You are on page 1of 27

A

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

LEARNING ACTIVITY
SHEET

Asignatura at Baitang: Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Activity Sheet Bilang. __1_____
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangayng Samar

Isinasaad ng BatasRepubliKa 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na itoang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Activity Sheet


Manunulat: Joan Q. Macairan, MAT-Chemistry

Tagaguhit: _________________________

Tagalapat: _________________________

Tagasuri: __________________________

Editor: _______________________________

Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent

Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent

Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID

Ma. Anabelle D. Daca, PhD. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
PINABACDAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinabacdao, Samar

Pangalan ng mag-aaral:_________________ Baitang:_______ Seksyon:________


Paaraalan : __________________________ Petsa:______________

Kwarter 2: Week 6

Bolunterismo at Pakikilahok sa Gawaing Pampamayanan


Pamagat
I. Panimula:
Kumusta? Marami ka ng natutunan sa mga nagdaang aralin, naintindihanmo ang
pagsasagawa ng angkop na kilos batay sa karapatan tungo sa pagtupad ng tungkulin,
pagsunod sa batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral at pagpapahalaga sa paggawa. Ang
lahat ng ito ay naglalayonnamapaunladmo ang iyongsariliganoon din ang pakikitungo mo
saiyong kapwa at salipunang iyong ginagalawan.
Sa panghuling aralin, sa ikalawang markahan ay magagamit mo ang lahat ng iyong
natutuhan sa nakaraangaralin. Mauunawan mo kung paano makilahok sa iyong pamayanan
gayundin ang boluntaryong pagbabahagi ng iyongsarili. Inaasahan na sa pagtatapos ng
araling ito ay: a) naiuugnay mo ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismosapag-unlad
ng mamamayan at lipunan; b) nakapagsusuri ka ng kuwentong-buhay ng mga taong inilaan
ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo, halimbawa, Efren
Peñaflorida, greenpeace volunteers, atbp.; c) napatutunayanmona: c.1) ang pakikilahok at
bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan, batay sa
kaniyang sining, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat, c.2) bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa
pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal napananagutan;
d) nakalalahok sa isang proyekto o Gawain sa barangay o mga sector na may particular na
pangangailangan, halimbawa, mgabatang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga.

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

Nakakalahok sa isang proyekto o Gawain sa barangay o sa mga sector na may particular na


pangangailangan, Hal. Mga batang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga. EsP9TT-IIh-8.4

III. Pamamaraan:
A. Simulan:
Unawain ang awitin sa ibaba. Kung alam mo ang awitin, maari mo itong awitin.
Maaarimo ring itanong sa mga kasama sa bahay ang tono ng awit kung hindi mo ito alam.
Sagutan ang sumunod na mga tanong. Gawin ito saiyong sagutang papel.

Pagbangon
(Julie Ann San Jose)
Ilugmok man tayo ng bagongpagsubok,
Mgapusonati'y 'di mapapagod
Abutin ang kamayna handangdumamay
Mga pusonati'y 'di mapapagod
Nasa Puso ng bawat Pilipino
Pagmamahal sa Kapwa At serbisyong totoo
Isang bayan, tayo'yaahon
Walang maiiwan sa pagbangon
Isang lakas, Isang pag-asa
Patungosabagongumaga
'Yan ang atingpuso
Ako ang aakay sayo
Pangarap muling itatayo
Walang kasingtibay ang puso ng Pilipino
Isang bayan, tayo'yaahon
Walang maiiwan sa pagbangon
Isang lakas, Isang pag-asa
Patungo sa bagong umaga
'Yan ang ating puso

Mga Tanong:
1. Ano ang susi sa mabilis na pag-usad kung ang bansa ay dumaranas ng pagkalugmok?
2. Papaano ipinakikita sa awitin ang pagbangon ng mga Pilipino kapag nakararanas ng mga
sakuna?
3. Mahalagaba ang pakikilahok at pagdadamayan sa tuwing may problemang kinakaharap?
Bakit?

B. Alam mo Ba:
Ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sapag-unlad ng
mamamayan at pamayanan. Pumili ng isa sa mga sumusunod na paraan sa pagsasagawa.
Isaalang-alang ang mga sumusunod na krayterya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Magsulat ng awitukoldito.
2. Magsulat ng maiklingtula.
3. Gumawa ng slogan o poster.

C. Bumahagi:
Photo Collage
Panuto: Gumawa ng photo collage upang ibahagi ang iyong sariling karanasan tungkol sa
pakikilahok at bolunterismong nagawa o gagawin pa sa inyong kapuwa o sa inyong
komunidad. Ilagay ito sa short bond paper.

D. Gawin Mo:
Photo Essay Ng Bolunterismo
PANUTO: Magsaliksik ng iba pang personalidad na naglaan ng kanilang panahon at buhay sa
pakikilahok at pagboboluntaryo sa kawang-gawa. Ilahad ito sa pamamagitan ng Photo Essay
(isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunud-sunod
upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na
paraan) at maging malikhain sa paggawa nito.

