Ako si Patricio T. Santos humihingi ng paumanhin sa aking naging pagkukulang sa responsibilidad
bilang isang dispatcher ng shuttle bus 14 noong araw ng November 04 sa kadahilanan na nakaligtaan tingnan ang loob ng shuttle, kung kaya’t hindi napansin ang mga nakasiksik na kalat sa harapan ng bus tulad ng plastik bote ng softdrinks at pinagbalatan ng kape na hindi naman ako ang may gawa o nag-iwan. Ako po ay nangangako na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari. Ako po ay humihiling na wag humantong sa pagsuspinde sapagkat malaking kawalan sa aking sweldo ang hindi pagpasok sa trabaho na tanging pinagkukunan ko ng ikabubuhay ng aking asawa at apat na anak.
Maraming Salamat po. Umaasa po ako sa inyong malawak na pang-unawa.