You are on page 1of 4

FIL102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)

Gawain 1: REAKSYONG PAPEL

Introduksiyon
Ang reaksyong papel na ito ay naglalayong ilahad ang mga aspeto at kabuluhan ng
mga dokumentaryong napanood na parehong nakakaantig at nakakatuklas ng mas malalim
na pag-unawa. Ipapakilala rito ang ilang teorya ng nagpapahalaga sa kaugnayan ng mga
dokumentaryo sa kalikasan ng mga ito. At higit sa lahat, isisiwalat ng papel na ito ang
katotohanan hinggil sa mistulang pagwawalang bahala sa kalikasan na, kagaya ng
kagandahan ng kalikasan, ay ibinunyag din ng mga naturang dokumentaryo.

Buod ng Impormasyon
Sa napanuod na mga dokumentaryo, inilalarawan ng mga mamamahayag tulad ni
Kara David, Jessica Soho atbp. ang karalitaan at kakulangan ng oportunidad para sa mga
taong naninirahan sa mga lib-lib at malalayong lugar na pinaliligiran ng hitik at mayabong
na kalikasan. Ayon parin sa mga napanood na bidyo, pilit na nagsisikap ang mga tao na
mabuhay, makaligtas man lang mula sa kamay ng karalitaan. Maaaring naghihirap sila dahil
sa kabiguan nilang linagin ang kanilang kapaligiran. Maaaring wala silang sapat na
kaalaman at kagamitan upang linagin ito. At maaaring ang interaksyon ng mga tao at
kalikasan ay higit na maituturing na sumpa at biyaya. Gayunpaman, lahat ng aking
napanood na dokumentaryo ay sinasabing ang gaano man kahirap ang buhay ng mga tao,
mahalaga parin na pangalagaan ang kanilang kalikasan katulad ng kabundukan, kapatagan
at karagatan dahil sa huli ay susuklian ng kalikasan ang kahit ano mang kabutihang idinulot
dito.

Pagsusuri
Batay sa pahayag ni Jessica Soho sa dokumentaryong “The Last of the Last Frontier”,
minsan ng naging kanlungan ng buhay ang isla ng Balabac sa Palawan noon at sa katunayan
ay naging himpilan ito ng mga bandido. Nagkaroon din ng outbreak ng mga sakit ang isla
kaya ay pansamantala itong isinara para sa mga turista. Ipinaliwanag niya ang sinapit ng
mga taga-Balabac at ang kahirapang dinanas nila noong hindi na muna mapapakinabangan
ang ganda ng kanilang karagatan. Subalit, salungat sa opinyon ni Soho, hindi masama na
kuhanin muli ng kalikasan ang kanilang teritoryo dahil kung iisipin, kakaunti na lamang
ang natitirang likas na yaman ng bansa dahil karamihan ay inangkin na ng mga tao. At
lalong hindi dapat ginagamit ng media ang mga mababangis na hayop tulad ng buwaya
bilang kinatawan ng masasama at mapapanganib.
Halos lahat ng aking napanood na dokumentaryo ay may parehas na kalikasan at
suliranin, ang karagatan at ang polusyon ng katubigan nito. Sa usaping sinematograpya,
kadalasang ipinapakita sa umpisa ng mga bidyo ang kahirapan ng mga pamilyang nakatira
sa mga malalayong isla. Kahit na napapaligiran na sila ng karagatan at ng kayamanang
taglay nito, hindi pa rin naaangat ang buhay nila. Ipinakita din sa mga dokumentaryo na
ang presensya ng mga tao sa paligid ng karagatan ang mismo at pangunahing dahilan kung
bakit napapahamak ang mga likas na yaman.