IV. Rubrik sa Pagpupuntos (Kung kailangan)

Rubriks sa Paggawa ng Photo Collage

Kraytirya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman Kailangan Kabuuan


ng
pagsasanay
Nilalaman
(Content) – 35%
Naipapakita at
naipaliliwanag ng
maayos
ang ugnayan ng
lahat ngkonsepto
Pagkamalikhain
(Creativity) - 20%
Lubos na
nagpapamalas ng
pagkamalikhain
Pagkamapanlikha
(Originality) – 25%
Orihinal ang ideya
sa paggawa ng
photo collage
Kabuuang
Presentasyon –
20%
Malinis, maayos at
malinaw ang
kabuuang mensahe
ng
photo collage
Kabuuan 100%
Rubriks sa Paggawa ng Photo Essay

Kraytirya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman Kailangan Kabuuan


ng
pagsasanay
Nilalaman
(Content) – 35%
Naipapakita at
naipaliliwanag ng
maayos
ang ugnayan ng
lahat ngkonsepto
Pagkamalikhain
(Creativity) - 20%
Lubos na
nagpapamalas ng
pagkamalikhain
Pagkamapanlikha
(Originality) – 25%
Orihinal ang ideya
sa paggawa ng
photo collage
Kabuuang
Presentasyon –
20%
Malinis, maayos at
malinaw ang
kabuuang mensahe
ng
photo collage
Kabuuan 100%

V. Mga Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa
Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 111 – 128

VI. Susi sa Pagwawasto:


A-D: Depende sa sagot ng mga bata.

Inhanda ni:

JOAN Q. MACAIRAN
SST-III

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
PINABACDAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinabacdao, Samar

Pangalan ng mag-aaral:_________________ Baitang:_______ Seksyon:________

Paaraalan : __________________________ Petsa:______________

Kwarter 3: Week 3

Kagalingan sa Paggawa
Pamagat
I. Panimula:

“Ang galing naman! Nais ko ring maging magaling.” Nasabi mo na ba ang katagang ito sa
iyong sarili? Kailan lang?

Dito sa kasalukuyang modyul, gagabayan ka upang maunawaan mo ang mga katangian at


pagpapahalaga na mahalagang hubugin sa iyong sarili upang makabuo ng isang obra maestra.
Kaakibat sa mga ito ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras.

Sa pag-aaral mo sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:


Bakit kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa paggamit
ng oras?

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito (EsP9KP-IIIa-11.1)
 Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang
gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito (EsP9KP-IIIa-11.2)

III. Pamamaraan:

A. Simulan:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Bilugan ang pinakaangkop na sagot.
1. Sino ang isang bulag ang matagumpay sa pagsasakatuparan ng kaniyang mithiin sa buhay?
A. Roselle Ambubuyog B. Leonardo da Vinci C. Roselle Nava D. Aristotle

2. Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang
kagalingan sa paggawa maliban sa:
A. Pagkakaroon ng pambihirang lakas
B. Pagtataglay ng positibong kakayahan
C. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
D. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos

3. Pangarap mong umangat ang iyong estado sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang
maabot ito?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sapagamit ng oras
B. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap
C. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
4. Maganda ang pagkagawa ng pamilya niSuzannesa mga bag na yari sa tetra pack ng juice.
Mabili ang mga ito lalo na ang may iba’tibang kulay at disenyo. Ano ang ipinakikita ng
sitwasiyong ito?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan

5. Hindi naging madali kay Ginang Ramos ang pagpaunlad ng negosyong online selling. Sa
kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan niya ito. Paano hinarap ni Ginang Ramos ang
paghihirap na dinanas kaya siya nagtagumpay?
A. Pinag-aralan ang sitwasiyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
B. Pinaniniwalaan niyang ang lahatay hamon na kailangang malampasan
C. Pinaniniwalaan niyang ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. Pinaniniwalaan niya na ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok

6. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang


wastongpamamahala sa paggamit ng oras?
A. Dahil sapagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sapagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sapaglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at
magkaroon ng kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili,kapuwa at sa Diyos gamit
ang oras na ipinagkatiwala sa kaniya

7. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao,” Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Nagmamay-ari ang taosa oras dahil ipinagkakaloob ito sa kaniya.
C. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihang panlahat.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong makamit ang tagumpay sa buhay?
A. Alamin ang mga sariling salik, maging masinop, mapagpunyagi at magtiwala sa sarili
B. Alamin ang gusto at hilig at maging masipag, madiskarte at matalino
C. Magkaroon ng pananampalataya at disiplina sa sarili
D. Pahalagahan ang sarili, kapuwa, at bansa

9. Si Nelia ay tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya


nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Alin sa sumusunod na pananaw ang
isinasabuhay ni Nelia sa kagalingan niya sa paggawa?
A. Pagkilos nang buong puso
B. Pagkaroon ng kasiyahan, pagkagusto at sigla sa ginagawa
C. Pag-iwas sa problemana magiging sanhi ng pagkaalis sa trabaho
D. Pagiging malikhain sa pamamaraan ng paggawa upang hindi mapagod

10. Malapit na ang pista ng lungsod, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuting
dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang
ng gumagawa ng mga ito?
A. personal na kaligayahan na makukuha mula dito
B. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
C. pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa
D. kalooban at kagustuhan ng Diyos

B. Alam mo Ba:
Gawain 1
Panuto:
1. Gumawa ng pagsusuri sa sarili kung taglay mo o hindi ang mga indikasyon ng isang
taong may kalidad o kagalingan sa paggawa na nasa unang kolum.
2. Sa bawat palatandaan, lagyan ng tsek () ang isa sa dalawang kolum sa kanan na
angkop na naglalarawan sa iyo.
3. Isaalang-alang ang mga ginagawa mo sa kasalukuyan at hindi ang mga gusto mong
gawin. Maging tapat sa iyong sarili sa pagsagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
4. Pagkatapos, bilangin ang tsek sa bawat kolum.
5. Tingnan ang interpretasyon ng iskor sa ibaba ng tsart.

