You are on page 1of 2

PERFORMANCE TASK #1

Panuto: Gumawa ng isang paglalarawan batay sa sumusunod na mga pangyayari.


Pumili lamang ng isa at ilarawan ito ayon sa tatlong uri ng paglalarawan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Karanasan sa bahay noong panahon ng Lock Down.


2. Buhay noon at buhay ngayon
3. Ilarawan ang mga karanasan sa buhay ng bagong Normal.

Ang Pagmamarka ay ibabatay ng guro sa sumusunod na pamantayan

Pamantayan sa Puntos

Gramatika/Balarila - 4pts
Nilalaman - 4pts
Wastong gamit salita - 2pts
Kabuuan - 10pts

Karanasan sa buhay noong panahon ng Lock Down

Karaniwang Paglalarawan
 Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, isa na nga sa
naging hakbang at tugon ng pamahalaan dito sa Pilipinas ay sumailalim sa
pangkalahatan at estriktong lock down. Sa panahon ng lock down, marami ang
naapektuhan at nawalan ng trabaho. Nakaramdam ng iba’t ibang emosyon ang
mga tao tulad ng takot, pagkabalisa, pag-aalala, at pagkabahala dahil sa
pangyayaring hindi inaasahan. Hindi naging madali ang buhay noong lock down
sapagkat limitado lamang ang pwedeng gawin at hindi basta-bastang
makakalabas. Inaasahang makontrol na ang pagkalat ng virus upang hindi na
maipatupad muli ang lock down sa ating bansa.

Teknikal na Paglalarawan
 Masama ang epekto ng lockdown sa ekonomiya. Nasapul ang mga negosyo
dahil sa lockdown na ipinatupad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19, at
nagdulot ito ng kawalan ng hanapbuhay sa karamihan.  Ang mga pampublikong
sasakyan gaya ng train, bus, at jeepney ay hindi maaaring bumyahe. Para ring
nasusupil ang kalayaan ng mamamayan na maglakbay. Walang gustong
mangyari ito ngunit kung buhay ng mga tao ang nakataya, walang ibang paraan
kundi ipatupad ito. Sa kautusan, suspendido ang operasyon ng mga public
transportation at magtatalaga ng mga checkpoints para sitahin ang mga taong
bumibiyahe. Sa katunayan ay hindi na bago ang pagkakaroon ng pandemya
ngunit dahil hindi ito inaasahan, madaliang ipinatupad ang lock down. 

Masining na Paglalarawan
 Sa ibang tao, ang karanasan noong panahon ng lock down ay bakas ng kahapon
lamang ngunit matindi ang epekto nito sa karamihan. Di mabilang ang mga taong
nawalan ng hanapbuhay dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas kaya
limitado lamang ang maaaring gawin. Nakakabingi ang katahimikan sa panahong
ito dahil walang sasakyang dumadaan sa kalsada. Ipinagdarasal ng karamihan
na hindi na mauulit muli ang pagkakaroon ng lock down at masugpo na ang
nakakamatay na virus.

You might also like