You are on page 1of 9
Mulang Tagalog Hanggang Filipino AHABAHABA na tin ang kasaysayan ng wikang pambansa ng | nas. Una itong nalimbag, pati ang katutubong paraan nito ‘ ng pagsulat, sa Doetrina Christiana (1593) at kaya halos kasinghaba ng ! kasaysayan nito ang limbag na kasaysayan ng Filipinas. Nagdaan na ito sa dala: wang malaking yugto ng pormalisasyon at kasalukuyang dumaranas ng ikatlong malaking reporma. Ang kasaysayang ito ang dapat isaalangalang upang ganap at -wastong masiyasat ang nangyari at nangyayaring transpormasyon ng wikang pam- bansa. Makabuluhan din ang ganitong salaysay upang maipatukoy ang dapat lingu- ¢ ning aral at tuntunin sa pagsusuri ng ating wika. Malaki ang posibilidad na hindi ito naisasaalang-alang ng mga pasimuno ngayon ng eksperimento sa ispeling at © reporma sa gramatika. Isang iginagalang na eksperto sa lingguwistika ang tah | sang nagpahayag sa madla na, “Walang tradisyon ang Filipino. Kaya malaya ang : lahat gawin kung ano ang gustong gawin. Kung alin ang tanggapin ng bayan, ‘yon ang mananalo.” sq Hindi niya makikita ang tradisyon sapagkat higit siyang interesado sa des- kriptibong pagsusuti ng wika sa kasalukuyan. Hindi niya makikita, gayundin ng : iba pang akademista, ang pundasyong pangwika ng Filipino na hindi dapat basta : pakialaman at baguhin sapagkat bunga ng matagal na kasaysayan. Sa mahigit apat | siglong pinagdaanan ng wikang limbag at ginagamit sa edukasyon, nakabuo : ito ng mga norm sa iba’t ibang aspekto at kailangang ingatan kahit sa kasalu- kuyang panahon ng mabilis na modernisasyon. Inihanda bilang dagdag na babasahin sa Kongresong Pandaiadig ng SANGFIL, Agosto 7-9, 1997. sa paksang “Ang Wikang Filipino sa Panahon ng Impormasyon.” $9 UP Tradisyon af Wikang Filipino Alpabetong Romano wet i rai : Mga misyonerong Espanyol ang nagsagawa ng unang malawakang kodipikasyon = ng wikang-pambansa. Sapagkat ipinalagay nilang limitado ang sinaunang bay- : bayin kapag puspusang ginamit sa pagsulat, ipinasok nila ang Romanisadong alpabeto sa pagbuo ng bokabularyo at pag-aaral sa gramatika ng katutubong wika ! ng Filipinas. Unang halimbawa ng mapaglawag na tungkuling ito ang Artey reglas 2 eee de la lengua tagala (1610) ni Fray Francisco de San Jose at Vocabulario de la lengua ? ass + din ito ni tagala (1613) ni Fray Pedro de San Buenaventura. Nalathala ang unang pansin sa katutubong:silabaryo noong 1604sa Relacion de las islas Filipinas ni Fray Pedro de Chirino. Wala diumano itong paraan upang * linawin.sa pagsulat ang pandulong katinig sa isang salita o isang pantig. Pinansin ay Gaspar de San Agustin sa kanyang Compendio de la lengua tagala (1703). Dahil sa gayong limitasyon, sabi ni Fray San Agustin, iisa ang lilitaw na! ispeling ng lili, lilim, lip, lilis,limlim, lilic, atbp. sa sinaunang baybayin : Ang pagpasok ng alpabetong Romano ang unang estratehikong hakbang para'sa pormalisasyon ng mga wika sa Filipinas. Sa paggamit ng alpabetong Romano, ang paraan ng pagstilat at patunog sa Espanyol ang pinalaganap ng mga misyonero. Sapagkat tatlo lamang ang patinig sa sinaunang baybayin (ang A\I, at ©) idinagdag ng mga misyonero ang E at U. Gayunman, may mga tunog-na wikang katutubo na hindi ganap matapatan ng alpabetong Espanyol. Halimbawa, sapagkat walang letrang K ang Espanyol, ang xuniog /k/ ay tinatapatan