You are on page 1of 62

QUEZON COLLEGES

OF THE NORTH, INC.


Rizal St. Brgy. Centro East, Ballesteros,
Cagayan Valley, Philippines 3516

COLLEGE OF BUSINESS
A D M I N I ST R AT I O N
QUEZON COLLEGES OF THE NORTH, INC.
COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
212 Rizal St. Centro East, Ballesteros, Cagayan
Powered by:
Lektura 1.1: Pampinid na
Lektura - Filipino Bilang
Core Sabjek sa Bagong
General Education
Curriculum
CHED Memo no. 13 s. 2020
Isulong?
Ibasura?
Rebyuhin?
Pag-aralan natin
ang Grapikong
Larawan (Graphic
Organizer)!
Makatutugon ka
ba?
GLOBALIZATION
Paghahanda ng mga mag-aaral sa demand ng ika-
21 siglo. Iniaagapay ang GE Curriculum sa
pangangailangan kuno ng mga mag-aaral upang
sila’y maging globally competitive kaya minarapat
na alisin ang Wika at Panitikan at isinaalang-alang
ang ibang suheto na makatutugon sa ika nila’y 21st
century skills.
DEREGULATION
Walang sapat at malinaw na gabay at panuntunang inilabas
ang CHED hinggil sa isyung pagtatanggal ng suhetong Filipino
at kung papaano ipatutupad ang bagong GE curriculum sa
kolehiyo. Naisantabi ang mga propesor at dati nang guro sa
Filipino hinggil sa usaping pagpapanatili ng lakas kaguruan
kung sila ba ay matatanggal sa serbisyo o ililipat sa mataas na
edukasyong sekundarya (senior high school) na kung
titimbangin ay hindi ito magiging patas para sa kanila.
DEREGULATION
Ayon nga sa UP Departamento ng Filipino, dahil nga sa
hindi na core sabjek ang Filipino, ang mga asignaturang
may kinalaman sa lipunan, wika, at kultural ay
maaaring ituro sa wikang Ingles o Filipino subalit hindi
binanggit kung paano ang hatian ng mga ito kaya’t
nakita itong hindi episyente at pagmumulan lamang ng
gitgitan ng mga propesor at guro ng mga Linangan.
LIBERALIZATION
Aniya CHED, kailangang bukas ang isipan ng
mamamayan hinggil sa pagtatanggal ng Filipino sa
kolehiyo at lalong pagtuonan ang higit na paglinang
sa mga mag-aaral sa mga medyor na asignatura o
disiplina. Sa CHED memo, isinaad na maaaring
ituro ang mga core subject sa wikang Filipino o
Ingles.
INTERNATIONALIZATION
Tinitingnan ang Filipino bilang wikang lokal
lamang sa Pilipinas at hindi bilang internasyunal
na wika. Iniaagapay ang GE Curriculum sa
pangangailangan ng mga mag-aaral bilang
pagtupad sa itinatakda ng K+12 Curriculum na
lahat ng gradweyt sa kolehiyo ay makikilala sa
international arena.
NEOLIBERALISM
Pagbibigay-pagkakataon sa mga kolehiyo at
unibersidad na magdesisyon kung pananatilihin
ang Filipino sa Curriculum na pinaiiral nito na
ayon sa isang dalubwika ay maliwanag na
pagpatay sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
PRIVATIZATION
Papayagan ang mga pribadong paaralan na
magkaroon ng mga institutional courses
(maaaring idagdag dito ang Filipino) subalit
dapat ito ay liberal in nature gayundin.
MARKETIZATION OF EDUCATION
Ibinababa ang mga suheto hinggil sa wika at
panitikang Filipino at yaon lamang mga major
subjects ang pagtutuonan ng pansin sa
kolehiyo.
CHED Memo no. 13 s. 2020
Isulong?
Ibasura?
Rebyuhin?
QUEZON COLLEGES
OF THE NORTH, INC.
Rizal St. Brgy. Centro East, Ballesteros,
Cagayan Valley, Philippines 3516

