You are on page 1of 5

TANONG: Anu-ano ang pangunahing suliraning

tinalakay sa dokumentaryo? Ilahad isa-isa.

 Noong 1986, isang dayuhang mamamahayag ang


nagtungong muli sa partikular na lokasyon ng mga
tribong Tasaday at napansin nitong sila’y may disente
ng anyo’t pananamit. Kasama ng iba pang mga
antropologist at iba pang mga kilalang personalidad,
ginawa nila itong batayan upang isaad sa publikong ito
ay panlilinlang lamang ni Manda Elizalde, isang
negosyanteng nakadiskubre sa mga Tasaday.

 Dagdag pa rito, kanilang isiniwalat na walang


katotohanan at katuturan ang tribong Tasaday
sapagkat sila lamang ay mga ordinaryong
magsasakang pinagbihis ng bahag ni Manda Elizalde at
kinunan ng iilang mga litrato.

 Dahil dito, ilan sa mga mambabasa ng pahayagan at


iba pang mga mamayan ay walang-awa kinutsya,
pinagtawanan, at tinaguriang mga “sinungaling” ang
mga Tasaday.

 Nang napagdesisyunan ng grupo ng palabas na I-


Witness na balikan muli ang lugar ng tribong Tasaday
makalipas ng dalawampu’t taon, isang hukbo ng
Philippine Army ang gumabay, tumulong, at lumahok
sa kanilang paglalakbay. Inilahad kasi ni Capt. Bong
Demaala na may presensya ng mga bandido o tulisan
na maaaring agresibong humadlang sa gitna ng
kanilang matiwasay na paglalakbay.

 Hindi naging madali ang daan patungo sa lugar ng mga


Tasaday. Limang oras ang kanilang ginugol upang
makapunta lamang sa pinakamalapit na bundok. Nang
sila’y napadpad sa Sitio Tawan Dagat, panandaliang
tumigil ang kanilang mga motorsiklo dahil hindi na nito
kaya ang matarik, lubak-lubak, at delikadong tahakin
na daan.

 Napansin din nilang malayo pa ang kanilang lalakbayin


kaya’t itinuloy nila ito sa paglalakad sa loob ng
dalawang oras. Bagama’t inabot na sila ng takipsilim,
napagpasyahan nilang ituloy na lamang ito bukas ng
madaling araw.

 Kinabukasan, hindi pa rin naging madali ang pagpunta


—tatlong ilog, putik, at pagod ang labis na nagpahirap
sa kanila.

 Matapos ang kalbaryo sa daan, sila’y nakakita ng isang


tahanan na kung saa’y nakatira si Dul Kaong Udelen,
isa sa mga nabubuhay na purong Tasaday. Kabilang si
Dul at iba pang mga Manobo Blit gaya ni Mapalo
Dudim, nilakbay nila ng mahigit kalahating araw ang
peligrosong landas upang balikan ang yungib ng mga
Tasaday.

 Inihayag nila na sa kuwento raw ng kanilang mga


ninuno, may isang karamdaman daw na puminsala sa
mga Manobo Blit isang daang taon na ang nakalipas.
Buhat nito, napag-isipang nang nakararami na
manirahan na lang sa yungib. Sila man ay nakaiwas sa
nakahahawang sakit na ito, hindi rin matatanggi na sila
nama’y higit nang napag-iwanan ng matinding
ebolusyon sa iba’t ibang yugto ng panahon.

 Sa kuweba na rin ipinanganak at lumaki si Dul Kaong


Udelen. Naging payapa man ang naging takbo ng
kaniyang buhay rito, ang kaniyang kaisipan nama’y
nakubli ng ideyang: ito lang ang kilala niyang mundo at
ang tribong kinabibilangan niya lamang ang batid
nitong tao. Higit pa rito, kung siya raw ay tatanungin,
mas mainam pa nga raw na hindi na lang sila
natagpuan.

 Isa sa mga apo ni Dul Kaong Udelen si Bikini Silungan.