Mga Palatandaan Ako ito Hindi Ako ito


1. Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin
sa tamang oras.
2. Nagdadasal muna bago ko gawin ang
anomang bagay.
3. Tinatapos lagi nang may kalidad ang
anomang gawain sa itinakdang oras.
4. Laging may bagong ideya at konsepto sa
isang partikular na gawain o bagay.
5. Nagpaplano ng paraan kung paano
gagawin ang isang gawain bago simulan ito
upang matapos ito sa itinakdang oras.
6. Nirerebisa ang gawain batay sa punang
angkop sa kraytirya ng output
7. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga
natapos na gawain at takdang aralin na
nagawa nang maayos
8. Palatanong sa mga bagay na bago sa
paningin
9. Hindi sumusuko sa hamon ng anomang
gawain kahit mahirap ito
10. Inuunawa ang panuto bago simulan ang
gawain

Interpretasyon

Kailangang-kailangan ang mga kasanayan sa paggawa ng gawain o


0–2
produkto nang may kalidad at pamamahala sa paggamit ng oras
May mga kasanayan na sa paggawa ng gawain o produkto nang may
3–4
kalidad at pamamahala sa paggamit ng oras
5–6 Mapauunlad pa ang mga kasanayang taglay sa paggawa ng gawain
o produkto nang may kalidad at wastong pamamahala sa paggamit
ng oras
Malaki na ang antas ng mga kasanayan sa paggawa ng gawain o
7–8 produkto nang may kalidad at wastong pamamahala sa paggamit ng
oras

C. Bumahagi:
Gawain 2
Panuto:
1. Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, lumikha ng isang larawan na gawa sa mga iba’t
ibang hugis na nasa loob ng bilog-pahaba sa ibaba.
2. Iguhit ito sa iyong papel sa loob ng limang minuto lamang.

Sagutin ang mga tanong sa iyong papel.


1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang paglikha ng larawan? Sa anong
dahilan?
2. Ano ang larawang nalikha mo sa iyong drowing?
3. Naniniwala ka bang ito ay bunga ng iyong pagkamalikhain? Ipaliwanag ayon sa iyong
pagkaunawa sa katangiang ito.
4. May mga hakbang ka bang isinaalang-alang bago ginawa ang larawan?
5. Ano-anong hakbang ang sinunod mo upang magkaroon ng kalidad o kagalingan ang
iyong gawain kasabay ang pagsaalang-alang sa itinakdang oras?
6. Bakit mahalagang matukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang gawain o
produkto kasabay ang pamamahala sa paggamit ng oras?

D. Gawin Mo:
Sagutin ang mga tanong sa iyong papel.
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutan ang tseklist?
Ipaliwanag.
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong sagutan ang tseklist? Sa anong dahilan?
3. Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang iyong paraan sa paggawa na may
kasamang wastong pamamahala sa paggamit ng oras? Patunayan.
4. Ano-ano ang indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may kalidad o kagalingan
(excellence) at may wastong pamamahala sa paggamit ng oras ang taong gumawa nito?
Ipaliwanag ang bawat isa.
lV. Reflection: (lsulat ang iyong natutunan)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________.

V. Mga Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon


ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September
26, 2017.

VI. Susi sa Pagwawasto:


Depende sa sagot ng mga bata.

Inhanda ni:

JOAN Q. MACAIRAN
SST-III

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
PINABACDAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinabacdao, Samar

Pangalan ng mag-aaral:_________________ Baitang:_______ Seksyon:________

Paaraalan : __________________________ Petsa:______________

Kwarter 3: Week 4

Kagalingan sa Paggawa
Pamagat
I. Panimula:
Ayon saLaborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan
nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang
kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng
kagalingan sa paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga
sumusunod na katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) nagtataglay ng
positibong kakayahan, at (3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga. Ang isang matagumpay na tao ay may mga
pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na
pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing
gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang
produktong kaniyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig,
pagkamalikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
a. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang
buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang produkto o gawaing likha ng
isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa.
Dahil dito ang nagiging resulta ng kaniyang pagsasagawa ng gawain ay maayos,
kahanga-hanga at kapuri-puri. May kagalingan ang produkto o gawain o ang
paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagpapamahal at pagkagustong gawin ito
ng buong husay.
b. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang
paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahahadlang sa
paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng
gawain sa likha ng iba at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain.
Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at
gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao.
c. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman
sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensyon o oras niya ay nakatuon lamang sa
produkto o gawaing kaniyang lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang
nakatatapos ng produkto at gawain nang hindi nakararamdam nang anomang pagod
o pagkabagot.
d. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng
panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ayorihinal, bago at kakaiba ang
produkto. Gayundin sa pagbibigay ng serbisyo o iba pang gawain, hindi kailangang
katulad ito ng iba o nang nakararami. Madaling nakikilala at natatanggap ang isang
produkto o serbisyo kapag bago ito sa panlasa ng tao. Kung sakaling may ginaya o
kinopya sa naunang likha, kailangang mas higit na mabuti at katanggap-tanggap ito.
e. Disiplina sa Sarili. Ang taong may disiplinasa sarili ay alam ang hangganan ng
kaniyangginagawaat mayroong paggalang sa ibang tao. Maaari niyang isantabi ang
pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain
o produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para sa ikabubuti ng lahat.
2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan.Bukod sa mga kasanayan sa basic
literacy (tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin
ang mga kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugto --ang Pagkatuto Bago ang
Paggawa, Pagkatuto Habang Gumagawa, at Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang
Gawain (Morado, 2007).
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa. Tumutukoy ito sayugto ng paggawa ngplano nagabay
sa pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo ito ng mga kasanayan sa:
 Pagbuo ng mga layunin
 Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan (outcomes)
 Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa gawain
 Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo
 Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
 Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
 Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain

