You are on page 1of 12

Banal na Oras

Panalangin sa Takipsilim

PAMBUNGAD

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat para sa Pagtatanghal ng


Santisimo Sakramento.

PAGTATANGHAL NG BANAL NA SAKRAMENTO

Ilalagay ng pari ang Santisimo Sakramento sa Ostensoryo.

PAG-IINSENSO

Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento

O SALUTARIS
O salutaris hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilla,
Da robur fer auxilium
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Pari: Purihin natin ang Amang nasa langit, pinagmumulan ng


lahat ng pagpapala.

Lahat: Purihin ang Diyos, magpakailanman.

Pari: Purihin natin si Hesukristo, bukal ng lahat ng pagpapala.

1|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


Lahat: Purihin ang Diyos, magpakailanman.

Pari: Purihin natin ang Espiritu Santo, Panginoon at


nagbibigay buhay.

Lahat: Purihin ang Diyos, magpakailanman.

Namumuno: Magsitayo ang lahat para sa ating Panalangin sa


Takipsilim. Sa mga nagnanais na mangumpisal, ang ating
pari ay nasa kumpisaryo upang igawad ang
pagpapatawad ng ating Panginoon.

Namumuno: O Diyos, halina at ako’y tulungan.

Bayan: O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay.

Namumuno: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Bayan: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.


Amen.

AWIT (Lahat)

Sa iyo’y pasasalamat, Amang sa ‘miy nagtanim


Ng iyong ngalang banal sa mga puso namin.
Pananampalataya’t buhay na walang maliw,
Ang Anak mong si Jesus ang sa ami’y ihain.

Tunghayan mong may awa ang banal mong Simbahan,


Ilayo sa masama at lagi mong bantayan,
Gawin mo kaming ganap sa iyong pagkamahal,
Linisin at iayon sa iyong kalooban.

Tulad ng mga butil, na dati’y nagsiwalat,


Nang ito ay nag-uhay, ‘sang tinapay naganap;
Kaya’t saan mang dako, Simbahan ay ikalap
Tungo sa paghahari ng ‘yong banal na Anak.

Namumuno: Magsiupo ang lahat.

2|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


ANTIPONA 1: Panginoon, iligtas mo ako sa kamatayan, at huwag mo
akong pabayaan.

Salmo 116: 1 – 9
(Pasasalamat)

Namumuno: Mahal ko ang PANGINOON, pagkat ako’y dinirinig,


Dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;
Ako’y kanyang dinirinig tuwing ako’y tumatawag,
Kung ako ay tumatawag, sinasagot niya agad.

Lektor: Noong ako’y mahuhulog sa bingit ng kamatayan,


Nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan;
Lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.
Sa ganoong kalagayan, ang PANGINOON ang
tinawag ko,
At ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.

Namumuno: Mabuti ang PANGINOON, siya’y mahabaging Diyos,


Tunay siyang mahabagin at mapagpahinuhod.
Ang PANGINOON ang nag-iingat sa wala nang
sumaklolo
Noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

Lektor: Manalig ka, O puso ko, sa Diyos ka magtiwala,


Pagkat siya ay mabuti’t di marunong magpabaya.
Ako’y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan,
Tinubos sa pagkatalo, at luha ko’y pinahiran.

Namumuno: Sa harap ng PANGINOON doon ako mananahan,


Doon ako mananahan sa daigdig nitong buhay.

Lektor: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Namumuno: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

ANTIPONA 1: Panginoon, iligtas mo ako sa kamatayan, at huwag mo


akong pabayaan.

3|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


ANTIPONA 2: Ang hangad kong tulong ay sa Diyos nagmumula, sa
Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Salmo 121
(Tagapagtanggol ng kanyang bayan)

Namumuno: Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,


Saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos nagmumula,
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Lektor: Huwag sana akong bayaang mabuwal,


Handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,
Hindi natutulog at palaging gising!

