You are on page 1of 1

FILIPINO 1

Gualberto, Chrischia Yvonne G.

BSN – III

I. Paglikha ng repleksyong papel na naglalaman ng 100–150 na salita


hinggil sa paksang, Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Malayang
Pakikipagtalastasan ng mga Pilipino sa Harap ng Kasalukuyang
Pandemya

Ang Wikang Filipino ay mahalaga upang magkaroon ng maayos na


komunikasyon ang bawat isa lalong lalo na ngayon sa ating kinakaharap na
pandemya. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, nagkakaroon ng
pagkakaintindihan ang bawat Pilipino na kung saan malaya matin maiipabatid
ang mahahalagang impormasyon na tumatalakay sa pandameyang ating
nararanasan ngayon. Kahit na mayroong iba't ibang wika sa iba't ibang isla sa
buong bansa kagaya ng Bisaya at Kapampangan, nagkakaintindihan ang
bawat isa kapag gumagamit ng Wikang Filipino. Isa pang kahalagahan nito
upang makapagbahagi ng karunungan sa bawat isa. Bagamat online na ang
platapormang ginagamit ngayon upang makapagturo, ang Wikang Filipino ay
ang daan o ang ginagamit pa rin mga guro upang makapagturo. Sa
pamamagitan ng Wikang Filipino, nagkakaroon ng kaalaman ukol sa teknikal
at kagandahang asal ang mga mag-aaral na Pilipino. Ang wikang Filipino ay
ang pangunahing instrument ng komunikasyon at napakahalaga nito para sa
ating malayang pakikipagtalastasan sa kadahilanang ito ay isa sa mga
mabisang paraan na ating magagamit na kasangkapan para sa pagpigil ng
patuloy na lumalaganap na pandemya. Ang wikang Filipino ang tulay sa
paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-19 ay
mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa
bilang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng
krisis o matinding pangangailangan. Dagdag pa rito, kadalasang napag-
iiwanan hinggil sa kinakaharap na sitwasyon ang mga nasa laylayan ng
lipunan dahil nasa banyagang wika ang ginagamit sa pagpapaliwanag. Higit
sa pigura at mga chart sa paghahatid ng kalagayan sa bansa, mahalaga ang
mga salita upang bigyang detalye ang krisis pangkalusugang nararanasan.
Mahalagang gamitin ang wikang kinagisnan ng lahat, wikang nauunawaan
nang nakararami. Mas madaling maipaunawa ang karanasan ng bayan kung
nakaugat ito sa wika ng bayan.

You might also like