You are on page 1of 3

Pagsulat ng iba’t ibang Uri ng Paglalagom

Lagom – ito ang pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

Mga Kasanayang Mahuhubog sa Paglalagom


■ Natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
■ Natututuhang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.
■ Nahuhubog ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat lalo na sa paghabi ng mga pangungusap sa
talata.
■ Nakatutulong sa pagpapaunlad/ pagpapayaman ng bokabularyo.

Uri ng lagom
1. ABSTRAK
- Karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko o
lektyur.
- Pinakabuod ng akdang akademiko.
- Kadalasan nakikita ito sa unahan pagkatapos ng pahina ng pamagat.

Uri ng Abstrak
DESKRIPTIBO IMPORMATIBO
■ Pangunahing ideya ng teksto ■ Mahahalagang punto ng teksto
■ Binibigyang-pansin ng kaligiran, ■ Binibigyang-pansin ng kaligiran,
layunin at paksa ng papel. layunin at paksa ng papel, metodolohiya,
■ Kuwanlitatibong pananaliksik resulta at kongklusyon.
■ Kuwantitatibong pananaliksik.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikitasa kabuoan ng papel.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap.
4. Maging obhetibo sa pagsulat.
5. Gawing maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang
nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahin muli ang buong papel.
2. Hanapin at isulat ang pangunahing ideya.
3. Buoin gamit ang mga talata.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

2. SINTESIS/BUOD
■ Nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ibig sabihin ay put together o combine (Harper 2016)
■ Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
■ Sa pagsulat ng buod ay mahalagang masagot ang mga sumusunod: Ano? Sino? Kailan? Saan? Bakit?
Paano?

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Buod:


1. Gumamit ng ikatlong panauhan.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at suliranin.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sanggunian.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod


1. Basahing Mabuti ang buong seleksyon o akda.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4. Maging obhetibo.
5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan.
3. BIONOTE
■ Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
■ Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa.

Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote


1. Sikaping maisulay lamang ito ng maikli.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.
5. Basahing muli at maling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.

You might also like