You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC COLLEGE OF BOTOLAN


(Formerly Botolan Community College)
Botolan, Zambales
E-mail: polytechniccollegeofbotolan@gmail.com
Website: pcbzambales.com
Contact number: 0949-155-3113

INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY PROGRAM

STUDENT LEARNING MODULE (SLM)

COURSE FIL 1 – Dalumat ng/sa Filipino


SEMESTER & YEAR 1st Sem 2021-2022
YEAR LEVEL 1
MODULE No. PR-WK-03
LESSON Dalumat-Salita: Mga salita ng Taon/Sawikaan, Ambagan, Mga
Susing Salita atbp.
-Sawikain/Idyoma
MODULE MODEL 5Es
NO. OF PAGES 3

INSTRUCTOR Ecilyn P. Montenegro


ID 21-031
EMAIL ecilynmontenegro@pcbzambales.com
DATE SUBMITTED

PAALALA:
Huwag magsusulat ng kahit ano sa modyul na ito. Ang inyong mga kasagutan ay mangyari
lamang na isulat sa hiwalay na papel.

1ST SEMESTERA.Y. 2021- 2022 FIL 1 – DALUMAT NG/SA FILIPINO


DALUMAT NG/SA FILIPINO

YUNIT 1: DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN, AMBAGAN, MGA SUSING SALITA ATBP.

Sa patuloy na pagbabago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago rin ang daloy ng kultura lalo sa pang-araw-
araw na ginagawa natin. Kabilang na rito ang wika na siyang pinaka-midyum ng ating pakikipagtalastasan. Sa bawat
panahon na nagdaan ay patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng wika kaya isa sa mga katangian nito na ang wika ay
daynamiko. Sa yunit na ito ay tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon. Pokus nito ang pagtatalakay
sa mga kumperensya/aktibidad na lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at iba pang wika sa bansa.
Tatalakayin din kung paano umuunlad ang wika sa bansa at paano naapektuhan ng globalisasyon ang wika sa bansa.
Layunin ng yunit na ito na matukoy ang dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at makabuo ng sariling
opinion hinggil sa epekto ng pagbabago ng panahon sa wika.

Inaasahang Matutuhan sa Yunit:


1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Filipino
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t
bang konteksto.

Aralin 2: Sawikain/Idyoma

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga talakayan hinggil sa paglawak ng wika sa takbo ng panahon.
Layunin ng modyul na ito na mapaunlad ang Kalinangan ng mga mag-aaral sa makabagong talasalitaan ng
bansa.

I. Inaasahang matutuhan:
1. Malaman ang kahulugan ng sawikain at kahalagahan nito.
2. Makapagbigay ng mga halimbawa ng sawikain at bigyan ng sariling kahulugan.
3. Makabuo ng sariling sawikain at bigyan ng sariling kahulugan.

PAKIKILAHOKTukuyin Mo Ako!

Panuto: Tukuyin kung ano ang mga sumusunod na larawan. Bigyan ng maikli ngunit makabuluhang paglalarawan.

PR-WK-03 FIL 1 – DALUMAT NG/SA FILIPINO 1


Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang maaaring iugnay sa mga larawan?

2. Ano ang ideyang maaaring isinasaad sa mga larawan?

PAGPAPALIWANAG

Ang Sawikain o Idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa
isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento
ng isa o grupo ng mga tao. Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung
kaya ito ay nagiging matatalinhagang pahayag.

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito ay may kahulugan na hindi
maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag.
Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay, malarawan, mapgbiro at magpatawa. Nagtataglay din ito ng
pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman na kinakailangang maisaulo
ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito.

Ang isang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal – sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa:

1. Anak dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimabawa: Nagsusumikap sap ag-aaral si Joey sa kabila ng pagiging isang anak dalita.

2. Taingang Kawali
Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
Halimbawa: Umiral na naman ang taingang kawali ni Fidel nang tawagin siya ng kaniyang ina.

3. Usad pagong
Kahulugan: Mabagal
Halimbawa: Halos araw-araw na lang na usad pagong ang mga sasakyan sa Metro Manila.

4. Kapit-bisig
Kahulugan: Pagtutulungan
Halimbawa: Ang mga magkakapit-bahay ay kapit-bisig na itinataguyod ang kanilang kultura.

5. Pinagbiyak na bunga
Kahulugan: Magkahawig o magkamukha
Halimbawa: Parang pinagbiyak na bunga na ang matalik na magkaibigan na sina Ara at Luisa.

6. Tulog mantika
Kahulugan: Mahimbing matulog
Halimbawa: Kahit na anong ingay sa labas ay tulog mantika pa rin si Ben sa sobrang pagod sa maghapong pagtatrabaho.

PR-WK-03 FIL 1 – DALUMAT NG/SA FILIPINO 2


7. Bukas-palad
Kahulugan: Mapagbigay
Halimbawa: Si Nathan ay bukas palad sa mga taong nangangailangan.

8. Mababaw ang luha


Kahulugan: Madaling maiyak
Halimbawa: Talagang mababaw ang luha ni Anna kahit na nakakatawa ang palabas sa telebisyon.

9. Pag-iisang dibdib
Kahulugan: Pagpapakasal
Halimbawa: Sa wakas ay natuloy na rin ang matagal nang hinihintay nap ag-iisang dibdib nina Maria at Romeo

10. Balat-sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin
Halimabawa: Kahit kalian ay napakabalat sibuyas talaga ni Jose.
PAGBUBUOD

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal – sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito ay may kahulugan
na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang
pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay, malarawan, mapgbiro at magpatawa. Nagtataglay din
ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman na kinakailangang
maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito.

PAGTATAYA

A. Panuto: Buuin ang mga sumusunod na jumbled letters at ibigay ang kahulugan nito.

1. K P S I A A T A M
2. B N A A T Y A A A S L K Y
3. D A S U G N O G A P
4. B A T A L I N G K U T R E S O
5. K Y T A A B A Y H A
6. P U N G S O M M A O N
7. I B O A N A S K U H A Y
8. T A S B U G N A A S L U B
9. B I B I L A N G N A G N G T O S P E
10. I I T N K S A A L A L N U M A N

B. Panuto: Bumuo ng sampung sariling sawikain at ibigay ang kahulugan nito,

TALASANGGUNIAN:

Marasigan, C. (2020). Dalumat ng/sa Filipino. Retrieved from https://www.scribd.com/document/444229033/425093046-


MODYUL-DALUMATFIL-docx?fbclid=IwAR0MI-HQPbU-DkG5g2tHFfh3ZDbx7cq_u0vBZz8wO3wiSnYsVrZpyJFLl0U

https://www.coursehero.com/u/file/54989772/INTRODUKSYON-SA-PAGDALUMAT-SA-WIKANG-FILIPINOdocx/?
justUnlocked=1#doc/qa

PR-WK-03 FIL 1 – DALUMAT NG/SA FILIPINO 3


PR-WK-03 FIL 1 – DALUMAT NG/SA FILIPINO 4

You might also like