You are on page 1of 4

Trinidad, Ma. Angelica H.

CBET22-503P
Gitnang Pagsusulit – Ikalawang Bahagi

I. Short Story

Laban ng Isang Matatag na Ina

Marso taong 2020 sa lungsod ng Pasay, isang masayang pamilya ang sama –
samang nilalabanan ang pagkabagot sa kanilang tahanan sa gitna ng pandemya. Sabay
– sabay na kumakain, nanonood ng kanilang paboritong pelikula, at masayang nagku –
kwentuhan. Ang pamilya ay binubuo ng ama na si Noel. Siya ay isang gabay tagapayo
sa isang kilalang unibersidad ngunit dahil sa pandemya, siya ay isa sa mga nahinto ang
trabaho. Ang kanilang ilaw ng tahanan naman ay si Edith. Siya ang nangangasiwa sa
kanilang maliit na tindahan. Dito sila kumukuha ng kanilang panggastos sa araw – araw.
Kasama rin nila ang kanilang mga anak na si Andrew at Madel. Si Madel ay may
napakagandang supling na ang pangalan ay Sky. Kasama rin nila rito si Cherry, ang
manugang na babae nila Noel at Edith. Sila ay halimbawa ng masayang pamilya. Walang
problema at nagtutulungan sa kahit anong bagay at problema ang dumating sa kanila.
Isang araw, ang anak ng mag – asawa na si Madel ay bigla na lamang hindi naging
komportable sa kanila. Laging nag – iisa, malalim ang iniisip at tila malungkot ito.

Ilang araw ang makalipas bigla na lamang nagbago ang kaniyang ugali. Ang noon
na malambing at masayahin sa pamilya ay bigla na lamang nagbago. Ito ay ang
pagbabago sa kaniyang karaniwang kilos o kinaugalian. Isang araw ay oras na para
kumain ang buong pamily, nagulat sila dahil bigla na lamang itong nagsisisigaw. “May
lason, may lason. Nilalagyan niya ng lason ang pagkain ko”. “Gusto na niya akong
mawala sa mundong ito”, sambit ni Madel. Nagulat ang pamilya sa sinabi nito at ito ay
nagwala at nagbasag ng mga kagamitan sa kanilang kabahayan. Mahinahon siyang
kinausap ng kaniyang ina. Sinabi nito na hinding – hindi niya kayang gawin iyong
binibintang niya sa kaniyang sariling anak. “Walang magulang ang nais na mapahamak
ang kanilang anak”, ani ng ina. Ngunit patuloy sa pagwawala ang anak. Kinagabihan,
nagkasalubong si Madel at Cherry sa sala. “Anong sinasabi mong hindi totoo tungkol sa
amin ng anak ko?, sambit ni Madel. At sumagot si Cherry, “Hindi ko alam ang sinasabi
mo. Hindi ako ganoon klaseng tao. Mali ang akala mo”. Ngunit hindi ito pinaniwalaan ni
Madel at patuloy na nagsagutan ang dalawa. Kinabukasan ay laking gulat ng pamilya na
hindi nila nadatnan ng umagang iyon si Madel. Ang hinala nila ay naglayas ito kasama
ang kaniyang anak. Tinawagan ng pamilya ang lahat ng kakilala nila na maaaring
nakakaalam sa kinaroroonan nito. Sa araw din na iyon, laking gulat nila ng ito ay umuwi
rin agad bitbit ang mga malalaking bagahe.

Ilang araw at linggo ang makalipas, walang pagbabago ang nangyari kay Madel.
Patuloy pa rin siya sa pagwawala, pag – iilusyon sa mga bagay – bagay at pakikipagtalo
sa mga kasama niya sa tirahan. May isang araw na tumindi ang tensyon sa kanilang
tirahan. Bigla na lamang lumabas ng kanilang bahay si Madel at nagwala ito sa kalsada.
Ang kanilang mga kapitbahay ay nag – aalala na rin tungkol sa kalagayan nito. Tumawag
at humingi na ng saklolo ang pamilya niya sa kanilang barangay na nakakasakop sa
kanilang lugar. Pilit nila itong pinapakalma. Kinakausap ng mahinanahon tungkol sa kung
ano ang dahilan o kung ano ang ugat ng kanilang pagtatalo. Pilit din na pinagbabati ang
mag – ina sa barangay ngunit ayaw ng anak. Nagkausap ang opisyal ng barangay at si
Edith. Nirekomenda ng opisyal na ipatingin nila ito sa isang espesyalista upang malaman
ang tunay na dahilan at kung ano ang nakaka – apekto sa kaniya.

Kinausap at hinikayat ng ama ang kaniyang anak na magpatingin siya sa isang


espesyalista. Pumayag ito at sumama sa kaniyang ama lamang. Habang sila ay nasa
ospital na at kausap na ang doktor, ito ang naging pagsusuri niya. Maaaring siya ay
nakakaranas ng depresyon sa kadahilanang nawalan ng trabaho si Madel matapos na
magabawas ng mga tauhan ang kaniyang pinapasukang barko. Isa pang maaaring
nakaka – apekto sa kaniyang kalagayan ay dahil wala siyang katuwang sa buhay sa
pagpapalaki sa kaniyang anak. Nirekomenda ng doktor na patuloy siyang dalhin sa
kaniyang klinika at binigyan ito ng iba’t – ibang mga gamot tulad ng pampakalma. Sa
paglipas ng mga araw, unti – unting nanunumbalik ang sigla at kaayusan ng lagay ni
Madel. Laking pasasalamat niya rin sa kaniyang pamilya na walang tigil sa pagsuporta,
pag – intindi, pag – aaruga at pagmamahal ang ibinibigay sa kaniya. Patuloy na rin siyang
nakikihalubilo sa mga tao sa kanilang lugar. Makalipas lamang ang ilang buwan ay
namasukan siya sa isang malaking kompanya at nangako sa kaniyang pamilya na babawi
ito sa lahat ng kaniyang mga pagkukulang. Sinabi rin nito na gagawin niya ang lahat ng
kaniyang makakaya para patuloy sa kaniyang paggaling at maging positibo sa buhay. At
masaya na muling ginagawa nang sama – sama ng buong pamilya ang kanilang mga
libangan kasama ito.
II. Poem

Ating Kalakasan ang Inang Kalikasan

Kung minsa’y ang halaga ng isang bagay

Natututunan kapag ito’y nawalay

Lalo kung tayo’y walang kamalay – malay

Sa halaga nitong ating nilulustay.

Madalas pa nga kung ating susuriin

Kung ano pang dapat nating arugain

Ito pang wawasakin o sisirain

Nang makasarili natin na hangarin.

Kung may bibig lamang ang kapaligiran

Siguro’y malamang nitong ituturan

“Ako naman ay sana pakaingatan,

Taglay ko ang inyong pangangailangan.”

Ituon natin ang oras sa ating kalikasan

Dahil siya ang tangi nating kalakasan.

Nawa’y ‘wag pairalin ating kasakiman,

Sapagkat siya ang sagot sa ating kaligtasan.

You might also like