Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Araling Panlipunan
mga ideya tungkol sa kaalaman, katotohanan, katangian at kahulugan ng buhay. Kaya naman ang mga Pilosopiya
ay nagbigay benepisyo sa pagsulong ng sinaunang kabihasnan sa Asiya. Isa ring paraan ng pagtulong nito ay sa
pamamamagitan ng pagpapanatili ng buhay ng mga Asyano na manatiling tama at matiwasay. Ipinahihiwatig din
ng mga pilosopiyang ito na ang lahat ng problema ay may solusyon kaya naman ang mga tao ay nagtulong-
tulong at naging isa upang mapabuti ang kanilang sinaunang kabihasnan. Hinubog din dito ang mga mabubuting
kaugaliang tinuro ng mga pilosopiya katulad na lamang ng pagbalanse upang maiwasan ang mga gulo na
nakalagay sa katuruan ng Taoismo. Nang dahil sa mga kaugaliang ito, umunlad ang kanilang mga
pagkakakilanlan na nagresulta rin sa pagsulong ng kabihasnan sa Asiya. Nararapat na maayos rin ang ating Image from https://studycli.org/wp-content/uploads/2021/01/confucius-teaching-students-001.jpg
bansa. Pero kung ako ay inyong tatanungin o hihingan ng opinion, mas pipiliin kong ipatupad ang pilosopiyang
Legalismo. Sapagkat kapag lumabag ka sa mga batas nito hindi ka kakampihan nito kahit pa nasa mataas na
posisyon ka o nasa mataas na estado ng bansa. Daraan ka sa mga mapanuring paglilitis upang malaman mo ang
parusang iyong mararanasan. Ngunit kung ipapatupad ito sa bansa, hindi dapat kadalasang ginagamit na parusa
ang kamatayan sapagkat pwede mo naman silang hindi kitilin at gawing manggagawa na lamang sa loob ng
mahabang panahon at nagkaroon pa sila ng ambag o kontribusyon sa ating ekonomiya. Hahatulan lamang ng
kamatayan ang isang mamamayan kapag nadiskubre ng korte o ang mga taong nagsusuri sakanila na ang
kanilang mga ginawa ay maraming nasaktan at naghirap ang buhay. Ang nararapat na mamuno habang
ipinapatupad sa ating bansa ang pilospiyang ito ay isang lider na may malasakit pa rin sa kaniyang
kinasasakupan at may itinapos na pag-aaral at tugkol sa tamang pagpapairal at pagpapatakbo ng batas.
Image from
https://assets.rappler.co/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/5D0AA9CD710E4A Tandaan, sa mata ng batas at ng namumuno, pantay-pantay lamang dapat ang lahat.
479C0717286C8148EF/imho-filipino-chinese.jpg