ng C, gaya sa “alac.” Kung minsan, nadodoble ang pan- | capat, gaya ng OQ'sa “bacquin” para sa tunog na /k/ ng “bakit.” Dahil wala ring “Wang alpabetong Espanyol, ang diptonggong /iw/ aytinapatan ng IO dili kaya’y | TUpkaya “alio” 0 kaya’y “aliu” noon ang anyo ng “aliw.” Narito ang isang nakasulat na saknong ng tula noong ika-18 siglo: Houag mo acong iuacsi sa harapan mong mabuti, sa aquin ipasarili ang Espiritu mong casi Tigib ito sa paraang Espanyol ng pagbaybay ngunit malinaw na mas epis- yente kaysa pagsulat sa sinaunang baybayin. Hanggang ngayon, ang paraang ito | ! ng mga misyonero ay sinusunod pa ng matatanda. May mga wika, kahit na ang ! * Tloko, na sumusunod pa sa tuntuning pinalaganap ng mga misyonero. Para'sa gawaing misyonero lamang ang mga unang talasalitaan at gramatika. Ngunit nang lumaon, kinailangang ituro ang alpabetong Romano pagbubukas s ALMARIO Mulang Tagalog Hanggare Filipino © ng mga klase sa caton. Lumikha ito ng malaking pagbabago sa hanay ng mga indio © ma marunong bumasa at sumulat, at ipinahiwatig ito. sa komentaryo mismo ng mga dayuhan. Noong 1609, buong paghangang isinulat ni Antonio»de»Morga na: ___Escriben (ang mga Tagalog) en esta lengua, casi todos los naturales, asi ombres, como { mugeres, y mucy pocas ay que no la escribian muy bien, 9 con propiedad.” Marunong : diumanong sumulat sa. katutubong baybayin ang lahat, lalaki-man-o:babae, at : bihirang-bihira ang hindi mahusay gumamit ng kanilang paraanng pagsulat. Ma- higit kalahating siglo lamang ang nakalipas, pupurihin naman ni Fray Francisco Golin-sa Labor evangelica (1663) ang kaalaman ng mga indio sa paggamit ng alpa- betong Romano. Marami na diumano sa mga katutubo ang naglilingkod bilang | klerk at kalihim:sa mga palingkurang-bayan at ilan sa kanila ang may kakayahang maging opisyal- Ano ang nangyari sa siyento porsiyentong literasi ng mga Filipino sa ka | nilang katutubong baybayin? Nahating Lipunan © Kabataan ang target ng mga Klase sa katon. Ang mga unang produkto ng katon ang maaaring tinutukoy ni Fray Colin na bihasa sa paggamit ng alpabetong Ro- mano. Ngunit pili at iilan lamang ang mga kabataang pumapailalim sa pagtuturo ng mga thisyonero. Napakaliit din ng bilang ng mga misyonero para makapag- uukés ng sapat na bilang ng paaralan para sa lahat ng interesadong kabataan. Sa gayon, patuloy na sumulat at bumasa sa parang baybayin ang katandaan at ma: - Taking bahagi ng populasyong karutubo, kaya marahil pinaksa pa ni Fray San Agustin noong 1703 ang limitasyon ng baybayin. Ngunit habang nabubuksan ang magagandang pagkakataon para sa mga io sa ilalim ng mga misyonero ay untiunting makaliligeaan ang kaw baybayin: Sa kalagitnaan ng ike-18 siglo, wala nang interes ang kabataang rng baybayin. Magiging pases para sa magandang hanapbuhay atsa mataas lipunan ang pagbasa at pagsulat sa alpabetong Romano. Thihiwalay ng kaa- ng ito ang isang maliit na sektor ng lipunan kasama ng mariwasa’t maka- eyarihan bilang tinitingalang saray sa ibabaw ng nakararaming mga dukha't gmang. i Nagkaroon ng hati ang lipunang kolonyalna dulotng dalawangliterasi. Ang | arami na matanda’t dukha ay nanatiling maalam lamang sumulat sa bay- in. Ang maliit na sirkulo ng mayaman at kabataang nagaaral ng katon, kapi- : ng mga Espanyol, ay gumagamit ng sulat Romano. ‘Tradlisyon ai Wikang