You are on page 1of 4

JHON LEINARD M.

AGCAOILI
BSA 1-16

TAKDANG GAWAIN 3
Ano ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino?

Angxpagsasaling-wika, sa panahon ngayon, ay higit na pinapahalagahan ng isang bansa o


ng isang mamamayan. Hindi maikakaila na malaki ang papel na ginampanan nito sa iba’t ibang
aspeto at panahon. Saksi dito ang kasaysayan ng Pilipinas kung saan masasalamin na ang
pagsasaling-wika bago pa man dumating ang mga Kastila. Bago pa man tumapak si Ferdinand
Magellan sa isla ng Pilipinas, ay mayroon na itong sariling sibilisasyon, paniniwala at relihiyon.
May sariling gobyerno, kultura, sinasamba at sigurado nang umiiral sa buong kapuluan ang
impormal na pagsasalin sa pakikipagkomunika. Mahalaga rin ito sa kanilang kabuhayan tulad ng
barter system o pakikipagpalitan ng mga kalakal hindi lamang sa pagitan ng mga katutubo kung
hindi sa mga taga- ibang bansa sa silangang Asya, tulad ng mga Tsino na napadpad sa kapuluan
ng Pilipinas.

Sa pagdating naman ng mga Kastila, ay naging isa rin sa mga pamamaraan ng bansang
Espanya ang pagsasaling-wika sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Nang malaman
ng mga dayuhang mananakop na iba ang wika na lumalaganap sa bansa, ay sinikap ng mga
misyonaryong Kastila na pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang
nauunawaan ng mga katutubo ang mga aklat-dasalan, katekismo, awit pansimbahan, sermon,
gawaing pansimbahan at doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang
pananampalataya na isa sa layunin ng kanilang ekspedisyon at sa pamamagitan ng
pagsasalingwika ay maitanim ng mga mananakop na Kastila sa isip at damdamin ng mga
katutubong Pilipino ang kanilang mga ideolohiya, paniniwala at pananampalataya. Ang
pagsasaling-wika na ito ay ibinatay ng mga Kastila sa kanilang mga karanasan sa timog at
hilagang Amerika na mas nauna nilang sinakop bago ang Pilipinas. Dahil dito, mas higit na
naging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng
pagsasalin ng wikang Espanyol tungo sa wika ng mga katutubo. Itinuturing ng mga Pilipinong
historyador ang kasiglahan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila.
JHON LEINARD M. AGCAOILI
BSA 1-16

Mula sa mga nabanggit sa itaas, makikita ang kahalagahan ng pagsasalin sa kasaysayan


ng Pilipinas, mula sa ugnayang pangkomersyo sa pagitan ng dalawa o mahigit pang bansa, sa
pagpapairal ng kapangyarihan at sa kamulatang panrelihiyon. Kung pag-uusapan naman ang
ugnayang pangliteratura sa pagitan ng dalawa o mahigit pang bansa, ay nagkaroon rin ng
malaking impluwensiya ang pagsasalin sa paglilipat at palitan ng kultura’t kaalaman sa buong
mundo. Malaki ang naitutulong ng pagsasalin sa pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa mga
karatig na bansa. Bawat bansa ay may sari-sariling kultura at lengguwaheng ginagamit sa
pakikipag-usap maging sa pagsulat. Masasalamin sa mga literatura na isinulat sa sariling
lengguwahe ang kultura ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pagsasalin, maaaring maunawaan
rin ng mga taong sa ibang bansa nakabase. Sa pagsasalin rin ay mahalaga na malaman ang
kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan bago isalin sa ibang lengguwahe upang malaman
ang wastong gamit ng mga salita at kung paano ito ginamit sa panahon na isinulat ang akda.
Sapagkat marami sa mga mamamayang Pilipino ay limitado lang ang mga lengguwaheng
nalalaman kung kaya’t mahalaga ang pagsasalin dahil ito ay isa sa mga paraan upang
magkaunawaan at pahalagahan ang kultura at kasaysayan ng ibang kalapit na bansa.

