You are on page 1of 1

Ang COVID-19 ay sakit na dulot ng isang virus na maaaring kumalat mula sa isang tao

patungo sa ibang tao. Ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na
umaapekto sa baga at mga daanan ng hininga, na nagiging sanhi ng mga impeksyon sa
paghinga. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring mula sa banayad (o walang mga
sintomas) hanggang sa malubhang sakit.

Malaki ang naging epekto ng pagkalat ng COVID-19. Ang epekto nito ay hindi
nagtatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga ospital. Ito ay makikita rin sa
kabuhayan ng mga Pilipino.

Patuloy na nagbabanta ng malalang pampublikong kalusugang peligro ang COVID-19.


Alamin ang mga katotohanan tungkol sa COVID-19 at sundin ang mga pamantayang gabay
kalusugan upang masugpo ang pagkalat ng virus na ito.

You might also like