Filipino Paglaon, kahit karaniwang indio ay puwersadong bumasa sa alpabetong Ro- | : mano’para makaawit ng pasyon kung Mahal na Araw at para matamasa ang na- ging popular na patulang mga salaysay—ang mga awit at korido. Bago matapos ang * ikae18 siglo, nabanggit ni Fray Francisco Bencuchillo sa kanyang pagaaral ng tula ! na paboritong gamitin ang saknong na may sukat na lalabindalawahin sa mga : ‘Tham ng pagibig at paanyaya sa pagiisangdibdib. Bukod sa isang impliwen- siyang Espanyol ang naturang anyong pampanulaan, tiyak na nasa alpabetong Romano ang mga naturang liham. Sa panahon ding ito, sagana na sa salita at | pariralang Espanyol ang Tagalog at ibang katutubong wika ng Filipinas. Abaladang Tagalog Dumating ang ikalawang yugto ng repormang pangwika noong panahon ngAme- rikano. Ngunit inumpisahan ito ni Rizil habang nagsasalin mulang Aleman tu- ngong Tagalog at lalo na sa kanyang Estudios sobre la lengua tagala (1893). Si Rizal © ‘ halimbawa ang nagpanukala sa paggamit ng letrang K para sa tunog /k/ at ng leteang W para sa tunog /w/ bilang pagkinis sa pagbaybay na pinalaganap ng mga misyonero. Sinundan nina Bonifacio at Jacinto'ang panukala ni Rizal. : Sa panahon ng Amerikano, ang nabanggit na mungkahi ni Rizal ay naging hudyattungo sa simplipikasyon ng pagbaybay katulad ng pinalaganap na abakada sa Balarila (1240) ni Lope K. Santos. Tinanggap ng abakada ang limang patinig, : gaya ng panukala ng mga misyonero, ngunit pinairal nito ang 15 katinig sang- ayon sa mga tunog sa wikang Tagalog. Sa paglilinis ng baybay, naalis ang mga letrang C, Q, N na ginagamit na noon kahit sa pagbaybay ng mga salitang katu- * tubo (“cauit,” “quinita,” “caftao”), Natupad ang panukala ni Rizal nia ipasok ang Kat W, Kinilala naman ang identidad ng NG, na isinulat bilang G na may kilay * sa mga dokumento noong panahon ng Espanyol, isang gawaing hindi pinaki- alamang baguhin ni Rizal. ‘Sa panahong ito tahasang itinadhana ng batas ang paggamit ng isang wikang : pambansa. Sangayon sa Konstitusyong 1935, dapat gumawa ng hakbang ang Kongreso “upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa na batay sa isang wikang katucubo.” Noong Nobyembre 13, 1936 itinatag ang Surian ng Wikang : Parnbansd (National Language Institute) at makalipas ang isang taong pagsasa- liksik at pagaaral ay inirekomenda ng Surian ang Tagalog upang maging barayan ng wikang pambansa. “Alinsunod sa mga hakbang na ito ang paglikha ng Balarila atng TagalogEn- glish Vocabulary bilang mga opisyal na lathala ng Surian. Unti-unting ipinaturo ang Wikang Pambansa, una bilang kurso sa kolehiyo at pagkaraa’y bilang mga : sa ALMARIO ‘Mulang Tagalog Hanggarg Filipino: sabjek sa mababa at mataas na paaralan, habang nililinang ang gamit sa iba’t ibang larangan, Noong 1959, sa atas na ipinalabas ni Kalihim Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang wikang pambansang batay sa Tagalog ay inumpisahang tawaging Pilipino. Purismo sa Wika Bigla namang sumabog ang isyu ng “purismo sa wika.” Noong 1965, inusig ni: Kongresista Inocencio V. Ferrer ang mga opisyal ng Surian, Kagawaran ng Edu- kasyon, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, at Unibersidad ng Pilipinas dahil sa maling paggamit ng pondo ng gobyerno upang palaganapin ang isang “puristang * Tagalog” bilang wikang pambansa. Hiniling