You are on page 1of 43

Panimulang Pag-

aaral ng Panitikan
Ano ang Panitikan?

“Ang tunay na kahulugan daw ng


panitikan ay yaong pagpapahayag
ng damdamin, panaginip, at
karanasan ng sangkatauhang
nasusulat sa maganda, makahulugan,
at masining na pahayag.”
Ano ang Panitikan?

“Ang tunay na panitikan ay yaong walang


kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin
ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang
pang araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at
gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita
ang Maykapal. ”

-Panitikang Filipino, Atienza, Ramos, Salazar.


Ano ang Panitikan?

“Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng


damdamin ng tao sa lipunan, sa
pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa,
at Dakilang Lumikha. ”

-Bro. Azarias
Ano ang Panitikan?

“Anumang bagay raw na naisasatitik, basta


may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin
ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o
bungang tulog lamang ay maaring
tawaging panitikan. ”

-Webster
Ano ang Panitikan?

“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng


mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing,
at gunigui g mg mamamayan na nasusulat at
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinhaga, at masining na mga pahayag.”

-Maria Ramos
Ang Impluwensya ng
Panitikan
(sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao)
Ang Impluwensya ng Panitikan

 Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng


kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng
lahing pinanggalingan ng akda.

 Dahil sa panitikan, nagkakalapit ang damdamin


ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman
sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala
ng impluwensya sa buong daigdig:

 Banal na Kasulatan o Bibliya (Palestino at Gresya)


– ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

 Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim na


nagmula sa Arabia.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

 Ang Iliad at Odyssey

– ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at


paalamatan ng Gresya. Ang akda nito ay si
Homer.
 Uncle Tom’s Cabin (akda ni Harriet Beecher Stowe, Estado
Unidos)
– kababasahan ito ng naging karumal-dumal na
kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng
demokrasya.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:
 Ang Divina Comedia
– akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano
ng panahon na iyon.

 Ang Mahabharata
– ang ipinalalagay na pinakamahabang
epiko sa daigdig. (Naglalaman ito ng
kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.)
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

 Canterbury Tales
– naglalarawan ito ng pananampalataya at
pag-uugali ng mga Ingles noong unang
panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulatni
Chaucer.

 Ang El Cid Compeador


– nagpapahayag ng mga katangiang panlahi
ng Kastila at ng kanilang kasaysayang
pambansa.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:
 Ang Awit ni Rolando
– kinapapalooban ito ng Doce Pares at
Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng
gintong ng Kakristiyanuhan sa Pransya.

 Ang Aklat ng mga Patay


– naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at
ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

 Ang Aklat ng mga Araw


- akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging
batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.

 Isang Libo’t Isang Gabi


– mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad
ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan, at panlipunan ng
mga Arabo at Persyano.
Pangkalahatang Uri
ng Panitikan

(akdang Tuluyan at Patula)


Akdang Tuluyan
Akdang Tuluyan
– yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap.

 Nobela
– isang mahabang salaysaying nahahati sa
mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng
tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon. Ginagalawan ito ng
maraming tauhan.

Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos


Akdang Tuluyan
 Maikling Kwento – ito’y salaysaying may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute

 Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado


tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, na ang
bawat yugto ay maraming tagpo.
Halimbawa: “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio
Tolentino
Akdang Tuluyan
 Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o
opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o
pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa
nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang
pahayagan.

 Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng


isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.
Akdang Tuluyan
 Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa
katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay
ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”
 Ang Pabula – mga salaysayin din itong hubad sa
katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang
isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos.
Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.
Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”
Akdang Tuluyan

 Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga


manunulat ang mga maikling salaysaying
ito na ang tanging layunin ay
makapag-bigay aral sa mga mambabasa.
Maaaring ito’y isang kwento ng mga
hayop o mga bata.