Halimbawa:Naatasan ang pangkat mo sa klase sa Edukasyon sa Pagpapakatao na


gumawa ng proyektong tutugon sa mga pangangailangan ng mga bata na may edad
na 5 hanggang 9 sa inyong baranggay. Kailangang malinaw ang tunguhin (goal) at
mga inaasahang kalalabasan (expected outcomes) ng proyekto. Ito ba ay upang
buklurin sila sa paggawa ng mabuting gawain sa pamayanan – halimbawa, ang
proper hygiene, tamang asal o Katesismo? Ang mga inaasahang kalalabasan ba ay
ang pagbawas ng bilang ng kabataang gumagala sa kalye sa gabi? Kapag malinaw
na ang tunguhin at mga inaasahang kalalabasan, magsagawa ng tanung-tanong
(unobtrusive interview) sa ilang bata tungkol sa kanilang mga pangangailangan. Ang
mga sagot nila ang batayan ng paggawa ng mas organisadong talatanungan
(questionnaire) bilang batayan ng gagawing proyekto na tutugon sa kanilang mga
pangangailangan.
b. Pagkatuto Habang Ginagawa. Ito ang yugto ngpagkilala sa iba’t ibang istratehiyang
maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang
proyektong napili at mga posibleng kahaharaping problema at solusyon sa mga ito.

Halimbawa: Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang impormasyon sa proyekto


sa Edukasyon sa Pagpapakatao na inilahad sa unang bilang, magiging madali na ang
pagsasagawa ng plano dahil may batayan na sa susunod na hakbang naisasagawa.
Makatutulong ang mga impormasyon na nakuhaupang maiwasan ang anomang
problema na maaaring kaharapin at kung sakali mayroon man, madali na ang
paglalapat ng solusyon at napaghandaan na, halimbawa, kung sinong tao o opisyal
ang lalapitan para makatulong sa gagawing proyekto.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain. Ito ang yugto ng pagtataya sanaging
resulta o kinalabasan ng gawain. Sapuntong ito, malalaman mo ang mgakilos at
pasiya na dapat panatilihin at baguhin.

Halimbawa: Magkakaroon ng ebalwasyon sa isinagawang proyekto - ang resulta ng


programang isinagawa, ang naging epekto nito sa pamayanan, gaano naging
kapakipakinabang ang gawain, at kung naisakatuparan ang tunguhin ng proyekto.
Kung sakali ang resulta ng gawain ay hindi kaaya-aya, gagamiting basehan ito sa
pagpaplano at pagpapaunladng susunod na gawain.
Ang mga yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng iyong
layuning makagawa ng isang mahusay na produkto o serbisyo. Ang kagalingan sa
paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na pagsasakatuparan ng mga hakbang na
dapatisaalang-alang sa paggawa.
Ang mga sumusunod namga katangian ay makatutulong din upang
magkaroon ngmatalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan
sa paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni Leonardo da Vinci, ang itinituring na
pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998).
1. Pagiging Palatanong (Curiosita). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon
na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.Marami siyang tanong na
hinahanapan niya ng mga sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw
na kahulugan na kaniyang narinig o nabasa. Dahil sa kaniyang masidhing
pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-eeksperimento, natutuklasan niya ang
mga bagong kaalaman o produkto na magiging isang malaking kontribusyon sa
kaalaman o makapagpapaunlad ng kalidad ng buhay. Ang pagtatanong at pagbuo
ng problema (questioning and posing problems) ay isa sa labing-anim na Gawi ng
Isip (Habits of Mind) na mahalagang linangin sa mga kabataan (Costa & Kalick,
2000). Tinalakay ito noong Baitang Pito (7).

Halimbawa: Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba


ang mga tindang tinapaysa isang restaurant na pinuntahan nila. Nagtanong-tanong si
G. Koasa kung paano ito ginagawa, ano-ano ang sangkap nito, ang paraan ng
pagluluto nito at marami pang iba. Ang mga nakalap na impormasyon ang nagbigay-
daan sa kaniya upang dalhinito sa ating bansa.Ito ang simula ng pagkakatayo ng
“French Baker.”Noong 1989,binuksan ni G. Koa ang kauna-unahang sangay ng
French Baker sa SM North Edsa at nagsimulang magtinda ng iba’t ibang klase ng
tinapay sa mababang halaga. Nang sumunod na taon pinalawak niya ang French
Baker bilang isang restaurant. Bukod sa iba’t ibang uri ng tinapay na sadyang si G.
Koa ang gumawa, nagsimula na rin silang magtinda ng mga imported na kape, tsaa
at iba pa. Dahil sa mataas na kalidad at serbisyong ibinibigay ng French Baker sa
mga tumangkilik sa kanila, napili ito bilang isa sa may natatanging produkto ng
Superbrands Philippines para sa taong 2003-2004. Bukod dito, noong 2004 ay
ginawaran din sila ng Philippine Marketing Association ng Agora Award for Company
of the Year. Patunay ito namalayo na ng narating ng French Baker na itinatag ni G.
Johnlu Koa.

2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang


Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto
mulasa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil samga karanasang ito
natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

Halimbawa: Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litson manok.


Sinimulan niya ito sapagtitinda ng ilang pirasong manok na inutang pa niya sa
kaibigan ng kaniyang ina. Sa unang subok ni Sandy iilan lamang ang nabenta mula
sa kaniyang inihanda. Nagsilbing hamon ito sa kaniya kaya’t pinag-aralan niya itong
mabuti at hindi sumuko. Noong 1985, nagbunga ang pagod at sakripisyo ni G. Javier
dahil nagsimula nang tangkilikin ng maraming tao ang kaniyangtindahan ng litsong
manok. Mula noon, nakilala na ito at nagsimulang buksan para sa franchising. Sa
kasalukuyan, may mahigit sa 300 na itong sangay at patuloy pang dumarami.
3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang
Mabigyang-buhay ang Karanasan (Sansazione).Tumutukoy ito sa tamang
paggamit ng mga pandama, sapamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
Halimbawa, hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi nang katawan upang
isakatuparan ang tunguhin.