Konklusiyon
Sa makatuwid, ang kalikasan, sa aminin man natin o sa hindi, ay nagsilbi at patuloy
na magsisilbing kaaway at kaibigan ng mga tao. Kaibigan, kapag inalagaan at kaaway
naman kapag nilapastangan. Nailantad ng papel na ito ang mas malalim na kahulugan at
mensahe ng mga dokumentaryo sa pamamagitan ng sariling kritisismo, na ang pagitan ng
kalikasan at ng mga hindi kalikasan ay maaaring gawing instrumento upang maibunyag
ang kinakaharap na krisis at kung maaari, ang mga solusyon para dito. Hindi matatago ng
kahit anong dokumentaryo na ang kalikasan sa kamay ng mga tao ay naapi. Kailan ba
matitigil ang pananamantala? At sa sariling pangangahulugan ng pangangalaga, saan ba
tayo guguhit ng linya?
Gawain 2: LIHAM NG PETISYON
SEC. ROY A. CIMATU
SEKRETARYA NG DENR
Vasra, Lungsod ng Quezon

PAKSA: ISANG PETISYON HINGGIL SA KAKULANGAN NG SIKAP SA PAG-PROTEKTA SA


KARAGATAN NG BALABAC, SA ISLA NG PALAWAN

Isang myembro ng mamayanan ng Lungsod ng Heneral Santos na may pagpapahalaga sa


kalikasan. Nananawagan ako na matugunan ng ating butihing sekretarya ng Kagawarang
Kapaligiran at Likas na Yaman ang aking petisyon.

AKO, BILANG NAKALAGDA SA ILALIM NG DOKUMENTONG ITO AY NANANAWAGAN SA


GOBYERNO, SA SEKRETARYA NG KAGAWARANG KAPALIGIRAN AT LIKAS NA YAMAN, NA
IKONSIDERA ANG MGA SUMUSUNOD:

Sa loob ng mahabang panahon, nasaksihan ko ang hinay-hinay na pag-angkin ng


mga tao bilang teritoryo ang isla ng Balabac. Ang dating asul at malilinaw na tubig ng
karagatan ay paunti-unting naging kayumanggi na sa kalaunang ay naging itim. Sa
kasalukuyan, mayroong outbreak ng Malaria sa isla at maraming tao ang nadadamay sa
epidemyang ito dahil pa rin sa kanilang sariling gawain.

Ang kalakhang isla ng Palawan ay tahanan ng may tatlong pangunahing tribu na


mga Pala’wan, Tagbanua at Batak kung saan ang kalakhang bahagi nito ay kanilang lupaing
ninuno. Ngunit, ang mga kasalukuyang naninirahan sa isla ng Balabac ay dayo lamang
doon. Dinadayo rin ng mga taga-Malaysia, naging sanhi ito para umusbong ang kalakalan sa
isla. Dahil sa kalakalang nagaganap, lumalaganap ang industriyalisasyon na sanhi rin ng
pangingitim na katubigan sa karagatan.

Bilang isang naturang dalubhasa sa usaping Pangkalikasan at mas mahigit na


makapangyarihan bilang isang ehekutibong tagapamahala ng kagawaran, hinihiling namin
na ikaw ay mag-bigay aksyon at ilikas ang mga naninirahan sa isla na sumisira ng
kadalisayan nito.

Palagi kong inaabangan ang mga mabubuting nagawa mo para sa kabutihan ng


kalikasan at ng iba pang likas na yaman. Nawa ay ang intensyon at kurso ng aksyon mo ay
tunay dahil ikaw lamang ang inaasahan ng mga isla sa Palawan mula sa karahasan at
kalupitan ng mga lokal at dayuhang napapadpad sa isla.
AGARANG IPASARA SA PUBLIKO ANG ISLA NG BALABAC AT ANG MGA LUGAR NA
NAPATUNAYANG MAY MAGKATULAD NA SITWASYON, MAGPATUPAD NG KAHIGPITAN SA
MGA RESIDENTE NG ISLA SA PAGSIRA NG KADALISAYAN NG KARAGATAN AT ISLA, NANG
SA GAYON AY MAIPAGPATULOY NG ISLA NG BALABAC ANG PAGHILOM NG MGA
NAPINSALANG LIKAS NA YAMAN NA NANINIRAHAN DITO.

Nakalakip dito ang aking pangalan at lagda bilang pakikiisa sa pagbabagong minimithi ng
nakararami. Ito ay buong puso kong kalooban at walang sino man ang naghikayat o pumilit.

Lubos na Gumagalang,

***********************

You might also like