Halimbawa: “Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”


Akdang Tuluyan

 Balita – ito’y isang paglalahad ng mga pang


araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham,
mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa
ibayong dagat.
Akdang Tuluyan

 Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na sa


harap ng mga taga pakinig. Ang layunin
nito ay humikayat, magbigay ng
impormasyon, mangatwiran,
magpaliwanag, at magbigay ng opinion o
paniniwala.
Akdang Tuluyan

 Parabula - ito’y mga salaysaying hango sa


Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin
nito’y makapagbigay-aral sa mga
mambabasa o nakikinig.

Halimbawa: “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”


Mga Akdang Patula

yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng


mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.
Ang Tula
- Ito ay nangangailangan ng masusing
pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at
paghahanap ng magkakatugmang mga salita
upang maipadama and isang damdamin o
kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.
- ang isang tula ay maaaring may tatlong
interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa
guro at mag aaral.
Tulang Pasalaysay:

– naglalarawan ng mahahalagang mga


tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y
ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin
at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng
mga bayani.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

 Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos


hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga
kababalaghan.

Ito’y nagbubunyi ng isang alamat o


kasaysayan na naging matagumpay laban sa
mga panganib at kagipitan.

Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”


Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

 Awit at Korido – ang mga ito’y may


paksang hango sa pangyayari
tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan
ay mga hari at reyna, prinsesa’t
prinsipe. Ang dalawang ito’y
nagkakaisa sa kaharian.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

✓ Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig


at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya,
✓ Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at
binibigkas sa kumpas ng martsa.

Halimbawa ng Awit: “Doce at Pares sa Kaharian ng


Francia” at “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

 Balad – ito’y may himig na awit dahilang ito ay


inaawit, habang may nagsasayaw.

Ito ay nilikha noong unang panahon.


Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong
pantig.
Mga Uri ng Tula ng
Damdamin o Tulang
Liriko
Tulang Liriko

– ay nagpapahayag ng damdaming
maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o
kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping
guni-guni ng makata na batay sa isang
karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling
maunawaan ang mga ito.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 Awiting Bayan - ang karaniwang paksa ng uring ito
ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa, at
kalungkutan.
Halimbawa: “Chit Chirit Chit”
 Soneto – ito’y tulang may labing apat na taludtod
hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw
na batiran ng likas na pagkatao, at sa
kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.
Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B . Monleon
Mga Uri ng Tulang Liriko

 Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni


tungkol sa kamatayn o kaya’y tula
ng pananangis lalo na sa paggunita ng
isang yumao.
Halimbawa: “Awit Sa Isang Bangkay”

 Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na


Birhen at nagtataglay ng kaunting
pilosopiya sa buhay.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay
na buhay sa bukid.
Halimbawa: “Bayani ng Bukid”

 Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o


iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na
bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod
sa isang saknong.
Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”
Tulang Dula
o
Pantanghalan
Tulang Dula o Pantanghalan
Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod:

 Komedya – isang gawa na ang sangkap ay piling-


pili at ang pangunahing tauhan ay may layong
pukawin ang kawilihan ng manonood.
Nagwawakas ito ng masaya.
Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siyang
nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
Tulang Dula o Pantanghalan
 Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng
mga dulang musikal, kasama na ang opera.

Ngunit ngayon ito ay may ugnayan sa


trahedya katulad ng parsa sa komedya.

Ang sangkap ng uring ito ng dula ay


malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang
katapusan para sa pangunahing tauhan ng
dula.
Tulang Dula o Pantanghalan
 Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga
tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi
o pagkawasak ng pangunahing tauhan.

 Parsa – isang uri ng dula na ang layunin ay


magpasiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring
nakakatawa.

 Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga


karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
Tulang Patnigan
Tulang Patnigan
 Karagatan – ito ay batay sa alamat ng singsing ng
isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang
mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may
gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat
at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa
larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula
hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay
paiikutin ang isang lumbo o tabo na may
tandang puti at ang sinumang matapatan ng
tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng
dalaga ng mga talinhaga.
Tulang Patnigan
 Duplo – ito ang humalili sa karagatan.
Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran ng patula.

Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya,


sa mga sawikain, at mga kasabihan.

Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga


namatayan.

You might also like