paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay
at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipapakilala ang kultura dahil sa wika.
Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura.
Register/Barayti ng Wika
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa
biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa
kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-
iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang
kahulugan nito kung malalaman ang iarangang pinaggamitan nito. ito ang bnatawag
na register ng wika. Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t
ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. REGISTER ang
tawag sa ganitong uri ng mga termino.
Tinatawag na register ang espesyeladong termino gaya ng mga salitang siyentipiko
o teknikal na nagatataglay na iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o
disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang kapital na may kahulugang
“puhunan” sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan naming “punong
lungsod” o “kabisera” sa larangan ng heograpiya..
Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba
ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin sa inhinyero, computer
programmer, game designer, negosyante at iba pa.
Iba pang kaalaman Wika at Kultura
Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar.
Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa
wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,
kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na
kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din
ng wikang yaon.
Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng
pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may
naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay
yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap
16
nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may
kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga
inangking salita ay nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at
karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino.
IBA'T IBANG BARAYTI NG WIKA
Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang barayti ng wika ay ang
pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyonal. lto rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na
ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri.
at anyo ng salita. Nagbigay si John Cafford (1965), sa kanyang aklat na A
Linguistic Theory of Transaction ng dalawang uri ng barayti ng wika.
Permanente Para sa mga Tagapagsalita o Tagapagbasa
Nabibilang dito ang sumusunod:
Diyalekto. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o
grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: lugar, panahon, at katayuang
sosyal.
Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna Panahon:
Lumang Filipino, Makabagong Filipino
Katayuang Sosyal: Kinabibilangang antas sa lipunan
Idyolek. Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Tanda ng idyolek
ang madalas na paggamit ng partikular na bokabularyo. Maaaring magbago ang
idyolek sa paglipas ng panahon. Sanhi nito ang adapsiyon ng bagong pagbaybay at
natututuhang mga bokabularyo. Gayunman, ayon pa rin kay Cafford, maituturing
namang permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na
gulang. Pansamantala dahil Nagbabago kung may Pagbabago sa Sitwasyon ng
Pahayag
Maibibilang dito ang sumusunod:
Ang register (kaugnay ng natalakay na sa unahang bahagi ng aralin) ay barayting
kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag.

17
Halimbawa: siyentipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong
register, at iba pang larangan
Ang estilo ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang
estilo ay maaaring pormal, kolokyal, o personal. Maibibilang dito ang antas o lebel
ng wika. Ang mode ay ang barayting kaugnay sa gagamiting midyum sa
pagpapahayag kung ito’y pasalita o pasulat.
D. HALIMBAWA
Isang halimbawa na
nagapapakita na ang kultura at wika
ay iisa ang larawang ito.
Ang salitang “payyo” ay isang
salita mula sa Ifugao na
nangangahulugang hagdan- hagdang
palayan na siyang nagpapakilala sa
mayamang kultura ng Ifugao at nagagamit ang kanilang wika upang maipakilala
ito.
Narito naman ang mga iba’t ibang halimbawa ng register na
naaayon sa larangang paggagamitan nito.

18
PART II. MGA GAWAIN

Gawain 1. SULIRANIN AT SOLUSYON


Panuto: Maglista ng dalawang nakikitang suliraning kinahaharap sa paggamit ng
wika sa ating bansa at maglahad ng maaaring solusyon. Sundan ang pormat sa
ibaba.
Materials: Pen and Paper
Suliranin:
Solusyon:

Gawain 2. ANONG MERON SA CELLPHONE MO?


