You are on page 1of 10

REYES, Rianne Danielle Reyes PI 100 THY-3

2019-04379

PARA SA PAGBUBUHOL NG NOLI ME TANGERE (1887)

A. Tutukan ang ILANG TAUHAN ng NOLI ME TANGERE na kakikitaan ng mga


usaping namamayani sa panahong 19th dantaon (frailokrasiya, pagharap sa
pagbabago ng teknolohiya, kilusang reporma, pag-usbong ng uring ilustrado,
pagkamkam sa lupa, kamalayan alipin at kolonyal, nacion, kalakalang lokal at
banyaga) Pumili ng alinman sa mga pangkat tukoy na kalagayan( 60 puntos)

Anong kalagayan/pangyayari hinggil sa frailokrasiya ang matutukoy sa mga


usapan?
Anong pangarap para sa pagbabago ng bayan ang matutukoy sa usapan?
Anong mga pagkilos/initiatives ng mga ilustrado/indio/pamahalaan sa mga
pagbabago? Nagtagumpay ba ito o nahadlangan ba ang mga ito?

Pangkat 1

1. Talakayan ng guro at Ibarra sa tabi ng lawa

Sa kabanta 19, Mga Suliranin ng Isang Guro, mababasa ang naging

talakayan ng guro at ni Ibarra ukol sa mga pagsubok na hinaharap nito hinggil sa

pagpapatayo ng paaralan. Dito, makikita natin ang pag-usbong ng uring ilustrado

na kung saan ang mga tulad nina Don Rafael at Ibarra ay tumutulon sa pagtugon

sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong salat. Dahil sa pagpapaaral ni Don

Rafael sa guro, nagawa nitong makapagturo sa mga batang Pilipino sa kabila ng

panggigipit na nararanasan niya sa pangangasiwa ng mga prayle. Sinikap niyang

palawigin ang kanilang kaalaman sa Kastila at tigilan ang paggamit ng pamalo sa

pagtuturo kahit na labag ito sa utos ni Padre Damaso. Dulot dito, masisilayan

natin ang unti-unting pagsibol ng kamalayang nasyon sa mga Pilipino.

Gayumpaman, nahahadlangan ang mga pagkilos na ito sapagkat mga

prayle pa rin ang nasa kapangyarihan. Bukod sa kakulangan pondo pantayo ng


gusaling paaralan, napipigilan pa rin ni Padre Damaso ang mga nais na paraan

ng pagtuturo ng guro. Bukod pa sa mga nabanggit kanina, isa pang halimbawa

ng praylokrasya na lumitaw sa kabanatang ito ang pagpiggil ni Padre Damaso sa

guro na turuan ang mga mag-aaral ng Kastila sapagkat wikang Tagalog lamang

daw ang kailang nilang matutuhan. Ito ay kahit pa noong panahong iyon, wika ng

tagumpay o kaginhawaan sa buhay ang wikang Kastila. Dahil sa sama ng loob

na dala ng kalupitan ng prayel, nagkasakit ang guro.

Sa kabila nito, nagtapos ang kanilang pag-uusap sa isang hopeful note.

Nalipat na raw kasi ng destino si Padre Damaso. Dahil dito, nagkaroon ng

kapangyarihan ang guro na magdagdag ng mga aralin bukod sa relihiyon

bagama’t ito ang priority. Nangako si Rizal sa guro na tutulungan niya ito sa

pamamagitan ng pagdalo nito sa pulong sa tribunal upang maisulong ang

proyektong ito.