Halimbawa: Hindi naging hadlang ang pagiging bulag ni Maria Gennett Roselle
Rodriguez Ambubuyogupang maisakatuparan niya ang kaniyang pangarap sa buhay.
Hindi matatawaran ang pagpapamalas niya ng kagalingan. Bilang patunay, iba’tibang
parangal ang kaniyang natanggap.Bukod dito, madalas din siyang imbitahin bilang
tagapagsalita sa mga iba’t ibang pagtitipon. Sa kasalukuyan si Bb. Ambubuyog bilang
Product & Support Manager ng Code Factory, S.L. sa Barcelona, Spain, ang
nangungunang tagapagtustos ng screen-reading, magnification at Braille access
solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang mobile devices tulad
ng cell phones at personal digital assistants (PDAs.)
4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato). Ito ang pagiging
bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi
pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o
kahulugan. Ang pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay
mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao. Isang halimbawa nito
ang mga katutubong tagahabi ng T’nalak (hibla ng abaca) mula sa Lake Sebu,
Cotabato. Ang mga disenyo ng kanilang mga produktong bag, damit, wallet, at wall
hanging ay mula sa kanilang panaginip. Itinuring ng mga manghahabi na isang
espiritwal na gawain ito -- kaya mahalaga ang kanilang mga sakripisyo (tulad ng
pag-aayuno) habang binubuo nila ang disenyo sa mga hibla ng T’nalak. Si Lang
Dulay, itinuring na Master Weaver ng mga dream weaver na ito, ay nagkamit ng
Parangal na GAMABA (Gawad Manlilikha ng Bayan) dahil sa mga pagsasanay na
pinamunuan niya para sa mga dream weaver na ginagawa sa itinayo niyang
paaralan, Manlilikha ng Bayan Center.

5. Ang Paglalapat ng Balanse saSining, Siyensya, Lohika at Imaginasyon


(Arte/Scienza). Ito ang pagbibigay-halaga nang may balanse paghahanap sa
kagandanhan (beauty) at katotohanan (truth) gamit ang sining (art) at siyensya
(science). Mahalaga ang paggamit ng imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan
ng mapanuring pag-iisp.

Halimbawa: Angpagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal ay isang paraan sa agham


at sining upang makabuo o makalikha ng produkto o alin mang proyekto na
makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa tao. Si Dr. Rafael D. Guerrero ang
nagpasimula ng “Vermicomposting Science and Technology”sa bansa atsa Timog
Silangang Asya. Inilahad niya ang unang pananaliksik na ginawa niya sa Charles
Darwin Centenary Symposium on Earthworm Ecology sa Inglatera noong 1981,
bilang isa sa 150 na mananaliksik sa buong mundo. Kilala rin siya bilang may
natatanging kaalaman savermineal production sa buong mundo. Bukod sa mga
nabanggit, marami pa siyang ginawang pananaliksik na naging daan upang maging
tanyag siya sa kaniyang larangang pinili. Ang pinakahuli sa kaniyang mga nagawa ay
malaking tulong sa mga magsasaka upang magamit muli ang mga farm waste. Lubos
itong nakatutulong sa pagpigil ng curbing pollution, emission of carbon dioxide, at iba
pang greenhouse gases na nagpalala sa global warming.
6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita). Ito ang
tamang pangangalagasa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang
pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na
nakakasama sa katawan.
7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione). Ito ang
pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga
pangyayari sa isa’t-isa. Ayon sa Law of Ecology: “Everything is connected to
everything else.” Ang mga halaman ang nagbibigay ng oxygensa lahat ng uri ng
mga hayop kasama ang mga tao. Sa kabilang banda, tao at hayop naman ang
naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng
pagkain.

Halimbawa: Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa hayop, puno at mga


halaman. Bilang kapalit at dahil bahagi din ang mga ito sa kaniyang
kapaligiran,pinangangalagaan ng tao ang mga hayop, puno, at halaman.
8. Wastong Pamamahala sa Paggamit ng Oras at Prioritisasyon ng mga Tungkulin.
Ang pamamahala sa oras ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibong paggamit
nito sa paggawa. Sa pamamagitan nito tataas ang produktibidad, pagkamabisa,sa
kagalingan mo sa paggawa at makapaglaan ka pa ng oras sa pamamahinga,
paglilibang at pagkakawanggawa. Ang kakulangan naman nito ay maaaring
magdulot sa iyo ng kabiguang umabot sa dedlayn, hindi mabuting daloy ng
paggawa, mababang kalidad ng trabaho, hindi magandang reputasyon sa
paggawa, pagtigil ng karera, o di kaya ay mataas na lebel ng tensiyon.

Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras, kailangan


maisabuhay ang mga hakbang ng wastong paggamit nito:
a. Pagtakda ng Tunguhin sa Paggawa, Prayoritisasyon at Pag-iiskedyul.
Mahalagang alamin mo ang iyong patutuguhan, makikita kung ano talaga ang
gawaing kailangang gawin at tapusin at ang angkop na pagkasunod-sunod ng
mga ito.

b. Pagsimula at Pagtapos sa Tamang Oras. Nangangailangan ng pagpupunyagi,


maingat na pagpaplano, at patuloy na pagtutulak ng sarili upang makaahon tayo
sa nakasanayan nating ugali na hindi paggawa ng gawain sa tamang oras.
Panahon na upang tayo ay gumising, bumangon, at simulang gawin ang
kailangang pagbabago sa paggamit ng oras. Kamtin natin ang mas mataas na
layunin - ang magawa nang mabuti ang lahat ng ating mga gawain at tapusin ang
mga ito hindi lamang sa takdang oras kundi bago pa matapos ang itinakdang
oras.

c. Pamamahala sa Pagpabukas-bukas. Ang pagpabukas-bukas ay ang puwang


mula sa oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras
ng iyong paggawa. Ang puwang ng oras na ito ay siya na sanang kukumpleto o
tatapos sa bagay na iniiwasan o ipinagpapaliban mong gawin. Makabubuting
alamin at unawain ang mga sirkumstansiya at mga dahilan ng iyong
pagpabukas-bukas nang sa ganun ay mapamahalaan mo ito.

Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay


kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay
bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may
kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa Diyos. Ganito ang kuwento ng buhay nina
Vic at Avelyn Garcia. Ayon sa kanila, wala nang hihigit pa sa hatid na kaligayahan kapag
ang isang gawain ay inialay sa Kaniya. Hindi kailanman mararamdaman ang pagod, at unti-
unting masusumpungan mo ang damdaming para kang nasa langit, lalo na kung bahagi ng
iyong kinikita ay ibinabahagi mo sa mga nangangailangan. Minsan nang naibahagi sa700
Club ang susi sa tagumpay kung saan sila nagsilbing Career Coach at Motivational Speaker
II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong


pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob (EsP9KP-IIIb-11.3)
 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa
at wastong pamamahala sa oras (EsP9KP-IIIb-11.4)

III. Pamamaraan:

B. Simulan:

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin tungkol sa Kagalingan sa Paggawasa
itaas.
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa?
1. Subukin ang lalim ng iyong naunawaan.
2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
a. Ano-ano ang mga katangian at kakayahang nabanggit sa babasahin?
b. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga katangian at kakayahang ito? Pangatwiranan.
c. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kakayahang ito? Patunayan.
d. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa nang may wastong pamamahala sa paggamit ng
oras sa pagkamit ng kabutihang panlahat? Patunayan gamit ang mga halimbawa.

B. Alam mo Ba:
Gawain 3b: Pagninilay
Panuto: Sumulat ng pagninilay sa iyong papel tungkol sa mga konseptong nakapukaw sa
iyong kaalaman na maaaring makatulong sa pagkamit ng iyong kaganapan sa buhay.
Gabay mo ang talahanayan sa ibaba.

Ano-anong hakbang
Ano ang aking
ang aking gagawin
Ano -ano ang konsepto pagkaunawa at
upang mailapat ang
at kaalamang pumukaw reyalisasyon sa bawat
mga pang-unawa at
sa akin? konsepto at kaalamang
reyalisasyong ito sa
ito?
aking buhay?

C. Bumahagi:
Gawain 4a: Paghihinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at
babasahin? Gabay mo ang Mahalagang Tanong sa simula ng modyul na ito. Isulat ito sa
iyong kuwaderno.
kaloob kagalingan pamamahala paggawa Diyos
talentong sarili oras ekonomiya paglilingkod

Kailangan ang __________ sa _________ at ____________ na may wastong


_____________ sa _____ upang maiangat ang ______, mapaunlad ang __________
ng bansa at mapasalamatan ang ______ sa mga _________ Kaniyang _______.

Gawain 4b: Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto tungkol sa Kagalingan sa Paggawa sa aking

pag-unlad bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto tungkol sa
Kagalingan sa Paggawa?

D. Gawin Mo:
Gawain 5: Pagganap
Panuto:
1. Magsagawa ng isang panayam sa iyong mga magulang tungkol sa isang kamag-anak o
isang taong kilala nila na naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa mayroon itong
kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.
2. Sumulat ng isang sanaysay o artikulo na may pagninilay na naglalahad ng kinalabasan ng
iyong panayam.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:
1. Natutukoy ang isang taong nagsasabuhay ng kagalingan sa pagggawa at ng wastong
pamamahala sa oras
2. Natutukoy ang mga tiyak na hakbang na sinunod ng taong ito sa kaniyang paggawa
3. Malinaw at makatotohanan ang sinulat na sanaysay o artikulo
4. Nilakipan ng mapanuring pagninilay

Karagdagang Gawain (Proyekto)


Gawain 6: Pagsasabuhay 1
Panuto:
1. Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa mga talento, kakayahan, at
biyayang ipinagkaloob Niya sa iyo na makatutulong upang magtagumpay ka sa buhay
para sa iyong sarili, pamilya at sa bansa.
2. Isulat ito sa isang short bond paper na may desinyo ang margin at ipasa sa iyong guro
pagkatapos ng aralin.
3. Pagkatapos maibalik ng guro sa iyo ang liham na ito, idikit ito sa lugar ng bahay kung
saan lagi mo itong makikita at mababasa bilang panalangin mo bago ka matulog sa gabi.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Nakabubuo ng liham ng pasasalamat sa Diyos
2. Angkop at malinaw ang mensahe at mga salitang ginamit sa liham ng pasasalamat sa
Diyos
3. Natutukoy ang mga tiyak na mga talento, kakayahan, at biyayang ipinagkaloob ng Diyos
4. Malinis at maayos ang pagkasulat at ang pagkagawa ng desinyo sa margin

lV. Reflection: (lsulat ang iyong natutunan)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________.

V. Mga Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig


City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.


Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National Training of
Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao, Guimaras Province, May 6,
2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and Finalization of the
OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September 26, 2017.

VI. Susi sa Pagwawasto:

Depende sa sagot ng mga bata.

