You are on page 1of 2

MALAYANG PAHAYAGAN

malayang_pahayagan@gmail.com 0911 2345 6789 Manila, Philippines malayang_pahayagan_pinas01

Kaisipang Asyano, sa ilalim nito ay ang


tatlong pilosopiya na umusbong sa bansang Tsina. Tandaan, na ang
salitang pilosopiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na Philo o
pagmamahal at Sophia o karunungan. Kaya naman ito ay may literal na
kahulugan na pagmamahal sa karunungan. Ang pilosopiya ay ang
mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na mga katanungan na
maaaring itanong ng sangkatuhan. Ang pilosopiya ay palaging
nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay linaw, mag-alay ng
kasagutan, at magdagdag ng mga karunungan sa mga nagtatanong.
Ayon nga sa ating nabanggit, mayroon tayong tatlong Pilosopiya. Ang
una ay ang confucianismo, ito ay lumitaw sa isang panahon ng krisis sa
Sinaunang Tsina. Ang tagataguyod nito, si Confucius, hindi niya nakita ang
kanyang sarili bilang tagapagtatag, ngunit bilang isang mangangaral ng
mensahe na natanggap niya mula sa kanyang mga ninuno kaya naisip niya
na itaguyod ito at dito na rin nagturo ng mga katuruan. Pangalawa ay ang
Taoismo, nakasaad dito na nangangahulugan ang salitang "Tao"
bilang "landas" o "daan“. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang
Taoismo sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos, kalusugan, mahabang
buhay, wu wei (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon), kalayaan,
kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob. Pinakahuli ay ang Legalismo.
Ang legalismo ay may ibig sabihing “paaralan ng batas” o pilosopiya na
nagbibigay-diin sa mga batas at tuntunin na pinaiiral ng mga may
kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos ng tao. Naniniwala ang ito na
tungkulin ng pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos na kapangyarihan
sa kanyang nasasakupan. Siya ang batas at siya rin ang awtoridad. Ang
pamantayan ng tama at mali.
Image from https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.kanopy.com%2Fproduct%2Fchinas-dynasties-and-
influence&psig=AOvVaw2AqqRxqakPNMNp2vxQlKwj&ust=1639411212646000&source=images&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqFwoTCJDOwuLQ3vQCFQAAAAAdAAAAABAD
Dagdag kaalaman, ang Confucianismo ay isang positibong pinalawig na kaisipan sa Asiya sapagkat nagbibigay ito
ng pagpapahalaga sa ugnayan ng bawat tao sa lipunan. Ang mga katuruan dito ay nakasentro tungkol sa mga
kabutihang asal, tamang pagkilos, at mga bertud sa buhay. Ang pilosopiyang ito ay nag-iwan ng malaking
impluwensiya sa kanilang pamumuhay noon sa kadahilanan na pinausbong nito ang kapayapaan sa
pamamamagitan ng pagpapaunlad ng mga tamang asal sa pangaraw-araw. Kung inyong natatandaan, nabanggit
din natin na ipinalawig talaga ito sa panahon ng krisis o mga gyera kaya naman nakatulong ang Confucianismo
dahil ang mga gulo ay nasugpo dahil na rin sa hindi pagkalimot nila sa mga turo ni Confucius na nagpatupad ng
pilosopiyang ito, kung saan sinasabi rin dito na dapat nating respetuhin ang bawat isa at iwasang gumawa ng
masama sa kapuwa. Ang kanila ring pamumhay ay umunlad sapagkat natapos na ang walang awang pagkikitil
ng buhay ng mga tao sa bawat panig ng kanilang bansa at ng mga estadong pag-aari nila.
Image from http://n.sinaimg.cn/sinacn/w600h412/20180101/5177-fyqefvw7708222.jpg Kapag sinabi rin kasing pilosopiya ito ay ang pag-aaral sa

mga ideya tungkol sa kaalaman, katotohanan, katangian at kahulugan ng buhay. Kaya naman ang mga Pilosopiya
ay nagbigay benepisyo sa pagsulong ng sinaunang kabihasnan sa Asiya. Isa ring paraan ng pagtulong nito ay sa
pamamamagitan ng pagpapanatili ng buhay ng mga Asyano na manatiling tama at matiwasay. Ipinahihiwatig din
ng mga pilosopiyang ito na ang lahat ng problema ay may solusyon kaya naman ang mga tao ay nagtulong-
tulong at naging isa upang mapabuti ang kanilang sinaunang kabihasnan. Hinubog din dito ang mga mabubuting
kaugaliang tinuro ng mga pilosopiya katulad na lamang ng pagbalanse upang maiwasan ang mga gulo na
nakalagay sa katuruan ng Taoismo. Nang dahil sa mga kaugaliang ito, umunlad ang kanilang mga
pagkakakilanlan na nagresulta rin sa pagsulong ng kabihasnan sa Asiya. Nararapat na maayos rin ang ating Image from https://studycli.org/wp-content/uploads/2021/01/confucius-teaching-students-001.jpg

bansa. Pero kung ako ay inyong tatanungin o hihingan ng opinion, mas pipiliin kong ipatupad ang pilosopiyang
Legalismo. Sapagkat kapag lumabag ka sa mga batas nito hindi ka kakampihan nito kahit pa nasa mataas na
posisyon ka o nasa mataas na estado ng bansa. Daraan ka sa mga mapanuring paglilitis upang malaman mo ang
parusang iyong mararanasan. Ngunit kung ipapatupad ito sa bansa, hindi dapat kadalasang ginagamit na parusa
ang kamatayan sapagkat pwede mo naman silang hindi kitilin at gawing manggagawa na lamang sa loob ng
mahabang panahon at nagkaroon pa sila ng ambag o kontribusyon sa ating ekonomiya. Hahatulan lamang ng
kamatayan ang isang mamamayan kapag nadiskubre ng korte o ang mga taong nagsusuri sakanila na ang
kanilang mga ginawa ay maraming nasaktan at naghirap ang buhay. Ang nararapat na mamuno habang
ipinapatupad sa ating bansa ang pilospiyang ito ay isang lider na may malasakit pa rin sa kaniyang
kinasasakupan at may itinapos na pag-aaral at tugkol sa tamang pagpapairal at pagpapatakbo ng batas.
Image from
https://assets.rappler.co/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/5D0AA9CD710E4A Tandaan, sa mata ng batas at ng namumuno, pantay-pantay lamang dapat ang lahat.
479C0717286C8148EF/imho-filipino-chinese.jpg

You might also like