Sa isang panayam nila ni Kara David, kaniyang
ibinunyag na siya raw ay dinadala sa kuweba ni Dul
Udelen upang takasan ang suliraning kaniyang
kinakaharap sa ibaba (reyalidad). Gaya rin daw ng
kaniyang mga ka-tribo, mas pinili niya pa ring
mamuhay sa yungib kaysa sa ordinaryong tahanan na
may modernong kapaligiran (baba).

 Si Lobo Belangan naman ay isa sa mga anak ni


Belangan, ang lider ng mga Tasaday. Makalipas ang
tatlumpu’t taon, nakita rin ito ng grupong
kinabibilangan ni Kara David. Inihayag niya na tunay
na marami ang mga bumibisita sa kanilang kuweba at
iisa lamang ang kanilang mga sinabing—magbibigay
sila ng tulong sa mga Tasaday. Sila man ay naging
mainit na usapin sa mga pahayagan, hindi ito naging
pabor sa kanilang tribo. Gaya ni Dul Kaong Udelen,
mas gugustuhin pa rin ni Lobo Belangan na hindi sila
natagpuan sapagkat lalo lang daw gumulo ang kanilang
payapang buhay. Ang iba rin daw ay bumisita lamang
upang paratangan silang “sinungaling.”

 Sa gitna ng pag-uusap nila Kara David at Lobo


Belangan, inilahad nito na may isang tao na sinabing
sila raw ay isang huwad na pangkat lamang. Ang taong
kaniyang tinutukoy ay si Oswald Atier na isang
dayuhan mamamahayag na tumungong muli sa mga
Tasaday noong Marso 30, 1986. Hindi nalilimutan ni
Lobo Belangan ang kaniyang pangalan sapagkat siya
ang nagpakalat ng impormasyon sa buong mundo na
ang mga Tasaday raw ay hindi naman talaga totoo.
 Malinaw niya ring ibinahagi ang masalimuot nilang
karanasan kasama ang iilang Tasaday nang sila’y
dalhin sa Manila noong taong 1988 para lamang
patunayan na ang tribong Tasaday ay tunay na umiiral
at simpleng namumuhay sa kuweba. Ang pangyayaring
ito ay binalot sila nang matinding sindak at poot.

 Subalit, lahat ng pagpapaliwanag at pagpapaunawa na


kanilang ginawa ay nagresulta pa rin sa wala. Hindi sila
tuwirang dininig sapagkat nakasara ang mga mata at
tenga ng mga tao sa payak na kuwento ng kanilang
tribo.

 Maliban sa konseptong si Lobo Belangan ay nabuhay sa


yungib kaya’t siya ay takot sa tao, ang mga hirap na
dinanas niya’y nagtulak sa kaniya upang hindi na
muling magtiwala sa mga bumibisita sa kanilang tribo.
Isa rito’y baka raw ang mga ito ay may pakay sa
kaniyang masama gaya ng patayin siya.

 Inilarawan ni Mapalo Dudim, pinsan ni Dafal na isa sa


mga unang nakatagpo sa mga Tasaday, ang buhay ng
mga Tasaday noon. Ang tribo raw na ito ay mga
maralita—walang permanenteng trabaho, maayos na
pananamit, at bungang-kahoy at bunga ng uway ay
ang karaniwang pagkain.

 Sa panayam din na ito, samu’t sari pa rin ang emosyon


na naramdaman ni Lobo Belangan na hindi niya pa rin
matanggap ang sinapit ng kaniyang sariling tribo.
Patuloy pa rin siyang naghihintay at umaasa na sila’y
opisyal na kilalanin at tanggapin ang kanilang
pagkatao’t pagkakakilanlan bilang mga Tasaday. Kung
may pagkakataon nga raw na siya’y magsaka, kumita
ng pera, at humarap sa iba pang kultura, kaniya raw
itong gagawin sa kapakanan ng knaiyang tribo.

 Sa henerasyon na kinabibilangan ni Lobo Belangan ay


hindi rin sila nakapag-aral. Hindi sila marunong
magsulat at magsalita.

 Bilang pagtatapos, isinaad ni Kara David na ang mga


Tasaday ay “Kinuhaan sila ng litrato, pinag-usapan,
pinag-aralan, pinangakuan, hanggang sa tuluyang
kinalimutan.”

You might also like