Panuto: Batay sa karanasan mo sa paggamit ng cellphone, ano ang mga termino o
salitang nagagamit dito. Isulat ang kahulugan ng mga ito. Magbigay lamang ng
limang halimbawa nito. Sundan ang pormat sa ibaba. Materials: Pen and Paper
Mga terminong may kaugnayan sa Kahulu
paggamit ng gan
cellphone.
Halimba Tumutukoy sa bayad para sa isang
serbisyo, ito rin ang halaga ng perang
wa: iniloload sa cellphone upang magamit
credit sa pakikipag-usap sa taong malayo sa
kaniya.
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3. REGISTER AT KAHULUGAN NITO
Panuto: Bigyan ng ibang kahulugan ang mga sumusunod na register base sa
larangang nakalahad.
1. bituin
Pelikula :
Edukasyon :
2. dressing
Agrikultura :
Fashion :
Pagluluto :

19
3. beat
Sayaw at awit : _________________________________________________
Pagluluto : _________________________________________________
Batas trapiko : _________________________________________________
Medisina : _________________________________________________

PART III. HULING PAGTATAYA


A. Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng totoo at Mali naman kung ito ay hindi nagsasabi ng totoo.
1. Ang wika at kultura ay sumasalamin sa isa’t isa.
2. Mayaman sa kultura ang bansang Pilipinas.
3. Ang register ay mga espesyalisadong termino.
4. Hindi naipapakilala ng kultura ang wika ng isang lugar.
5. Ang isang register ay nagtataglay lamang ng isang kahulugan.
6. Ang salitang kapital ay may higit sa isang kahulugan ayon sa
larangang paggagamitan nito.
7. Ang wika ay sumasalungat sa kultura ng isang lugar.
8. May iba’t ibang register ang bawat propesyon sa lipunan.
9. Payyo ang tawag sa hagdan-hagdang palayan sa Ifugao.
10. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular na larangan
kundi sa iba’t ibang disiplina rin.

B. Panuto: Narito ang mga iba’t ibang register ng wika na binibigyan ng


serbisyo ng bawat propesyon larangan. Kumpletuhin ang tala sa ibaba.
Propesyon o Larangan Tawag sa binibigyan ng
serbisyo
Guro Estudyante
doktor at nars pasyente
Abogado kliyente
Pari 1.
Tinder/tinder 2.
Drayber/konduktor 3.
artista 4.
politiko 5.

C. Panuto: Sumulat ng isang talata na naglalahad ng iyong opinyon at saloobin


tungkol sa pagsali ng Pilipinas sa mga timpalak-kagandahan. Bilugan ang
mga register na ginamit mo sa iyong talata. Huwag kalimutang lagyan ng
pamagat ang iyong talata.

20
SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG
MIDYA
KUWARTER 2 – MODYUL 4

21
MELC:
• Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat
ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa
wika.
• Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon.

LAYUNIN:

1. Naipapaliwanag ang sitwasyong pangwika sa social media.


2. Naipapaliwanag ang mga iba’t ibang barayti ng wika sa larangan ng
social media.
3. Naipapakita ang sitwasyong pangwika sa social media.

Panimula
Napakaraming uri ng media sa ating lipunan. Sa araling ito matatalakay kung ano
ang mga iba’t ibang sitwasyong pangwika sa larangan ng social media.
Napakaraming mga umuusbong na mga bagong salita na nagagamit ng
karamihan sa panahon ngayon. Ang mga ito ay nagagamit upang mas mapadali
ang komunikasyon ng bawat tao sa pamamagitan ng social media.
Halika na at ating pag-usapan kung anu-ano ang mga ito.
Alamin Natin
Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter,
Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang
social life at kabilang na rin sa mga netizen. Daan sa pagpapadali ng
komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay. Madaling
makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na
impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang
mga ito. Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o
pagpapalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Sa intenet Ingles pa rin
ang pangunahing wika ng mga impormasyong nababasa, naririnig at
mapapanood. Ang nilalaman ng internet ay ang mga sumusunod na nakasulat sa
Filipino: impormasyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, mga akdang
pampanitikan, mga awitin, mga resipe, rebyu ng pelikulang Filipino, mga
impormasyong pangwika, video at iba’t ibang artikulo at
22
sulatin sa mga blog.
Kamusta naman kaya ang paggamit ng wika sa social media? Di tulad ns SMS
(Short Messaging System) na pribado, o iisang tao lang ang makakabasa, sa
social media ay mapapansing mas pinagiisipan ang mga pahayag bago ipost dahil
maraming tao ang makakabasa nito. Maging ang mga lolo at lola ay kabilang na
rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life. Madaling makabalita sa mga
nangyayari sa buhay ng ibang tao. Katulad din ng sa text, karaniwan din ang ”
Code Switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pag papahayag gayundin
ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito.
Ang pangunahing wika sa mga iba oang impormasyong mababasa, maririnig, at
mapapanuod sa Internet ay nananatiling Ingles.
Iba pang kaalaman
ANG WIKANG FILIPINO SA MEDIA NGAYON
Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas epektibong
pakikipagtalastasan at mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa pamamagitan ng
paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan
hinggil sa mga bagay- bagay. Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento
sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod buklod ng mga mamamayan
ng isang bansa. Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa at pakakintindihan ng
mga mamamayang nasasakupan. Bukod dito, ang pagkakaroon din ng sariling
wika ay nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa. Kung kaya,
bilang isang kabataan ng bagong henerasyon dapat nating pangalagaan at
tangkilikin ang wikang sariling atin.
Sa makabagong henerasyon mababatid natin ang mga epekto ng makabagong
teknolohiya sa ating wika at kultura. At dahil sa malikhaing pag-iisip at
pananaliksik nakakatuklas ang ang mga tao ng mga bagong kaalaman tungkol sa
teknolohiya katulad na lamang ng mga “social media”. Ang social media ay
isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao. Nagbibigay daan ito sa
paglikha ng at pakikipagpalitan ng kaisipa kaalaman sa bawat mamamayan. Sa
pamamagitan din nito malayang nkakapagpaskil at nakakapagbahagi ng
kaalaman at mga larawan ang isang indibidwal. Hindi na rin lingid sa ating
kaalaman na ang paggamit ng social media ay may malaking ambag sa pag unlad
ng pagkatao ng isang mamamayan.

