nagtungong muli sa partikular na lokasyon ng mga tribong Tasaday at napansin nitong sila’y may disente ng anyo’t pananamit. Kasama ng iba pang mga antropologist at iba pang mga kilalang personalidad, ginawa nila itong batayan upang isaad sa publikong ito ay panlilinlang lamang ni Manda Elizalde, isang negosyanteng nakadiskubre sa mga Tasaday.
Dagdag pa rito, kanilang isiniwalat na walang
katotohanan at katuturan ang tribong Tasaday sapagkat sila lamang ay mga ordinaryong magsasakang pinagbihis ng bahag ni Manda Elizalde at kinunan ng iilang mga litrato.
Dahil dito, ilan sa mga mambabasa ng pahayagan at
iba pang mga mamayan ay walang-awa kinutsya, pinagtawanan, at tinaguriang mga “sinungaling” ang mga Tasaday.
Nang napagdesisyunan ng grupo ng palabas na I-
Witness na balikan muli ang lugar ng tribong Tasaday makalipas ng dalawampu’t taon, isang hukbo ng Philippine Army ang gumabay, tumulong, at lumahok sa kanilang paglalakbay. Inilahad kasi ni Capt. Bong Demaala na may presensya ng mga bandido o tulisan na maaaring agresibong humadlang sa gitna ng kanilang matiwasay na paglalakbay.
Hindi naging madali ang daan patungo sa lugar ng mga
Tasaday. Limang oras ang kanilang ginugol upang makapunta lamang sa pinakamalapit na bundok. Nang sila’y napadpad sa Sitio Tawan Dagat, panandaliang tumigil ang kanilang mga motorsiklo dahil hindi na nito kaya ang matarik, lubak-lubak, at delikadong tahakin na daan.
Napansin din nilang malayo pa ang kanilang lalakbayin
kaya’t itinuloy nila ito sa paglalakad sa loob ng dalawang oras. Bagama’t inabot na sila ng takipsilim, napagpasyahan nilang ituloy na lamang ito bukas ng madaling araw.
Kinabukasan, hindi pa rin naging madali ang pagpunta
—tatlong ilog, putik, at pagod ang labis na nagpahirap sa kanila.
Matapos ang kalbaryo sa daan, sila’y nakakita ng isang
tahanan na kung saa’y nakatira si Dul Kaong Udelen, isa sa mga nabubuhay na purong Tasaday. Kabilang si Dul at iba pang mga Manobo Blit gaya ni Mapalo Dudim, nilakbay nila ng mahigit kalahating araw ang peligrosong landas upang balikan ang yungib ng mga Tasaday.
Inihayag nila na sa kuwento raw ng kanilang mga
ninuno, may isang karamdaman daw na puminsala sa mga Manobo Blit isang daang taon na ang nakalipas. Buhat nito, napag-isipang nang nakararami na manirahan na lang sa yungib. Sila man ay nakaiwas sa nakahahawang sakit na ito, hindi rin matatanggi na sila nama’y higit nang napag-iwanan ng matinding ebolusyon sa iba’t ibang yugto ng panahon.
Sa kuweba na rin ipinanganak at lumaki si Dul Kaong
Udelen. Naging payapa man ang naging takbo ng kaniyang buhay rito, ang kaniyang kaisipan nama’y nakubli ng ideyang: ito lang ang kilala niyang mundo at ang tribong kinabibilangan niya lamang ang batid nitong tao. Higit pa rito, kung siya raw ay tatanungin, mas mainam pa nga raw na hindi na lang sila natagpuan.
Isa sa mga apo ni Dul Kaong Udelen si Bikini Silungan.
Sa isang panayam nila ni Kara David, kaniyang ibinunyag na siya raw ay dinadala sa kuweba ni Dul Udelen upang takasan ang suliraning kaniyang kinakaharap sa ibaba (reyalidad). Gaya rin daw ng kaniyang mga ka-tribo, mas pinili niya pa ring mamuhay sa yungib kaysa sa ordinaryong tahanan na may modernong kapaligiran (baba).
