You are on page 1of 1

Disyembre 14, 2021

Bb. Stephanie Delos Reyes


Human Resources Manager
ABC Restaurant Inc.
No. 123, Gil Street, Pasig City

Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,


Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef
para sa inyong kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na
pumasok bilang chef ng ABC Restaurant Inc. Matagal na akong kumakain sa
ABC Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng ABC
Restaurant Inc.
Ang aking limang taong karanasan bilang chef sa DEF Hotel Inc. ay
makakatulong sa akin upang makagawa ang trabaho ng pagiging chef sa
ABC Restaurant Inc. Sa DEF Hotel, natuto ako kung paano humawak ng tao,
kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang
mga customers sa pamamagitan ng masasarap na putahe.
Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking
karanasan sa DEF Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na
anong oras sa pamamagitan ng aking email (joyce@ymail.com) at cellphone
number (+639201234567).
Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,
Joyce Ann Castañas
joyce@ymail.com
+639201234567

You might also like