23
Sa kasalukuyan maraming kabataan ang gumugugol ng oras sa paggamit ng iba’t
ibang uri ng “social media”. Isang halimbawa nito ay ang “facebook”. Ang
“facebook”. Ay isang uri ng aplikasyon na kung saan maaring magbahgi ng mga
ideya o karanasan ang isang indididwal ng gumagamit nito. Hindi rin natin
maikakaila marami sa kabataan ngayon ang gumagamit ng “facebook” sa
pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng sistemang ito malayang nilang
naipapahayag ang mga kumentong nais nilang iparating hinggil sa mga pahayag
na nakapaskil sa “facebook” ng isang kaibigan o kakilala. Nagsislibi itong tulay
sa malayang pakikipagkomunikasyon. Nakakatulong ito upang mapaunlad ng
isang indibidwal ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon. Dito naipapahayag
nila ang positibo at negatibong opinion hinggil sa isang paksa. Natatalakay din
at nabibigyang linaw ang mga isyung napapanahon. Sa kabuuan ang paggamit ng
social media ay isang mainam na paraan upang mapalawak ang pansariling
kakayahan upang makapagpahayag gamit ang sariling wika.
Sa panahon ngayon, mahalagang ding malaman ng mga kabataan ang tamang
paggamit ng social media upang lalong mapalawak ang kaalaman atkakayahang
magpamalas ng saloobin hinggil gamit ang wikang Filipino.
HALIMBAWA
Pansinin ang mga halimbawa ng mga wikang nagagamit sa social media.

24
PART II. MGA GAWAIN

Gawain 1. ANONG MASS MEDIA AKO?


Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng Mass Media ang mga sumusunod na

a. Dyaryo b. Telebisyon c. Radyo D. Social Media


bilang. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang letra ng
iyong sagot.
1. Kapuso Mo, Jessica Soho 6. Bulgar
2. Pilipino Star 7. DZMM
3. MOR 8. Eat Bulaga
4. Facebook 9. Instagram
5. Kadenang Ginto 10. Daily Inquirer

Gawain 2. POST MO, SHOW MO!


Panuto: Gamit ang social media na nais mo, magsulat ng iyong post
tungkol sa trahedyang dinulot ni bagyong Ulysses.
Anong Social Media Site?
Post:

Gawain 3. ANO ANG PAGKAKAIBA?