2. Pulong ng mga lokal na administrador sa paghahanda para sa pista

Ang pulong na ito ay matatagpuan sa kabanata 20, Ang Pulong sa

Tribunal, na kung saan nagtipon ang mga lokal na adminastrador labing-isang

araw bago ang pista ng San Diego upang talakayin ang plano para sa

pagdiriwang nito. Nahati ang pulong sa dalawa—ang mga konserbatibo at ang

mga liberal. Para sa mga konserbatibo, dapat magarbo ang selebrasyon,

magmula sa pagtatanghal ng komedya hanggang sa pagpili ng maiingay na

paputok. Sumalungat naman ang mga liberal at isinahapag na tipirin na lamang

ang pista at ilaan ang sobrang pera sa pagpondo sa paaralan na itatayo sa

kanilang bayan. Dito, makikita ang paglipat ng priyoridad ng mga progresibong


tao sa bayan ng San Diego. Para sa kanila, sa halip na igasta ang pera para sa

pagdiriwang ng isang pista, mas magiging kapaki-pakinabang ito kung ilalaan na

lamang sa pagpapatayo ng isang paaralan na matutulungan ang kabataang

mamulat sa mundong kanilang ginagalawan.

Sa kabila ng pagtatalo ng magkabilang pangkat, sa huli, nawalan pa rin ito

ng saysay sapagkat, ayon sa kapitan, mayroong nang pasya ang kura at ito ang

masusunod. Ang plano ng Kura ay magkaroon ng mga prusisyon, sermon, misa

mayor, at komedya. Wala na ring magawa ang dalawang kampo at sumang-ayon

sa panukalang ito. Ito naman ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga prayle

noong mga panahong iyon. Mayroon mang kanya-kanyang plano at panukala

ang mga taong naninirahan sa bayan na iyon, ang mga prayle pa rin ay susundin

dulot sa takot nilang lumabag sa mga ito.

3. Paghikayat ni Elias kay Ibarra na suportahan ang pag-aaklas

Mababasa ang eksenang ito sa kabanata 49, Ang Tinig ng mga

Pag-uusig, na kung saan ipinarating ni Elias na napagkasunduan ng pinuno ng

mga tulisan na si Ibarra ang nais nilang maging sugo ng sawimpalad. Kung

tatanggapin niya ang gampaning ito, ibig ipahatid ng mga tulisan ang mga

hinaing nila tulad ng pagbabawas sa kapangyarihan ng mga guwardiya sibil at

prayle, at ng pagrespeto sa dignidad ng mga Pilipino bilang tao. Ani ni Ibarra,

maaari raw na magamit niya ang kanyang kayamanan at impluwensya upang

mapakilos ang kaibigan sa Madrid at pati na rin ang kapitan-heneral subalit hindi

raw ito sasapat sapagkat wala rin silang magagawa. Hindi rin siya sumang-ayon

sa pagbabawas ng kapangyarihan dahil baka mas lalo pa raw mapasama ang


kalagayan nila. Sa halip, dapat raw ay gamutin ang mismong sakit hindi lamang

ang sintomas.

Makikita sa pag-uusap nilang ito ang kaibahan ng pananaw nila hinggil sa

pagbabago. Kung kay Elias, ang nais niya ay isang radikal na pagbabago kung

saan ang mga Pilipino ay malayang nakapamumuhay nang walang takot sa mga

prayle o guwardiya sibil at nakapamumuhay nang nirerespesto ang kanilang

boses. Para kay Ibarra naman, nakikita niyang sintomas lamang ang

kapangyarihan ng mga prayle at guwardiya sibil pati na ang kababaan ng

dignidad ng mga Pilipino at mayroon pang mas malaking demonyo na

kailangang puksain. Dahil sa pahayag ni Ibarra na ito mahihinuha natin na

bagama’t hindi siya sang-ayon sa praylokrasya, nakakakita pa rin siya ng isang

mundo kung saan kayang mamuhay nang mapayapa at nang magkasama ang

mga Kastila at Pilipino.