Namumuno: Ang Diyos na PANGINOON, siyang mapagbantay,


Laging nasa piling, upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

Lektor: Sa mga panganib, ikaw’y ililigtas


Nitong PANGINOON, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ikaw’y iingatan,
Di ka maaano kahit na kailan.

Namumuno: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Lektor: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

ANTIPONA 2: Ang hangad kong tulong ay sa Diyos nagmumula, sa


Diyos na lumikha ng langit at lupa.

ANTIPONA 3: Haring walang hanggan, matuwid at totoo ang iyong


mga daan.

AWIT: Pahayag 15: 3 - 4


(Awit ng Pagsamba)

Namumuno: Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,


Dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!

4|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


O Hari ng mga bnsa,
Matuwid at totoo ang iyong mga daan!

Lektor: Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?


Sino ng tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan?

Namumuno: Ikaw lamang ang banal!


Lahat ng mga bansa ay lalapit
At sasamba sa iyo,
Sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.

Lektor: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Namumuno: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

ANTIPONA 3: Haring walang hanggan, matuwid at totoo ang iyong


mga daan.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (1 Corinto 2:6 – 10a)

Pagbasa mula sa Unang Sulat ni San Pablo sa mga Taga-Corinto

Ngunit sa mga may sapat na gulang sa pamumuhay espirituwal,


karunungan ang ipinangangaral namin, subalit hindi karunungan ng
sanlibutang ito o ng mga tagapamahala sa ngayon na nakatakdang
malipol. Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos, na nalihim sa tao;
itinalaga niya ito para sa ating ikaluluwalhati, bago likhain ang sanlibutan.
Isa man sa mga tagapamahala sa kapanahunang ito’y walang nakaunawa
sa panukalang iyon. Sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila
ipinako sa krus ang Dakilang Panginoon. Ganito ang sinasabi ng kasulatan,
“Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga,
Hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao,
Ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya.”
Subalit ito’y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos

Bayan: Salamat sa Diyos

5|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


(maglalaan ng limang (5) minutong katahimikan)

PAGNINILAY
 
Babasahin ng Tagapamuno ang pagninilay na nasa ibaba.  
 
Mula sa liham Ensiklikal, “De Ecclesia Eucharistia,” ng Kanyang
Kabanalan Juan Pablo II

Sa buong buhay ng Mahal na Birhen na kasama si Kristo at di lamang sa


Kalbaryo, ay nag-alay din siya ng kanyang sakripisyo, na isang sangkap ng
Eukaristiya. Nang dalhin niya ang sanggol na si Jesus sa Templo ng
Jerusalem “upang iaalay sa Panginoon,” narinig niyang sinabi ni Simeon
na ang sanggol ay magiging “tanda ng pala-isipan” at isang balara ang
tatagos sa kanyang puso. Dito’y inihula na ang karumal-dumal na
pagkapako ng Anak niya sa krus at ang kanyang pagsaksi nito sa kanyang
pananatili sa paanan ng Krus. Sa kanyang araw-araw na paghahanda para
sa Kalbaryo- masasabi natin na uanag naranasan na niya sa lahat ang
Eukaristiya- at ang isang “komunyong espiritual”- bilang kangyang
paghahangad at pag-aalay. Ito naman ay magiging ganap sa kanyang
pakiki-isa sa paghihirap ng kanyang Anak at ipapahayag din pagkatapos
ng Pagkabuhay sa kanyang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Eukaristiya na
ipinagdiwang ng mga Apostoles bilang paggunita sa kanyang
pagpapakasakit.

Ano kaya ang kanyang naramdaman kapag naririnig niya mula kay Pedro,
Juan, Santiago at sa iba pang mga Apostoles ang mga salitang namutawi sa
labi ni Jesus noong Huling Hapunan: “Ito ang aking katawan para sa
inyo”? Ang katawang ito na para sa atin at naririto sa anyo ng sakramento
ay ang katawang kanyang ipinagdalang-tao sa kanyang sinapupunan! Para
kay Maria, ang pakikinabang ay para bang isang karanasan ng muling
pagtanggap sa kanyang sinapupunan sa puso ni Jesus na tumibok kasabay
ng kanyang puso at muling naganap sa paanan ng Krus.

“Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Nasaad sa “pag-aalaalang” ito ng


Kalbaryo ang lahat ng naganap sa kanayang pagpapakasakit at kamatayan.
Kaya nga naririto din ang lahat ng ginawa ni Kristo kaugnay sa kanyang
Ina para sa atin. Sa kanya ipinagkatiwala ang pinakaamahal na alagad at
ganoon din sa alagad, sa bawat isa sa atin: “Nariyan ang iyong Anak!” Sa
bawat isa sa atin ipinagbibilin niya: “Nariyan ang inyong Ina!”

6|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


Ang karanasan ng pag-aalaala ng kamatayan ni Kristo sa Eukaristiya ay
nangangahulugan din ng patuloy na pagtanggap ng biyayang ito. Ito’y
nangangahulugan din - tulad ni Juan - ng pagtanggap sa kanya na
ipinagkatiwala sa atin bilang ating Ina. Nangangahulugan din ito ng
pagtalima sa pangakong mahubog kay Kristo, na matuto sa paaralan ng
kanyang Ina at gawin siyang gabay natin. Naroroon si Maria, kasa-kasama
ang Simbahan at bilang Ina ng Simbahan, sa bawat pagdiriwang ng
Eukaristiya. Kung ang Simbahan at ang Eukaristiya ay di kailan man
mapaghihiwalay, gayun din naman ang katotohana kay Maria at ang
Eukaristiya ay di rin mapaghihiwalay.

Sa Eukaristiya ang Simbahan ay ganap na kaisa kay Kristo at sa


kanyang sakripisyo, at kanyang inaako ang diwa ni Maria sa kanyang
sarili. Ang katotohanang ito ay lalo nating mauunawaan kung babasahin
natin ang Mangificat sa diwa ng Eukaristiya. Ang Eukaristiya higit sa lahat
ay isang pagpupuri at pasasalamat. Matatandaan natin ng ipahayag ni
Maria: “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak ang aking
espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas”, si Jesus ay nasa kanyang
sinapupunan na. Nagpupuri siya sa Diyos sa “pamamagitan” ni Kristo,
ngunit nagpupuri din siya sa Diyos “kay” Jesus at “kasama” si Jesus.
Malinaw na ito ang “diwa ng Eukaristiya”. Ipinahahayag ng Magnificat
ang landas ng pagpapakabanal ni Maria at walang makahihigit pa sa
daang ito upang tayo ay maakay na maranasan ang misteryo ng
Eukaristiya. Ang Eukaristiya ay ipinagkakatiwala sa atin upang tuald ni
Maria tayo rin ay maging tunay na Magnificat!

(maglalaan ng sampung (10) minutong katahimikan para sa pagninilay)

TUGUNAN

Namumuno: Namatay si Kristo sa ating kasalanan upang sa Diyos ay


maging alay.

Lektor: Namatay si Kristo sa ating kasalanan upang sa Diyos ay


maging alay.

Namumuno: Namatay siya sa mundong ito na makasalanan, ngunit sa


kapangyarihan ng Espiritu, siya’y muling nabuhay,

Lektor: upang sa Diyos ay maging alay.

7|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


Namumuno: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo.

Lektor: Namatay si Kristo sa ating kasalanan upang sa Diyos ay


maging alay.

PAPURING AWIT NI MARIA

ANTIPONA: Alalahanin mo, Panginoon, ang iyong awa, ang sumpang


binitiwan mo sa aming mga magulang.

Namumuno: Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,


At nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking
Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang lingkod!

Lektor: At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng


salinlahi,
Dahil sa mga Dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan
Banal ang kanyang pangalan!

Namumuno: Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya,


Sa lahat ng Sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
Pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.

Lektor: Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,


At itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
At pinalayas niyang wal ni anuman ang mayayaman.

Namumuno: Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,


Bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
Kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!