COLLEGE OF BUSINESS
A D M I N I ST R AT I O N
Lektura 1.2: Introduksiyon sa
Sining ng
Pakikipagtalastasan
Sa iyong palagay, ano ang
pakikipagtalastasan?
Ang salitang
pakikipagtalastasan ay galing
sa salitang-ugat na “talastas”
at panlaping “pakikipag-an”
Ang pakikipagtalastasan ay isang
proseso ng pakikipagpalitan ng
impormasyon na kadalasang
ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo
o interaksiyon ng tao sa isa’t isa.
Ano naman ang kahulugan
ng komunikasyon?
Ang komunikasyon ay galing sa salitang
Latin na “commūnicāre”!
• Ito ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng
kahulugan batay sa sistema ng mga senyales
at batas semiyotiko.
• Ang komunikasyon ay pagpapahayag,
pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan, isang
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.
Gaano nga ba kahalaga ang
pakikipagtalastasan?
Ano kaya ang ugnayan ng
Wika, Kultura, Lipunan, at
Pakikipagtalastasan?
Lektura 2.1: Ang Wika at
Pakikipagtalastasan
Pilipino si Juan. Filipino ang
lingua franca niya. Nagsalita
siya ng wikang tagalog.
Taga-saan siya?
Ano ang wika?
Ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Tunay
ngunit hindi kasangkapang mekanikal at
kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagdala ng
mga ideya. Naiimpluwensiyahan nito ang ugali
ng tao, ang isip at damdamin. Ang wika ay
instrumento ng paglikha ng makabuluhan at
malikhaing pag-iisip.
Kahulugan ng wika ayon sa
mga dalubwika
HENRY ALLAN GLEASON, JR.
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitaryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
EDGAR STURTEVANT
Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong
simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng
mga tao.
HUTCH (1991)
Ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang
pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng
tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika.
OTANES (1990)
Ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang
paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
na idudulot sa mag-aaral na matutuhan ang wika
upang makapaghanap-buhay, makapamuhay sa
kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan
ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.
RONALD WARDHAUGH
Ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa
kasarian ng taong gumagamit nito.

HUDSON
Nakasalalay ang wika sa mga karanasang
natatangi sa isang nilalang.
BASIL BERNSTEIN
Ang lipunan ang nagsisilbing batayan ng wika sa
tulong ng mga kodang binuo ukol dito.

LEE WHORF
Binubuo ang wika ng mga payak na salitang
nalilikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa
kanyang kapaligaran.
NAOM CHOMSKY
Ang kahusayan sa pagtimpla sa tunog ng
kapaligiran ang nakapagpahusay sa kasanayan
sa wika.