B. Basahin ang Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H del Pilar, Fray Botod ni Graciano
Lopez Jaena at ang iba pang panulat ng kilusang Propaganda. Tingnan din ang
akdang Caingat kayo ni Fray Jose Rodriguez at ang Caiigat Cayo ni Marcelo H.
del Pilar upang ipagtanggol ang nobela ni Rizal. Ano ang naging papel ng mga
ilustrado sa paglikha ng kamalayang nacion sa panahong ito? (30 puntos)

Gaya ng intensyon ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere, pinuna

rin nina del Pilar at Lopez-Jaena ang praylokrasya sa kanilang mga akdang

Dasalan at Tocsohan at Fray Botod. Dala ng mga pagpunang ito, namulat ang

mga Pilipino noon sa kalupitang nararanasan nila sa kamay ng mga Espanyol.

Gumamit sila ng mga tayutay tulad ng mga pagwawangis at pag-uyam upang

lalong lumantad ang mga mensaheng nais nilang iparating.


Ang akdang Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar ay lupon ng mga

dasal at katesismo ng simbahang Katoliko na ginawa niyang parodya (Tiongson

& Umali, 2004). Kadalasan, ang mga dasal at turo ng simbahan ay binibigkas at

inaasta nang may paggalang at pananampalataya. Subalit, dulot ng kalupitan ng

mga prayle tungo sa mga Pilipino, sinasalamin ng nasabing akda ang muhi ni del

Pilar sa pamamalakad ng mga prayle. Naging tulay ang paggamit ni del Pilar ng

uyam bigyang-diin ang kabalintunaan o irony ng gawi ng mga prayle kumpara sa

mga aral na kanilang binabahagi. Isang halimbawa nito ang Ang Aba Guinoong

Baria, isang parodya ng dasal na Aba Guinoong Maria, kung saan tinalakay ni

del Pilar ang kasakiman ng mga prayle sa pera at yaman imbes na santohin ang

Guinoong Maria.

Tulad nito, ang Fray Botod ni Graciano Lopez-Jaena ay isa ring

komentaryo sa kalupitan ng mga prayle noong panahong iyon. Isa itong kuwento

na gumagamit ng isang prayleng mataba o pot-bellied at batugang prayleng

sinasamantala ang kanyang posisyon sa pamamagitan ng katakawan at

kalaswaan (“What Is a Summary of "Fray Botod?",” 2020). Isa itong satire at

caricature na sumasalamin sa pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Bilang isang tauhan, si Fray Botod ang naging katatawang representasyon sa uri

ng prayle na naghahari noon sa Pilipinas. Isang halimbawa nito ay ang pagiging

pabaya ng mga prayle. Kapag mayroong nais na humingi ng sakramento ng

Pagpapahid ng Langis sa Maysakit kay Fray Botod at siya ay nasa kalgitnaan ng

paglalaro, ito ay kayang tinataboy at sinasabihang idasal na lamang ang

Panalangin ng Pagsisisi o Act of Contrition at pinapapunta pa ito sa kumbento,


imbes na sa sarili nitong bahay o sa pagamutan, upang masabi ng prayle ang

kanyang bendisyon.

Bukod pa sa mga akdang ito, naging instrumental din ang mga ilustrado

sa pagsuporta sa paglaban ng ibang kapwa nilang propagandista na layon ding

lumikha ng kamalayang nasyon sa mga Pilipino noong panahong iyon. Isang

halimbawa nito ay ang Caiigat Cayo na isinulat ni del Pilar upang tuligsain ang

Caiñgat Cayo ni Fray Jose Rodriguez. Ang Caiñgat Cayo ay isang akdang

isinulat ni Fray Rodrigez bilang reaksyon sa Noli Me Tangere, nobela ni Rizal, na

siyang ilantad ang mga kalupitan ng mga prayle noon. Dagdag pa riyan, ang

mensahe ng sulating ito ay magbigay ng babala sa mga taong umiwas sa

pagbasa ng mga aklat na tumataliwas sa turo ng Katolisismo. Upang

mapabulaanan ito, isinulat naman ni del Pilar ang Caiigat Cayo na kung saan

ipinagtatanggol nito ang Noli na tila pinatutukuyan ng akda ng Fray Rodrigez.

