You are on page 1of 4

2nd Quarter

SUMMATIVE TEST #1
FILIPINO 1

Pangalan: _________________________________________________
Panuto: Basahin at intindihin ang kuwento. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Si Mang Carlos ay isang magsasaka. Araw- araw siyang nasa bukid. Ito lamang ang
kanyang hanapbuhay. May dalawa siyang anak na nag-aaral sa elementarya. Dahil sa
masipag si Mang Carlos, nairaraos niya araw-araw ang pangangailangan ng kanyang
pamilya. Isa siyang mabuti at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak kaya naman
masaya ang kanyang pamilya.

______1. Sino si Mang Carlos?


a. magsasaka b. mangingisda c. mangangaso
______2. Kailan siya pumupunta sa bukid?
a. araw-araw b. bukas c. hapon
______3. Ilan ang kanyang anak na nag-aaral?
a. 1 b. 2 c. 3
______4. Bakit nairaraos niya ang kanilang pangangailangan araw-araw?
a. dahil tamad siya
b. dahil masipag siya
c. dahil marunong siyang magbasa
______5. Bakit masaya ang kanyang pamilya?
a. Dahil mabuti at mapagmahal siyang ama
b. Dahil masayahin siyang ama
c. Dahil masama siyang ama
______6. Naglalakad kayo ng nanay mo sa kalsada. Nakita mo ang poste ng kuryente na
natumba. Ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag hawakan dahil may kuryente.
b. Hawakan dahil walang kuryente.
c. Sumandal dahil may kuryente.
______7. Napanood mo ang patalastas na ito. Ano ang ibig sabihin nito?

a. Isuot nang tama ang facemask.


b. Itago nang maayos ang facemask.
c. Itapon nang maayos ang facemask.
______8. Alin sa mga sumusunod na ang ibig sabihin ay tumahimik?

a. b. c.

_______9. Kapag nakita mo ito, ano ang gagawin mo?


a. Pumasok kaagad.
b. Huwag pumasok.
c. Sundin ang bawat hakbang.

_______10. Napanood mo sa telebisyon ang palatatas na ito . Ano ang mensahe


nito?
a. Pagsama-samahin ang mga basura sa isang lalagyan
b. Itapon ang basura sa tamang lalagyan
c. Itapon ang basura kahit saan.

PERFORMANCE TEST #1
Panuto: Mag-isip ng isang babala/paalala. Isulat/iguhit ito sa loob ng kahon. Isulat ang
mensahe na nais ipabatid nito.

You might also like