Si Lobo Belangan naman ay isa sa mga anak ni
Belangan, ang lider ng mga Tasaday. Makalipas ang tatlumpu’t taon, nakita rin ito ng grupong kinabibilangan ni Kara David. Inihayag niya na tunay na marami ang mga bumibisita sa kanilang kuweba at iisa lamang ang kanilang mga sinabing—magbibigay sila ng tulong sa mga Tasaday. Sila man ay naging mainit na usapin sa mga pahayagan, hindi ito naging pabor sa kanilang tribo. Gaya ni Dul Kaong Udelen, mas gugustuhin pa rin ni Lobo Belangan na hindi sila natagpuan sapagkat lalo lang daw gumulo ang kanilang payapang buhay. Ang iba rin daw ay bumisita lamang upang paratangan silang “sinungaling.”
Sa gitna ng pag-uusap nila Kara David at Lobo
Belangan, inilahad nito na may isang tao na sinabing sila raw ay isang huwad na pangkat lamang. Ang taong kaniyang tinutukoy ay si Oswald Atier na isang dayuhan mamamahayag na tumungong muli sa mga Tasaday noong Marso 30, 1986. Hindi nalilimutan ni Lobo Belangan ang kaniyang pangalan sapagkat siya ang nagpakalat ng impormasyon sa buong mundo na ang mga Tasaday raw ay hindi naman talaga totoo. Malinaw niya ring ibinahagi ang masalimuot nilang karanasan kasama ang iilang Tasaday nang sila’y dalhin sa Manila noong taong 1988 para lamang patunayan na ang tribong Tasaday ay tunay na umiiral at simpleng namumuhay sa kuweba. Ang pangyayaring ito ay binalot sila nang matinding sindak at poot.
Subalit, lahat ng pagpapaliwanag at pagpapaunawa na
kanilang ginawa ay nagresulta pa rin sa wala. Hindi sila tuwirang dininig sapagkat nakasara ang mga mata at tenga ng mga tao sa payak na kuwento ng kanilang tribo.
Maliban sa konseptong si Lobo Belangan ay nabuhay sa
yungib kaya’t siya ay takot sa tao, ang mga hirap na dinanas niya’y nagtulak sa kaniya upang hindi na muling magtiwala sa mga bumibisita sa kanilang tribo. Isa rito’y baka raw ang mga ito ay may pakay sa kaniyang masama gaya ng patayin siya.
Inilarawan ni Mapalo Dudim, pinsan ni Dafal na isa sa
mga unang nakatagpo sa mga Tasaday, ang buhay ng mga Tasaday noon. Ang tribo raw na ito ay mga maralita—walang permanenteng trabaho, maayos na pananamit, at bungang-kahoy at bunga ng uway ay ang karaniwang pagkain.
Sa panayam din na ito, samu’t sari pa rin ang emosyon
na naramdaman ni Lobo Belangan na hindi niya pa rin matanggap ang sinapit ng kaniyang sariling tribo. Patuloy pa rin siyang naghihintay at umaasa na sila’y opisyal na kilalanin at tanggapin ang kanilang pagkatao’t pagkakakilanlan bilang mga Tasaday. Kung may pagkakataon nga raw na siya’y magsaka, kumita ng pera, at humarap sa iba pang kultura, kaniya raw itong gagawin sa kapakanan ng knaiyang tribo.
Sa henerasyon na kinabibilangan ni Lobo Belangan ay
hindi rin sila nakapag-aral. Hindi sila marunong magsulat at magsalita.
Bilang pagtatapos, isinaad ni Kara David na ang mga
Tasaday ay “Kinuhaan sila ng litrato, pinag-usapan, pinag-aralan, pinangakuan, hanggang sa tuluyang kinalimutan.”