Maliban pa riyan, pinuna rin ni del Pilar ang paggamit ng prayle ng salita ng

Diyos para sa sarili nitong agenda. Sa pagsuportang ito ni del Pilar kay Rizal,

nakikitang nagkaka-isa ang mga ilustrado sa kanilang mithiing mulatin ang

kamalayan ng mga Pilipino sa kasamaan ng mga Espanyol sa mga panahong

iyon.

C. May nakikita ba bang resonance ng mga kalagayan noong 19th dantaan sa


kalagayan ng Pilipinas at ng daigdig sa kasalukuyan? Tukuyin ang mga
pangyayari at taong sangkot dito. Ipaliwanag din ang mga indicators ng
resonance ng danas na natukoy ayon sa mga social infrastructures na sangkot
sa latag ng kalagayan. (30 puntos)
Bagama’t mahigit isang siglo na ang nakalilipas, mayroon pa ring mga

kalagayan at gawi na nananalaytay sa kasalukuyan. Ang pinakalantad ay ang

social inequality o ang pagkakalayo ng kalagayan sa buhay ng mga mahihirap at

mayayaman. Noong panahon ng mga Kastila, ang mga prayle ang naghahari sa

lipunan. Sila ang namumuno ng mga paaralan, nangongolekta ng buwis,

nagsasagawa ng eleksyon sa pagpili ng mga pinuno ng mga bayan at mga

pulisya, at nagbibigay ng badyet sa mga bayan. Dahil prayleng Kastila ang

namumuno, mas napapaburan ng kanilang mga patakaran ang mga

peninsulares, insulares, at mestizo, sa punto na labis na naghihirap ang mga

indio at alipin (Iyer & Maurer, 2007).

Ngunit, hindi katulad noong panahon ng mga Espanyol na kung saan ang

mga mananakop ang napapaboran ng kaginhawaan, ang social inequality sa

kasalukuyan ay pumapabor naman sa mga ipinanganak nang may kaya at mulat

sa oportunidad. Ang Pilipinas sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng social

inequality. Ayon kay Rivas (2019), nagsusulong na ang National Economic and

Development Authority o NEDA ng mga reporma upang matugunan ang labis na

pagkakaiba ng mga kita ng tao sa isang rehiyon sa loob lamang ng sampung

taon. Nakita rito na ang NCR ang may pinakamaraming kita at ang ARMM ang

pinakamahirap. Ayon pa sa parehong artikulo, ang mga rehiyon na kakikitaan ng

mababang GDP per capita ay ang mga rehiyong sagana sa agrikultura at ang

mga rehiyong may matataas na GDP per capita ay mga rehiyong nakatuon sa

kalakalan at teknolohiya. Sa madaling salita, mas yumayaman ang mga taong

naninirahan sa mga lugar na may mas maraming oportunidad sa trabaho at


kalakalan kaysa sa mga taong nananatiling nasa probinsya at nagsasagawa ng

manual labor.

Gayumpaman, kadalasan, imbes na magsulong ng mga programang

tutugon sa problemang ito, mayroon pa rin mga bagong batas na tila mas

pinapahirap ang buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Isa na riyan ang Tax