Inhanda ni:

JOAN Q. MACAIRAN
SST-III
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
PINABACDAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinabacdao, Samar

Pangalan ng mag-aaral:_________________ Baitang:_______ Seksyon:________

Paaraalan : __________________________ Petsa:______________


Kwarter 3: Week 5

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok


Pamagat
I. Panimula:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Naniniwala ka ba na mahirap ang buhay? Marahil ay madalas mong marinig ito sa mga taong nakapaligid sa
iyo, hindi ba? Ngunit ikaw ano ang pananaw mo ukol dito? Sa pagpapatuloy ay nais kong ipabasa sa iyo ang
isang tula upang mas lalo mong mapagnilayan ang babasahin.

Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,


Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay;
Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
“Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”

Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin,


Kasipaga’y isagawa at itanim sa damdamin;
Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtin
Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin.

Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal


Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal;
Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal
Ay sandatang pananggalang… pamuksa sa kahirapan.

Paalala’t pagunita sa diwa mo, kabataan...


Sa tuwina’y isaisip, sana’y laging tandaan:
“Kasipaga’y ugaliin at gawin mong pamantayan
Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran.”

Napakaganda ng tula, hindi ba? Ano ang iyong naging kaisipan matapos mong mabasa ang tula? Nakita mo ba
ang kabutihang dulot nito sa iyo, sa iyong kapuwa at sa
lipunan? Ito ay nagpapakita na ang kasipagan ay dapat isaisip, isapuso, at isagawa ng bawat isang nilikha.
Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin kailangan natin ang kasipagan. Kung walang sipag
ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya’t kaakibat ng sipag ay tiyaga na kung wala ang mga
ito, mahihirapan ang tao na makaahon sa buhay na ito.

Ano nga ba ang kahulugan ng kasipagan? Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o
tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay tumutulong
sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya,
katapatan, integridad, disiplina, at kahusayan na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang lipunan.

Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao. Nagagamit niya ito
sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kapuwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong
siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi


nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang
buong kakayahan, lakas, at panahon upang matapos niya ito nang buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng
kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang
kaniyang puso sa kaniyang ginagawa – ibig sabihin, naroroon ang kaniyang malasakit.
Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi sinisigurado
niyang may kalidad ito.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang
gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kaniya. Ito ay ginagawa niya nang maayos at
kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na
niya kailangan pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang
gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang
kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng mas maraming biyaya sa mga taong nagtataglay ng
ganitong katangian.

Lahat ng tao naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi
pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas maganda o magiging sagana ang ating buhay mas
magkakaroon pa tayo ng higit na pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapuwa. Mahalaga sa tao
ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang bukas. Kung ikaw ay masipag
sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka. Kung ang isang empleyado ay masipag siya ay kikita at aasenso. At
kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan makakamit niya ang buhay na walang
hanggan. Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa nang may kabutihan ang magpapaunlad sa ating
bayan.

Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa
isang gawain, hanapbuhay, o trabaho. Ang katamaran ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay
magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayawtumanggap ng gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay
umaayaw na siya. Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa.
Kadalasan, hindi niya natatapos nang maayos ang isang gawain. Kung kaya’t dapat na puksain natin ang
katamaran at huwag itong bigyan ng puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa
ating kinabukasan.

Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang iyong kasipagan sa
iyong gawain. Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na makararamdam ka ng hirap, pagod
ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na problema ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi
dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay karuwagan.

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan
ang naimpok (EsP9KP-IIIe-12.1)

III. Pamamaraan:
A. Simulan:
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1.Ano ang kahulugan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok?
2.Bakit mahalaga na ito ay taglayin ng lahat ng tao? Ipaliwanag.
3.Ano-ano ang indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan, pagpupunyagi, pagiging matipid at wastong
pinamamahalaan ang naimpok?
4.Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa trabaho?
5.Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan na linangin ito sa kaniyang sarili?
Bakit? Ipaliwanag.

B. Alam mo Ba:
Panuto: Sagutin ng mga tanong sa nakapaloob sa talahanayan upang lubusang
mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.

Ano-ano ang konsepto at kaalaman Ano ang aking Ano-ano ang hakbang na aking
na pumukaw sa akin? pagkaunawa at gagawin upang mailapat ko ang
reyalisasyon sa bawat mga pang-unawa at
konsepto at kaalamang reyalisasyong ito sa aking
ito? buhay?
1. Pagiging masipag

2. Pagpupunyagi

C. Bumahagi:
Panuto:Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis atdeterminasyon.
A. Katatagan B. Pagsisikap C. Pagpupunyagi D. Kasipagan
2. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
B. Angpera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
C. Ang pera ay tumutulong na maramdaman ng tao ang kaniyang seguridad sa buhay.
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan na maging maayos ang
kaniyang buhay.
3. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin
walang humpay; Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay
nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.
B. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa.
4. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tunay na kahulugan ng kasipagan?
A. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
B. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain.
D. Tumutulong sa tao na malinang ang tiwala sa sarili, mahabang pasensiya,
katapatan, integridad, at disiplina sa sarili
5. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa
B. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili
C. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan
D. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina sa sarili.
6. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa
anomang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Rose ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anomang gawain
na ipinapagawa sa kanya ng kaniyang ina.
B. Si Jay-R na masipag mag-aral at sa tuwing nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
C. Si Pauline ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing
bahay. Siya ay gumagawa nang may pagkukusa.
D. Si Sally na sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan ay sinisiguro niya na
matapos ang mga ito nang maayos at may kalidad.
7. Si Rosette ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at
sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Anong palatandaan sa
kasipagan ang taglay ni Rosette?
A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
B. Hindi umiiwas sa anomang gawain
C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
8. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka
makaimpok ng pera upang hindi ka na hihingi sa iyong mga magulang?
A. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw
B. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess
C. Magpalibre sa mayayaman na kaklase
D. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba
9. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?
A. Ang hindi pag-iwas sa anomang gawain
B. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain
10. Wala ng mga magulang si Jose at nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ano ang
dapat gawin ni Jose upang maipamalas ang taglay na kasipagan?
A. Magsipag sa pag-aaral
B. Magmalasakit sa anumang gawain sa bahay
C. Tutulong sa mga gawaing bahay kapag inuutusan
D. Kahit mahihirapan, tapusin ang pag-aaral at maghanap ng mabuting paraan
upang matustusan ito

D. Gawin Mo:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto tungkol sa Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto tungkol sa
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok?

lV. Reflection: (lsulat ang iyong natutunan)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________.