ni Ferrer sa hukuman ang pagpigil sa Surian sa pagpapalaganap ng “Pilipino” na sa katotohana’y “puristang Tagalog.” | Noong 1969, isang pangkating pangwika, ang Madyaas ProHiligaynon So- : ciety, ang nagpetisyon para pigilin-ang ginagawa ng Surian. Tulad ng kaso ni : Ferrer, pinawalang-saysay ng hukuman ang demanda ng Madyaas. Gayunman, * waring senyas ang mga ito ng mga usaping dapat harapin at lutasin bago ganapna | > tanggapin ang wikang pambansa sa mga pook na di-Tagalog. : ° Tunay namang makiling sa mga konserbatibong gawain ang mga alagad ng : wikang pambansa hanggang dekada 60. Hindi nila sinaway ang pagpasok mulang Ingles ng “istambay,” “pulis,” at ilan pang bunga ng modernong teknolohiya 5 (“radyo,” “TV,” “antena,” “trak,” “bus,” atbp.) ngunit higit nilang pipiliinang = * paghiram sa Espanyol kung mayroon bago sa Ingles. Sa kabilang dako, higitsilang : magiging interesado sa paglikha upang payamanin ang bokabularyo ng wikang = pambansa, lalo na sa larangan ng agham at makabagong disiplina. : Noon pang bago mag-Komonwelt ay marami nang pagsisikap bumuo ng = ‘ likhang mga salita para sa mga konseptong siyentipiko. Pinakamatagumpay na : © bunga ng ganitong eksperimento ang Balarila ni Lope K: Santos na tahasang ipi- ! : naliang mga likhang pangngalan, pandiwa, at ibang bahagi ng pangungusap sa: > datinang mga keatawagan sa Espanyol. Sa ganito rin lumitaw ang “bantayog,” “paaralan,” “palikuran,” “pagawaan,” “pamahalaan,” “kagawaran,” at iba pang ! © neolohismong naging popular na ngayon. : Pagkaraan ng digma, ipinagparuloy ng “salitang maugnayin” ni Gonzalo del: Rosario ang naturang tungkulin. Ngayon, inambisyon ni del Rosario sa tulong = ng National Science Development Board at ng Araneta University ang pagbuo © "ng isang sistematikong wikang pangagham na‘ hindi humihiram’sa Ingles'o * Espanyol. Ginamit ito sa mga Klaseng eksperimental sa Araneta University at : Tradisyon af Wikang Filiph ipinakikilala na sa ibang paaralan nang pumutok ang isyung “purismo sa wika.” Isa sa naging biktima ng kontrobersiya ang matagal na pinaghirapang eks- | perimento sa wikang pangagham ni del Rosario. Bilingguwalismo sa Edukasyon ; Idineklara ang pag-iral ng batas militar noong 1972. Tumawag si Pangulong Marcos ng kumbensiyon para baguhin ang konstitusyon at isang maalingasngas na kaso sa naturang kumbensiyon ang probisyon tungkol sa wikang pambansa, Bago ito, noong 1970, mabuting ungkatin na iniutos ng Board of National Education ang isang patakaran ng gradwal na paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo saelementarya, mula sa Grade I ng taongaralan 1972-1973, at paunlad : taon-taon hanggang sa magamit ang Pilipino sa lahat ng grado. Sa taon ding iyon pinagtibay ng NBE ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa kursong : Rizal at sa mga klase ng Pamahalaan at Kasaysayan ng Filipinas sa mga kolehiyo at = unibersidad, gayundin saibang asignatura kung may gurong puwedeng humawak : nito sa Pilipino at may sapat na kahandaan ang mga magaaral. 