You are on page 1of 4

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Sekondaryang Paksa

Ang pandemya ay isang pandaigdigang pagsiklab ng sakit. Ito ay nangyayari kapag

lumitaw ang isang bagong virus na nakakahawa sa mga tao at maaaring kumalat sa pagitan ng

mga tao sa buong mundo. Ang pandemyang nararanasan sa kasalukuyan ay dahil sa bagong

naitalang virus na tinatawag na Covid-19. Batay sa impormasyon na inilahad ng Kagawaran ng

Kalusugan (2020), noong ika-31 ng Disyembre taong 2019 naitala ang ilang kaso ng pneumonia

na hindi pa gaanong kilala sa Wuhan, China at naireport sa World Health Organization. Napag-

alaman na lamang na ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa kilalang coronavirus na

karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang at hindi pa nakita sa mga tao noon. Ayon sa ulat

ng ABS-CBN News (2020), ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa Pilipinas ay

nakumpirma sa isang babaeng Chinese galing Wuhan noong ika-30 ng Enero taong 2020.

Dahil sa pangyayaring ito, inasahan na ang pagsasagawa ng tinatawag na contact-tracing

na siyang maaaring makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng naturang virus. Sa kasamaang palad,

ito ay tuluyan nang kumalat sa Pilipinas. Malaki ang naging epekto ng pagkalat ng Covid-19 sa

kalusugan lalo na sa pag-iisip at pangangatawan ng bawat mamamayan. Isa na nga sa mga

naging epekto nito ay ang sobrang pag-iingat sa sarili lalo na kung ang isang tao ay

makikihalubilo sa isa pa. Isa na nga sa mga senaryo ng interaksiyon na mahalagang maisagawa

dulot ng pangangailangan ay ang pagbabayad ng pinamili. Inilahad ng manunulat na si J. Parkin

(2020) na noong nagsimula ang pandemya, ang cash ay tinanggihan na sa pagdaan ng mga taon.
Sa bansang Australia, and demand sa barya ay 50 porsyentong bumaba sa pagitan ng taong 2013

at 2019. Bilang karagdagan, nabanggit din ng naturang manunulat na may epekto ang Covid-19

sa pagtanggi sa cash dahil maaari itong maging dahilan ng pagkalat ng nasabing virus. Dahilan

sa ang cash ay isang social material, ito magsisilbing koneksiyon financially at physically sa

pagitan nating mga gumagamit nito At, ang US Federal Reserve ay nagdesisyon na i-quarantine

ang mga salaping dolyar mula sa Asya sa pagtatangkang mahinto ang pagtawid ng

nakakahawang virus sa kanilang hangganan.

"Itinutulak sa ating bansa ang financial inclusion dahil less than 20 percent lang ng

populasyon natin ang may bank account. Halos lahat talaga ay cash ang ginagamit pero sa

ganitong panahon, lalo na't may pandemya, electronic na ang ginagamit at 'yan ang future sa

digital banking at payments. Dyan na rin papunta ang karamihan sa ibang bansa (Gatchalian,

2021). Kaugnay ng mga cashless transaction, napag-alaman na lumobo ang bilang ng mga

gumagamit ng kanilang bank account sa kanilang mga bayarin. Mula 18% noong 2017 tumaas

ito ng 39% noong 2019. Karamihan ay nagsabi na ginamit nila ang bank accounts nila para

tanggapin ang kanilang mga sahod at mga benepisyong mula sa gobyerno. Sa mga hindi

gumagamit ng bank account sa mga bayarin, karamihan ay nagsabing mas gusto pa rin nila ang

nakagawiang cash transactions samantalang ang iba naman ay aminadong hindi alam ang

ganitong paraan ng pagbabayad batay sa datos ng pinakahuling financial inclusion survey ng

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inilahad sa press release na pinangunahan ni Senador Win

Gatchalian noong ika-5 ng taong 2021.

Banyaga

Gaya ng kasalukuyang pananaliksik, ang artikulo nina Kavin Krishna K N, Rathish

Kumar M, at Sivadarsini KG ay nagsasaad batay sa kanilang findings na para sa online


shopping, pagbabayad ng insurance premium at iba pang serbisyo ng banko kaya mas pinipili ng

mga user ang serbisyong hatid ng cashless payment. Kaugnay din nito ang pananaliksik na

isinagawa nina R.A Brzoska at J.L Hjelm (2020), napag-alam nila na ang contactless payments

ay may impluwensya sa consumption patterns. Napatunayan din na ang edad ay may impact sa

On-the-Go consumption o ang agarang pagkonsumo ng mga pagkain o anumang item habang

bumibiyahe sa pagitan ng dalawang lugar at ang kabataan ang madalas na bumili ng mga OTG at

mas pamilyar sa mga pagbabago sa teknolohiya na nakakaapekto sa paggamit ng contactless

payments.

Ilan pang pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik ay ang pag-aaral ni

Vincent Lim Choon Seng (2008) bilang lider ng proyekto sa pag-unlad at mga hamon na dala ng

e-payments sa mga bangko sentral ng piling mga bansa sa Asya, isa sa mga findings nito ay ang

pagkilala sa pag-unlad ng e-payment sa bansang Indonesia ay ang pag-unlad ng credit card,

ATM card, debit card, network-based instrument tulad ng e-banking at internet payment, at e-

money. Saka, ang card-based payment transaction sa Indonesia partikular na ang mga

transaksyon na may kinalaman ang mga banking card ay sumibol paglipas ng mga taon. Sa

kabilang banda, ang paglitaw ng e-money ay nagsisimula na ding sumibol. Maraming aplikasyon

ang naisumite sa Bank Indonesia ukol sa pagbibigay ng lisensya sa pag-iissue ng e-money na

nagpapahiwatig na ang e-money ay mabilis na lalaki sa bansa sa hinaharap.

Base pa din sa nabanggit na pag-aaral, naitala din nito na mayroong promising growth sa

paggamit ng e-payment sa bansang Malaysia paglipas ng limang taon. Ang kabuuang bilang ng

non-cash retail payment transactions ay tumaas din sa parehong panahon, ang dami ng checques

at cash payment ay bumaba naman. At, ang Bank Negara Malaysia ay nakasuporta sa pag-unlad

at paglipat patungo sa e-payments. Mayroon na ding mga initiative ang isinagawa at


kasalukuyang isinasagawa upang i-promote ang paglipat sa e-payments dahil sa mga benepisyo

na maidudulot nito.

Sa pag-aaral hinggil sa paglipat mula sa paggamit ng cash tungo sa cashless payments sa

panahon ng pandemya, ang resulta ay malinaw na nagpapahiwatig na ang mga taong naniniwala

na ang cash ay may dala-dalang peligro ng transmission ng Covid 19 ay pinili ang mga cashless

alternatives (Kotkowski et al., n.d). Bukod sa nabanggit, ang behavior ukol sa pagbabayad ay

hindi direktang nabago kahit na may impact ang pandemya sa patterns ng ating pang-araw-araw

na gawain. Maraming pag-aaral na ang isinagawa sa paksang ito, na pawang nagsabing ang

paggamit ng contactless payment matapos magsimula ang Covid-19 outbreak ay tumaas.

Gayundin, ang paniniwala ng mga taong gumagamit nito sa kahalagahan ng teknolohiya kaugnay

ng contactless payment ay tumaas rin. Bilang karagdagan, ang resulta ng pag-aaral na ito ay

nagpapakita na ang contactless payment ay ang pinakapiniling metodo ng pagbabayad matapos

magsimula ang pandemya (Alhelaly & Wesam, 2021).

You might also like