You are on page 1of 7

Careen POV

Ang sarap pagmasdan ng sunrise mahal no? Sabi nila ang sunrise daw ang simbolo ng pagsisimula but
here I am planning to end my life. How Ironic.

"Mahal"...

"Mahal"...

"Mahal"...

"Sevy. Ilang beses ba kita tatawagin para sumagot ka?" Mahina kong sabi.

"Kamusta naman yung view mo diyan mahal? Maganda ba? Ang daya mo naman eh. Dati katabi kitang
nanunuod nito ngayon ako nalang magisa. Mas maganda siguro manuod galing diyan sa taas mahal no?
Dibale, konting minuto na lang makikita na kita... "

Maya-maya may biglang bumatok sakin.

"Aray ha!"

"Ano na namang iniimagine mo ha? Wait. Hulaan ko, namatay yung bidang lalaki ?". Ani Sevy

Yes po. Ilusyon ko lang yun bwahahahahaha. Ang galing ko diba?

"Hala mahal. Ang galing mo naman. Pano mo nalaman?"

"Rinig na Rinig ko. Kanina pa ako andito Di mo ko pinapansin. Bakit pag mga ganyan yung lalaki lagi ang
namamatay. Nakakakilig ba yun?"
"Luh si mahal shunga. Paano namang Nakakakilig yun eh may namatay." Sabi ko sabay irap

"Ano ba kasing kagandahan nun kung Pinapatay mo yung bidang lalaki. Ehdi malulungkot yung babae?"
tanong niya

"Ayun na nga yun mahal. Hindi ko habol yung kilig. Gusto ko lumuluha yung nagbabasa." Natatawa kong
sabi.

"Sinasaktan mo sila. Tapos kapangalan ko pa yung bidang lalaki ". sabi niya sabay talikod.

"Ang o.a mahal ah. Bakit ba sobrang affected ka? Oh sige Nextime supporting role nalang sayo hindi
kana bida. Wag ka ng magtampo mahal." Sabi ko sabay yakap.

"Nako nako. Hindi mo ko madadala diyan sa pagyakap yakap mo karina" sabi niya.

"Ha? Sinong Karina!? . Sigaw ko.

"Ikaw!" sabi niya

"Anong ako eh Careen ang pangalan ko?" tanong ko.

"Mahal tinatawag ko yan sayo. Wag tayong o.a". Sagot niya.

"Ay ounga pala. Sorry hahahahaha" sabi ko

"Baliw!" sabi niya


"Sayo ^_^"

(Smooootthhhhhh)

"Ano yun mahal?"

(Ay hindi nakikinig. Panget kabonding!)

"Wala ng ulit. Di ka nakikinig eh!" sabi ko sabay ta likod sakanya.

Tumalikod ka kanina kaya ako naman ngayon! Hahahhaha.

Maya maya...

"Mahal tara swimming tayo". Aya niya

"Di ako marunong" Sagot ko

"Tara turuan kita". Sabi niya

Konting pakipot pa Careen. Bwahahahahahha

"Hindi. Sige na. Ikaw na lang".


Bwahahaha. Eto na. Last na talaga.

"Sige". Sabi niya

Aba't siraulo to ah. Dapat ilang pilit pa eh. Dun sa mga napapanuod ko nakakalima nga sila eh!

"Ay ganun ah! Sige. Mag swimming ka magisa mo!"

Ikalawang pagtalikod ko na to kaso-----

Natisod po ang nagmamagandang si ako!

"Aray! Waahhhhh!!!!"

Aray ha! Ang sakit pala mafall! Jowk!

"Careen! Anong ingay yan?"

Sabay pasok ng isang babae na mukhang nasa 40 na ang edad at may daladalang siyanse.

"Sino ka! Nasaan ako?! Nasaan si Sevy!?" pa sigaw kong sabi

Ng walang ano ano'y lumipad sa ulo ko ang siyanse.

"Tulog kapa ba ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Pag hindi kapa gumalaw mahuhuli kana sa klase!" sabi
niya
"Klase? Ako? Ha? Bakit? Sino ka nga kasi?"

"Ako bibilang ako ng tatlo pag hindi ka tumigil yung kaldero na ang susunod kong ibabato sayo" sabi niya

"Sino ka nga kasi!"

"Isa..."

"Ano ba!!!"

"Dalawa..."

"Hindi ko nga po kayo kilala!"

Pagkasabi ko nun ay lumabas na siya. Hala. Baka umiyak siya. Tinatanong ko lang naman siya kung sino
siya hindi siya makapagsalita mahirap bang sabihin kung sino si-----

"Aray! Ma!"

Sobrang sakit ng tumamang kaldero kaya naalala ko na siya. Joke lang. Binibiro ko lang talaga si mama.
Pero hindi ata siya natuwa.

"Ano? Kailangan pa ng kaldero para maalala mo ko?" sabi ni mama

"Ito naman si mama. Script kasi naman yun sa school. Sinusubukan ko lang".
"Manahimik kana jan at magayos kana. Ayusin mo nga yang kumot mo nasa sahig na. Hindi naman ikaw
ang naglalaba! Pagkalaki laki ng kama mo nahuhulog kapa. Ano bang ginagawa mo sa panaginip mo ha!?

Pag ikaw nahuli lagot ka sakin hindi na lang kaldero ang tatama sayo. Kilos na!" sabi ni mama

"Si mama ang daming sinasabi". Sabi ko

"Ha!? Ano yun? Sumasagot ka?" tanong niya

"Hindi po. Sabi ko po baka masunog yung niluluto niyo ma". Sagot ko.

"Isa pang balik ko jan asahan mo yung kasunod ng kaldero ha." sabi ni mama sabay punta na sa kusina.

Sumunod na ko kasi baka yung gasul na ang Sumunod. Kawawa naman si mama mabigat yun eh
hahahahaha. Ay hala. Bat ako natawa? Nababaliw na ata ako. Haaayyy. Hindi man lang naging mahaba
yung panaginip ko. Haaay ulet. Pero bat parang totoo yung panaginip ko? Isa pang haayyyy. Ay ewan!
Makapag ayos na nga.

-----------------------------------------------------------------------

A/N : Huhuhuhu. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo o maguguluhan kayo pero sana magustuhan
niyo ㅠㅠ.

Hindi ko pa itutuloy kasi titingnan ko muna kung okay yung magiging reaction niyo sa chapter 1. Let me
know your opinion guys. Im a newbie but Im willing to learn. Thank you ^_^v

(Yung mga nakaitalized words nga pala ay sinasabi niya sa isip niya hehehe)

You might also like