Lektor: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Namumuno: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

8|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


ANTIPONA: Alalahanin mo, Panginoon, ang iyong awa, ang sumpang
binitiwan mo sa aming mga magulang.

PANGKALAHATANG PANALANGIN

Namumuno: Dakilain natin si Kristo, ang mahinahon at maawaing


Panginoon, na pumapawi ng luha ng mga umiiyak.
Tumawag tayo sa kanya nang may pagmamahal:

Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

Namumuno: Panginoong Jesus, tinatangkilik mo ang mga mabababang


loob, pakinggan ang hinaing ng mga dukha.

Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

Namumuno: Maawaing Diyos, dinggin ang mga iyak ng mga nag-


aagaw-buhay sa iyong pakikipiling, pagaanin ang
kanilang kalooban.

Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

Namumuno: Tulutang maunawaan ng mga pilit na pinalikas ang


mapagtangkilik na pag-ibig, makabalik nawa sila sa
kanilang tahanan sa lupa at makapasok sa kanilang
tahanan sa langit.

Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

Namumuno: Kaawaan ang mga makasalanan na lumayo sa iyong


pagmamahal, magbalik-loob nawa sila sa iyo at sa iyong
Simbahan.

Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

Namumuno: Iligtas ang aming mga kapatid na yumao, makibahagi


nawa sila sa ganap na kaligtasang dulot mo.

9|Panalangin Sa Takipsilim | Ikalawang Sanlinggo


Lahat: Mahabag ka sa iyong bayan, Panginoon.

AMA NAMIN

Bayan: Ama Namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno: Ama,
Nagpapahayag ang kabalintunaan ng krus
ng iyong walang hanggang karunungan.
Tulungan mo kaming makita ang kadakilaan ng iyong
Anak
ay ipamalas niya sa pagpapakasakit
na Malaya niyang tinanggap.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni JesuKristo,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Namumuno: Lumuhod ang lahat:


 

PAGBEBENDISYON NG SANTISIMO SAKRAMENTO


 
PAG-IINSENSO AT AWIT
 
Tantum Ergo
Tantum ergo Sacramentum
Veneremur cernui:

10 | P a n a l a n g i n S a T a k i p s i l i m | I k a l a w a n g S a n l i n g g o
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Praestet fides supplementum
Sensuum defectui.
Genitori Genitoque
Laus et jubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio. Amen.

V. Panem de coelo praestitisti eis.

R. Omne delectamentum in se habentem.


 
Pari: Oremus

Deus,
qui nobis sub sacramento mirabili,
passionis tuae memoriam reliquisti:
tribue, quaesumus,
ita nos corporis et sanguinis tui
sacra mysteria venerari,
ut redemptionis tuae fructum in
nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas in saecula saeculorum.
 
Bayan: Amen.
 
Pagkatapos ng paggawad ng bendisyon ng santisimo sakramento ay dadasalin and sumusunod na
panalangin ng papuri.
 
BANAL NA PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang Kasantu-santusang Puso.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Dugo.
Purihin si Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar.

11 | P a n a l a n g i n S a T a k i p s i l i m | I k a l a w a n g S a n l i n g g o
Purihin ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw.
Purihin si Maria, dakilang Ina ng Diyos.
Purihin ang kanyang pagiging Imaculada Concepcion.
Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit.
Purihin ang ngalan ni Maris, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at mga santo.

Matapos ang panalangin ng papuri, isusunod ang pagbabalik ng Santisimo Sakramento sa Tabernakulo
  
PAGBABALIK NG SANTISIMO SAKRAMENTO SA TABERNAKULO
 
Ibabalik ng pari ang banal sa sakramento sa tabernakulo, habang umaawit ng eukaristikong awitin.
 

O SACRAMENT MOST HOLY

O SACRAMENT MOST HOLY


O SACRAMENT DIVINE
ALL PRAISE AND ALL
THANKSGIVING
BE EVERY MOMENT THINE

12 | P a n a l a n g i n S a T a k i p s i l i m | I k a l a w a n g S a n l i n g g o

You might also like