ARCHIBALD HILL
Pinakapangunahing katangian ng wika ang
gumagamit ng mga simbolo.
Batay sa mga depenisyong
nakalahad, matatawag bang
komunikasyon ang pakikipag-
usap sa sarili?
Himayin natin ang naging
pagpapakahulugan ni
Gleason hinggil sa wika.
“Ang wika ay isang masistemang
balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.”
MASISTEMANG BALANGKAS
Ang wika ay may dalawang masistemang
balangkas. Una, ang balangkas ng mga tunog at
pangalawa, ang balangkas ng mga kahulugan.
Ang wika ay may tiyak na dami ng tunog na
napagsasama-sama sa isang sistematikong
paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit
gaya ng salita, parirala, at/o pangungusap.
SINASALITANG TUNOG
Maraming naririnig na tunog sa paligid subalit
hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay
maituturing na wika sapagkat hindi nabubuo ang
mga tunog na ito sa pamamagitan ng mga
sangkap ng pagsasalita kaya sinasabing ang wika
ay ang sinasalitang tunog. Sa madaling sabi, iyong
mga tunog lamang na nalilikha ng speech organ
(ng tao) ang bahagi ng wika.
PINILI AT ISINAAYOS SA PARAANG ARBITRARYO
Ang tunog na sinasalita ay pinili para sa
layunin ng mga gumagamit. Pinili at isinaayos
ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
UPANG MAGAMIT SA KOMUNIKASYON
Ang wika ay behikulo ng talastasan o
komunikasyon ng dalawa o higit pang taong
nag-uusap. Ginagamit nila ang wika upang
ipahayag ang kanilang pangangailangan,
damdamin sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
pagkakataon.
Katangian ng Wika
Ang wika ay masistemang balangkas.
Sistematikong paraan ang pagsasaayos ng
tunog o mga tunog upang bumuo ng
makabuluhang yunit gaya ng salita, ng parirala,
ng pangungusap o ng isang diskurso.
Ang wika ay sinasalitang tunog.
Ang wika ay sinasalita. Ang paraang pasulat at
simboliko ay representasyon lamang ng mga
tunog na sinasalita.
Ang wika ay komunikasyon.
Ito ay behikulo ng pakikipagtalastasan ng
dalawa o higit pang taong nag-uusap. Gamit
ang wika upang ipahayag ang damdamin, ang
iniisip, ang nadarama, at pangangailangan ng
tao.
Ang wika ay pantao.
Napag-aralan ng isang tao na salitain ang
isang wika, ang wika ng ibang pangkat etniko.
Nagagamit ang wika sa pag-uusap tungkol sa
kanyang opinyon. At dahil sa ang wika ay may
sistema, maaaring matutuhan ng isang tao ang
ibang wika o ang wika ng ibang pangkat etniko
o pangkat kultural ng ibang lahi at lipi.
Ang wika ay kaugnay ng kultura.
Ayon kay Pineda, taglay ng wika ang kultura ng
lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang
isang kultura ay naipahahayag ang matapat at
likas sa wikang kakambal ng naturang kultura.
May sapat na wika o mga salitang pantawag sa
bawat gawain, pamumuhay, at kultura ng tao.
Ang wika ay natatangi.
Bawat wika ay may sariling set ng mga
makabuluhang tunog, mga yunit panggramatika,
at sariling sistema ng palabuoan ng mga salita
at palaugnayan nito. Walang dalawang wika na
magkatulad na magkatulad. Maaaring sabihing
may mga wikang magkahawig subalit walang
dalawang magkatulad sa lahat ng aspekto.
Ang wika ay malikhain.
May kakayahan ang anomang wika na
makabuo ng walang katapusang dami ng
pangungusap. Ang isang taong maalam ng
isang wika ay makapagsasalita at makabubuo
ng iba’t ibang pahayag at makauunawa ng
anomang marinig o mababasang pahayag sa
kanyang wika.
Ang wika ay patuloy na nagbabago.
Nagbabago ang sistema ng pagsulat at ang
palabaybayan. Kailangan ang pagbabago sa
wika upang makaangkop sa mabilis na takbo
ng buhay dulot ng agham at teknolohiya.
Tungkulin at Gamit ng Wika
M.A.K Halliday (1973)
Pang-interaksyunal

Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag- ugnayan


siya sa kapwa upang mapanatili ang kanyang
relasyong sosyal.
Pang-instrumental

Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa upang


matamo ang ating mga pangangailangan.
Naisasagawa natin ito sa pamamagitan ng
pakikiusap pag-utos sa ating kapwa.
Pangregulatori

Ginagamit ang wika upang magbigay ng


direksyon, paalala o babala. Maaaring
mapakilos ng tao ang kanyang kapwa sa
mabisang paggamit ng wika.
Pampersonal

Bilang isang indibidwal, naipapakita ng tao ang


kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
at konsepto sa mga bagay-bagay sa kanyang
paligid.
Pang-imahinasyon

Wika ang instrumento sa paglalarawan o


paggamit ng imahinasyon sa malikhaing
paraan upang maipahayag ang sarili.
Ginagamit din ito sa paglikha ng mga
malikhaing akda katulad ng tula at maikling
kwento.
Pang-impormasyon

Sa pamamagitan ng wika, nakakakuha at


nakapagbibigay ng impormasyon sa lahat. Dahil sa
teknolohiya, madali na lamang makakalap at
makapagkalat nh impormasyon sa internet sa
ngayon. Ginagamit ang wika upang makapagturo
ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan o
disiplina.
Heuristik o Akademik

Instrumento ang wika upang matutong makamit


ang mga kaalamang akademiko at matamo ang
anumang propesyon. Nalilinang dito ang
kasanayang magsuri, mag-eksperimento,
magbigay-kahulugan mamuna at iba pang
kasanayan sa pag-iisip pang-akademiko.
MARAMING SALAMAT
AT LAGING MAG-INGAT

You might also like