Reform for Acceleration and Inclusion Law or TRAIN Law o ang repormang

layong bawasan ang buwis na kinakaltas sa suweldo ng mga manggagawa at

tataasan naman ang iba pang buwis tulad ng excise tax upang makapag-ipon

ang pamahalaan ng pondo para sa Build, Build, Build (Department of Finance,

2017). Sa kabila ng layuning ito, nakatanggap ang TRAIN ng samu’t saring

pagpuna dahil sa lalong pagpapahirap. Ayon sa isang artikulo ni Punongbayan

(2019), tila mas lalong pinalala ng TRAIN law ang kahirapan sa Pilipinas nang

0.26% lalo na sa sektor ng pangingisda. Bukod pa riyan, pinalala rin nito ang

inequality sapagkat kung tutuusin, hindi naman apektado ang mga mahihirap sa

pagkaltas ng income tax dahil marami sa kanila ay hindi naman talaga kailangan

magbayad ng buwis. Tila mas pabor pa nga ito sa mga mayayaman dahil sa

kabila ng pagtataas ng buwis sa mga sasakyan, bumababa naman ito habang

pataas ang presyo. Kung gayon, pabor ang TRAIN sa mga taong mahilig sa mga

luxury cars o SUVs sapagkat tila mas bumababa pa ang buwis na kailangan

mong bayaran para sa mga ito.

Dahil sa kakulangan ng mga aksyon upang tugunan ang suliraning ito,

hindi naproprotektahan ang mga mahihirap sa mga sakuna tulad ng COVID-19.

Sa katunayan, noong 2020, mas kakikitaan ng pagbaba ng kita ang mga


sambahayang nasa low income sector. Dahil dito mas lalo pang lumalaki ang

puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa Pilipinas (Cordero, 2021).

Ngunit, hindi katulad noong panahon ng mga Kastila na kung saan ang mga

prayle at mga may dugong Kastila ang ruling class, ngayon, dulot na ito ng mga

sistemang ipinalalawig ng sarili nating gobyerno.


Mga Sanggunian

Cordero, T. (2021, March 25). Rich-poor income gap could widen further in Philippines
after pandemic -ADBI. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/
money/companies/781216/rich-poor-income-gap-could-widen-further-in-philippin
es-after-pandemic-adbi/story.

Iyer, L. & Maurer N. (2007). The Cost of Property Rights: Establishing Institutions on the
Philippine Frontier Under American Rule, 1898-1918. Harvard Business School
Working Paper No. 09-023. Retrieved from https://www.hbs.edu/ris/Publication%
20Files/09-023_15214fcb-e1c9-4303-bb94-444dca1543ba.pdf.

Punongbayan, J. (2019, April 25). How the TRAIN law worsened poverty, inequality.
Rappler. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/how-tax-reform-law-
worsened-poverty-inequality-philippines.

Rivas, R. (2019, May 30). IN CHARTS: Rich Philippine regions get richer, poor ones
barely improve. Rappler. https://www.rappler.com/business/charts-regions-get-
richer-poor-ones-barely-improve-philippines.

Rizal, J.P. (1887). Noli Me Tangere [eBook edition]. The Project Gutenberg Ebook.
https://www.gutenberg.org/cache/epub/20228/pg20228-images.html?fbclid=IwAR
07T5PHHUh6Swg02r0yKJLEv4KwgC8qsm6xxRWfL_LoLjfP9k2wP1WobYc#XVI.

Rodrigez, J. (1888). ¡CAIÑGAT CAYO! [eBook edition]. The Project Gutenberg Ebook.
Retrieved from https://www.gutenberg.org/files/18141/18141-h/18141-h.htm.

The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act. (2017, December 27).
Department of Finance. Retrieved from https://www.dof.gov.ph/ra-10963-train-
law-and-veto-message-of-the-president.

Tiongson, N.G. & Umali, V.A. (2004). A Note from the Editors. A Critical Voice in Media
Studies. Retrieved from http://www.plarideljournal.org/article/volume-01-issue-01-
a-note-from-the-editor.

What Is "Kaiingat Kayo" by Marcelo H Del Pilar?. (2020, April 4). Reference. Retrieved
from https://www.reference.com/world-view/kaiingat-kayo-marcelo-h-del-pilar-70f
bdb570ea63cf9.

What Is a Summary of “Fray Botod?”. (2020, March 25). Reference. Retrieved from
https://www.reference.com/world-view/summary-fray-botod-ed27400f5111882c.

You might also like