V. Mga Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig


City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.
Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

VI. Susi sa Pagwawasto:

Depende sa sagot ng mga bata.

Inhanda ni:

JOAN Q. MACAIRAN
SST-III

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
PINABACDAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinabacdao, Samar

Pangalan ng mag-aaral:_________________ Baitang:_______ Seksyon:________

Paaraalan : __________________________ Petsa:______________

Kwarter 4: Week 1
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik, Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Desinyo, at Sports
Pamagat
I. Panimula:
Ano ang pangarap mong buhay sa hinaharap? May naiisip ka na bang trabaho o
propesyon balang araw? Ano ang naging batayan mo sa pagpili? Upang lalo pang
mapalawak ang iyong kaalaman sa tamang pagpapasiya para sa minimithing
buhay sa hinaharap makakatulong ang pagsasagawa ng Job Analysis.

Ang Job Analysis ay ang pagsusuri kung ang mga propesyon trabahong teknikal
bokasyonal o negosyo na kasama sa tinatawag na Key Employment Generators ay
tugma sa iyong minimithi at sa mga personal o mga pansariling salik tulad ng mga
hilig o interes, kakayahan, pagpapahalaga at kasanayan.
Upang lalo pang mapalalim ang kaalaman tungkol dito suriin ang tsart na ito.

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:


Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at
naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
palakasan o negosyo

III. Pamamaraan:
A.Simulan:
MGA INAASAHAN PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang at
isulat sa patlang.

Job Analysis Career Path Michael Driver


Steady state Transitory Spiral

_____ 1. Ito ay career path na nangangailangan ng panghabambuhay na


pananatili sa isang trabaho.
_____ 2. Tumutukoy sa pagsusuri kung ang mga propesyon, trabahong teknikal
bokasyonal o negosyo na kasama sa tinatawag na Key Employment Generators ay
tugma sa iyong minimithing uri ng pamumuhay.
_____ 3. Isang mahusay na Professor na siyang nag-aral at naglarawan sa ibat
ibang uri ng career path.
_____ 4. Ito ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang
trabaho at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay.
_____ 5. Ang uri ng career path na ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago at karaniwang
naghahanap ng sari-saring karanasan sa kaniyang propesyon.

B. Alam mo Ba:
Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa mga salik sa pagpili ng
tamang track o kurso.
T K R E D M X Y Z A Y S A
A Z A G F H I I K M N J K
L D F S V B N T M Z Q W R
E F K U A H M R H I L I G
N V H A C N N S W I O C M
T B N E B I A T X F I Y K
O N M I D J O Y Y H M N U
V M O O F K P U A P V B G
B J U U G L Q V Z N Z M N
P A G P A P A H A L A G A

C. Bumahagi:
PAGSUSURI NG NAPILING TRABAHO
JOB TITLE Hal: Administrative Assistant
Accounting

Mga Gawain o Tasks


-Ilarawan ang mga Gawain (work Maintaining financial records,
activities) at mga responsibilidad (task) processing accounts payable for
kaugnay ng trabaho payment, performing work force
including benefits processing for new
employees.
Paglalarawan ng kalagayan at Balance accounts on computer, prepare
konteksto ng trabaho (Halimbawa, payroll, financial documents and other
panahon ng pagbiyahe, kinakailangan reports
ba ng kompyuter, telepono etc.,
humaharap sa kliyente at iba pa)

● Graduate of BS Accountancy
● With at least 2 year work
experience as Accounting Clerk
● With Computer skills
● Hardworking, flexible, willing to be
trained

Gamit ang tsart sa itaas bilang gabay, bumuo ka ng Tsart ng Pagsusuri ng Napiling
Trabaho o (Job Analysis)

Pagsusuri:
1. Tugma ba ang iyong mga hilig, pagpapahalaga at pananaw sa paggawa sa
mga kinakailangan sa trabahong napili mo?

_____________________________________________________________________
2. Ano-anong pag-aaral at pagsasanay ang kailangan para sa trabahong ito?

_____________________________________________________________________
D. Gawin Mo:

MGA PAGSASANAY
CAREER PATH
Panuto: Isaayos ang sumusunod na hakbang sa pagpaplano ng karera o uri ng
buhay na minimithi. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.

_______ Magtakda ng mithiin. (short term at long term goal)


_______Tingnan ang talaan ng mga pamimiliang kurso o negosyo at kumalap ng
impormasyon.
_______Pumili ng kursong sa iyong palagay ay mabuti para sa iyo.
_______ Kilalanin ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso o Negosyo.
_______ Magsiyasat tungkol sa mga kursong akademiko, teknikal bokasyonal o
negosyo na naaayon sa iyong natuklasan tungkol sa iyong pansariling salik sa
pagpili ng kurso o negosyo.

lV. Reflection: (lsulat ang iyong natutunan)


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________.

V. Mga Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, 2017 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul 6 para sa Mag-aaral. Pilipinas
Bloombooks Inc.

VI. Susi sa Pagwawasto:


Depende sa sagot ng mga bata.

Inhanda ni:

JOAN Q. MACAIRAN
SST-III

You might also like