You are on page 1of 2

Basilio, Rhea D.

FILKOM
HRDM 2-1 December 10, 2020

ART. 14, SEK. 3 (1935)


Ito ang kauna-unahang Konstitusyon ng bansa. Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng
Administrasyon ng noon ay pangulo ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng
probisyon ukol sa pambansang wika. Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulong Manuel L.
Quezon sa Pambansang Asemblea na magtatag ng isang ahensiya na magsasagawa ng mga
pag-aaral sa paglinang ng wikang pambansa. Subalit umusbong ang pagtatalo bunga ng
orihinal na draft ay iminungkahi ng isang delegado mula sa Camarines Norte na si Wenceslao
Q. Vinzons.

ART. 15, SEK. 3 (1973)


Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas ng elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan opribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-1975. Ayon sa Saligang Batas 1973
mayroong dalawang opisyal na wika- Ingles at Pilipino. Itinakda rin na ang Pambansang
Assemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng
panlahat sa Wikang Pambansa- na makikilalang Filipino. Nagpatuloy ang mga pag-aaral at
pananaliksik sa wikang pambansng makikilalang Filipino.

\
ART. 14, SEK. 6 (1987)
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ag paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo ng sistemang pang edukasyon.

Ang tatlong mahahalagang batas ng wika ukol sa pagpapaunlad at pakikipaglaban sa


pagyabong at paggamit ng wikang pambansa ang kanilang iminumungkahi. Ipinapabatid dito ang
kahalagahan ng paggamit ng sariling wikang atin bilang midyum sa pagtuturo mula elementarya
hanggang tersyarya na isang hakbang sa pagpapatibay sa Wikang Pambansa. Ang tatlong batas
ay gumawa ng mga hakbang upang ang Filipino ay isang maging opisyal na komunikasyon at
maging kilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maintindihan ang
mga dahilan kung bakit Filipino ang napiling wikang pambansa, malalaman ang mga katangian
ng wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matuloy ang kaugnayan at
kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

You might also like