Malaki rin ang gampanin at responsibilidad ng mga tagasalin sa pagsasaling-wika dahil


sa kanila nakasalalay ang punto ng isinasaling teksto tungo sa mga mambabasa. Ang pagsasalin
ng isang teksto mula sa pinagmulan na wika patungo sa panibagong wika ay hindi
maisasakatuparan kung walang taong magsasalin ng mga ito. Ang tungkulin ng isang tagasalin
ay ang pagpapanatili ng katangian ng orihinal na teksto pagkatapos nitong isalin sa panibagong
wika. At ang isang tagasalin ay hindi lamang maihatid sa mga mambabasa ang mismong
tekstong pinagmulan ngunit siya ang magiging katumbas ng may-akda ng orihinal sa wikang
isinalin. Ang tungkulin ng tagasalin ay ang maipahayag nang malinis ang nais ipahayag ng
orihinal na teksto sa panibagong wika.

Tungkulin din nitong maging responsableng tagasalin kung nais nitong maging malinis at
maunlad ang kanyang salin. May tatlong tungkulin ang tagasalin na kailangan niyang
magampanan: ang tungkulin sa may- akda ng orihinal, ang tungkulin sa kanyang mga
mambabasa at ang tungkulin sa kanyang sariling salin. Layon ng isang tagasalin ang pagiging
tapat sa sumulat ng akdang napili nitong isalin. Nararapat na isalin niya ito nang walang halong
JHON LEINARD M. AGCAOILI
BSA 1-16

ibang ideya, na mismong mensahe ng may-akda ang dapat maipabatid sa mga mambabasa.
Tungkulin rin ng isang tagasalin ang pagiging tapat sa kanyang mga mambabasa sapagkat siya
lang ang may kakayahang umunawa sa wika ng orihinal na akda kaya’t sa kaniyang katapatan
lamang nakasalalay ang mga mambabasa. Ang panghuling tungkulin ng isang tagasalin ay ang
pagiging responsable sa kanyang mga salin. Siya ang kumakatawan sa orihinal na may-akda sa
wikang isinalin kung kaya’t maituturing na panibagong akda ang akdang isinalin sa panibagong
wika.

Ang pagsasaling-wika ang naging mabisang kasangkapan sa pagpapakalat at


pagpapanitili ng mga naturang pamana ng mga naunang sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa
buong mundo. Isa sa mga halimbawa ng dakilang pampanitikang naipamana ng mga naunang
sibilisasyon dahil sa pagsasalin ay ang epikong Odyssey ni Homer na sinasabing
pinakamatandang nakaulat na salin na isinalin ng isa sa mga kinikilalang unang tagasalin na si
Livius Adronicus sa Latin sa kaparaanang patula noong 240 B.C. Isa rin sa mga kilalang salin sa
wikang Filipino ay ang Sintahang Romeo at Juliet (Ingles: Romeo and Juliet) na isang dula na
isinalin ni Gregorio C. Borlaza mula sa trahedyang isinulat ni William Shakespeare. Ang orihinal
na Romeo at Juliet ay isang dula na isinulat sa wikang Ingles at layunin nitong ipakita ang
kadalisayan ng tunay at wagas na pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan. Ito ay isinalin sa
wikang Filipino upang mas maintindihan pa ng mga mag-aaral sa Pilipinas sa kadahilanang ito
ay kasama na sa talapaksaan ng asignaturang Filipino na itinuturo sa baitang 10.

Isang halimbawa rin ang Munting Prinsipe (Ingles: The Little Prince, Pranses: Le Petit
Prince). Ito ay isang maigsing nobela na kinikilala na pinakakilalang aklat na isinulat ni Antoine
de SaintExupéry sa wikang Pranses. Isinalin ito sa iba’t-ibang wika kasama na ang wikang
Filipino na isinalin ni Desiderio Ching noong 1991. Ito ay isang librong pambata kaya’t isinalin
ito sa wikang Filipino upang mas maintindihan ng mga bata ang nais ipabatid ni Saint- Exupéry.
Sa kasaysayan naman ng Pilipinas, isa ang Noli Me Tángere at El Filibusterismo sa mga
nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal noong 1887 sa Europa ang isinalin sa wikang Filipino.
Isinulat niya ito sa wikang Kastila dahil nais niyang maging epektibo ang pagkalat ng kanyang
mga kwento at lumipas lang ang sandali nang isinalin na rin ito sa iba’t-ibang wika na naging
inspirasyon ng mga Pilipino na mag-aklas laban sa mga dayuhang kastila. Isinalin ito sa wikang
Filipino upang mas lalong maintindihan ng mga mamamayang Pilipino ang nais ipabatid ni Rizal
JHON LEINARD M. AGCAOILI
BSA 1-16

lalo na sa mga kabataan kung kaya’t ito ay isinabatas na dapat ituro sa mga paaralan at
unibersidad ang buhay at mga sinulat ni Rizal

You might also like