You are on page 1of 6

Ang Morpolohiya at ang Morpema

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng


pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang
ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga
salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha


naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na
kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari
pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring
isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay
dapat na ikulong sa { }.

Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang


unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang
kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang
makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang
salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na
mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga
pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino,
gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito
sa salitang kahoy.

Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na
tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa
sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang
mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab,
at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng
naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa


halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang


tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay
nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may
angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik,
siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan
kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang
pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:
Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter

Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo

Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis

Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami

Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang


walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng
iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng
halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi
makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang
salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan
dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman
maaaring sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa
uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng

Pangatnig: kaya, at, o saka, pati

Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay

Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema
May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay
sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o


ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema
lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan
ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang
pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita.
Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang
propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang
halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a}

Senyora - {senyor} at {-a}

Plantsadora - {plantsador} at {-a}

Kargadora - {kargador} at {-a}

Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na


ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang
mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at
{maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema.
Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at
{-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa
pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema
lamang:
bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}

kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}

abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}

Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}

Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-


ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet

pagod tuwa pula liit taas

basa laro aral kain sulat

3. Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat.


Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema.
Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na
isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay
nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga
sumusunod:

mag-ina - {mag-} at {ina}

maganda - {ma-} at {ganda}

magbasa - {mag-} at {basa}


bumasa - {-um-} at {basa}

aklatan - {-an} at {aklat}

pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}

You might also like