You are on page 1of 1

BAHAGHARING

HAGDAN

May kinang sa bawat bituin

May lungkot sa bawat ngiti

May araw sa likod ng mga kulog

May pait sa bawat tamis.

Bungangang minumulat sa katotohanan

Kamay na gumagabay sa kinabukasan

Mga matang kumikinang sa aming harapan

Na nagdudulot ng liwanag upang kami'y lumaban.

Kaisipan ating buksan

Sa salitang nakahain sa ating harapan

Guro,

Ang bawat paglabas ng kanilang kulay,

Pagasa ang kanilang taglay.

Mundong walang guro?

Mistulang gubat na walang mga puno

Karagatan na hindi kumikibo

Mahabang gabi, pundido ang mga sulo.

Mundong walang guro?

Walang luntiang puno, walang pag lago.

Hindi asul ang dagat, tugon ay malabo.

Itim ang gabi, walang malay ang mga tao.

Guro,

Ikaw ang bawat pagbangon

Na nagbibigay ng pagkakataon

Upang kami'y makaahon

Sa nakahawlang pagkakataon sa mga lumipas na panahon.

You might also like