Panuto: Magtanong ng dalawang tao na kasama mo sa inyong bahay. Ang una
ay may edad na (Nanay, Tatay, Tita, Tito) at ang isa naman ay ka-edad mo
lamang. Tanungin ang bawat isa kung paano ang pamamaraan nila sa
pagpopost sa kanilang social media account. Itala ang mga nakuhang sagot.
Unang Ikalawa
Tao ng Tao

25
PART III. HULING PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat ang ibig sabihin ng mga sumusunod na mga pinaiksing
termino na nagagamit sa social media.
1. OMG
2. LSS
3. BRB
4. ILY
5. HBD
6. OTW
7. FTW
8. LOL
9. SLR
10. IMY

B. Panuto: Isulata ang kahalagahan ng social media sa mga sumusunod na


indibidwal.
1. Estudyante - ______________________________________________
2. Magulang - _______________________________________________
3. Artista - __________________________________________________
4. Politiko - _________________________________________________
5. Guro- ____________________________________________________

C. Panuto: Gumawa ng maaaring i-post sa Facebook ayon sa mga


sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng sitwasyong pangwika sa
social media. (5points each)
a. Ano ang saloobin mo bilang isang estudyante sa kinakaharap natin na
New Normal sa larangan ng edukasyon?

b. Ikaw
ay may online selling shop, paano hihikayating tangkilikin ang
iyong mga produkto?

26
Modyul 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG
MIDYA
A. Rubrik:
Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa - 6
Maayos ang pagkakasulat (tamang bantas/grammar) - 4

Kabuuan – 10 pts.
Sanggunian;
A. Libro
Magdalena O. Jocson.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino .Gregorio Araneta
Avenue, Quezon City: Vibal Group Inc.
B. Government Publications
K to 12 MELC: Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
C. Online and Other Sources
A. https://etech511ckp20172018.wordpress.com/2017/08/15/first-blog-post/
https://www.scribd.com/document/434896031/Mga-Sitwasyong-Pangwika-Sa-Telebisyon
Google Image Books
Magdalena O. Jocson.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
.Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group Inc.
B. Government Publications
K to 12 MELC
Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

C. Online and Other Sources


https://etech511ckp20172018.wordpress.com/2017/08/15/first-blog-post/
https://www.scribd.com/document/434896031/Mga-Sitwasyong-Pangwika-Sa-
Telebisyon Google Image

Modyul 2: WIKA AT KULTURA SA PELIKULANG PILIPINO


A. Rubrik:
Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa - 3 pts.
Naipakita ang kultura at sitwasyong pangwika - 2 pts

Kabuuan – 5 pts.
B. Sanggunian:
A. Books
Magdalena O. Jocson.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
.Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group Inc.
B. Government Publications
K to 12 MELC
Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

27
C. Online and Other Sources
Google Image

Modyul 3: KALAGAYANG PANGWIKA SA KULTURANG PILIPINO AT MGA


REGISTER/BARAYTI SA IBA’T IBANG SITWASYON
A. Rubrik:
Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa - 3
pts. Gumagamit ng mayamang register sa talata - 3
Angkop ang mga register na ginamit - 2
Tama ang baybay ng mga salita, mga bantas at kapitalisasyon - 2

Kabuuan – 10 pts.
B. Sanggunian:
(Use Times New Roman, regular, size 12 for the details)
A. Libro
Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo.2016. Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino .856 Nicanor Reyes Sr.St., Sampaloc, Maynila: Rex Publishing.
B. Publikasyon ng gobyerno

K to 12 MELC
Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

C. Ibang Sanggunian
https://ejournals.ph/article.php?id=7757
https://www.elcomblus.com/ang-register-at-ibat-ibang-barayti-ng wika/ Google Image

Modyul 4: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG


MIDYA

A. Rubrik:
Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa -3 pts.
Gumagamit ng sitwasyong pangwika sa social media -2pts.
Kabuuan – 5 pts.

B. SANGGUNIAN:

A. LIBRO
Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo.2016. Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino .856 Nicanor Reyes Sr.St., Sampaloc, Maynila: Rex Publishing.
B. Government Publications
K to 12 MELC
Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
C. Online and Other Sources
https://ejournals.ph/article.php?id=7757 https://www.elcomblus.com/ang-register-at-ibat-ibang-
barayti-ng-wika/ Google Image

28

You might also like