4 Sa report ng Presidential Commission to Survey Philippine Education : noong Disyembre 1970, itinagubilin ang paggamit ng dalawahang wika sa : edukasyon—bernakular sa Grade lat Grade Il, Piliping sa Grade Il at Grade IV, : Pilipino-at Ingles sa sekundarya at edukasyong tersiyarya. Tiyakang umapekto ito ‘ sa pagbuo ng patakarang bilingguwal sa wika ng pagtuturo na pinairal ng NBE | noong Agosto 7, 1973 sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7. Samantala, lumabas noong 1972:ang diksiyonaryotesauro ni Jose Villa Panganiban na naglalaman ng 27,069 pangunahing lahok at 217,500 lahok na lexikal. Umaabot sa 12,000 sa mga ito ang hiram sa Espanyol, Ingles, Tsino, at wikang Indo-Europeo. Samantala masikap si Panganiban para ilista ang 47,601 : : singkahulugan mulang 12 katutubong wika ng Filipinas; 12,659 homonim na di- : singkahulugan; at 11,060 kogneyt at pagkakahawig. Pilipino versus Filipino Ngunit iginiit ng mga pangkating rehiyonalista, gaya ni Demetrio Quirino Jr. na > ang Pilipino ay “purong Tagalog lamang.” Sa mga pagdinig ng komite sa wika ng ® saligang-batas, lumitaw. ang panukalang “Filipino” upang maging wikang : pambansa. Para kay Quirino, ang Filipino ay isang amalgamasyon o pantaypantay ! na representasyon ng lahat ng wika sa Filipinas. Isa pang kontraPilipino, si Dr. : Ernesto Constantino, ang nagpasok ng tinatawag niyang “universal approach” at ye ALMARIO Mulang Tagalog Hanggang Filipino | nagpapanukala ng Filipino mula sa pambansang lingua’franca, | Hindi maikakaila na naapektuhan ng mga naturang panukala ang kumben- | siyong konstitusyonal. Kaya’t lumabas sa Konstitusyong 1973-ang tadhana upang gumawa ng “hakbang tungo.sa pagkakaroon at pormal na pagkilala'sa isang pans ' lahat na-wikang pambansa na tatawaging Filipino.” Gayunman, itinakda rin ng saligang-batas ang patuloy na pagiral ng Pilipino, kasama ng Ingles, bilangwikang : opisyal. Pagbagsak ni Marcos, muling naulit ang naturang alingasngas nang tuma- | wag si Pangulong Aquino ng Komisyong Konstitusyonal noong 1986. Idinam- : bana sa Sek: 69, Art. XIV ng nabuong saligang-batas ang Filipino bilang wikang : pambansa. Gayunman, malinaw sa paguusap ng komite sa wika ngCon-Com na : ang itinadhanang Filipino sa konstitusyon ay hindi ang nais ni Quirino at hindi : rin ang iginigiit ni Constantino. Manapa, nal la ang Filipino sa Pilipino bilang korpus nito. May atas lamang ang konstitusyon na: “Samantalang pina : uunlad ito (ang Filipino), higit itong lilinangin at payayamanin salig sa mga buhay na wika ng Filipinas at iba pang wika.” : Nakabatay sa katunayan ang patuloy na tangkilik ng Konstitusyong 1987 sa wikang pambansa. Maliwanag-sa mga survey kamakailan na sadyang malaganap na ang wikang pambansa at higit na ginagamit ng mamamayan kaysa Ingles. Nakabatay rin sa katunayan ang pagkilala sa Filipino bilang korpus at batayan ng Filipino. Hindi maikakaila na Pilipino ang uri ng wikang panturo sa mababa’t mataas na paaralan mula nang ipatupad ang edukasyong bilingguwal. Malaki ang : : epekto nito sa uri ng wikang higit na ginagamit sa mga lalawigan, kahit-na sa mga : pook na di-Tagalog, at sa ugnayang pangmadla. Sa survey halimbawa ng Surian noong 1982 sa wika ng tadyo at telebisyon, lumilitaw na ang gumagamit ng : : wikang pambansa ay may 82.55% Pilipino, 15.43% Ingles, 1.98% Espanyol, at 02% iba pang wika, Noong 1986, ang uri ng Filipino sa print media ay 79.76% * Pilipino, 14.95% Ingles, at 5.28% Espanyol. Mawawalang-saysay ang lahat ng paglaganap na ito kapag ipinilit ang panu- | kalang Filipino ni Quirino. Demokratiko man, imposible ang kanyang konsepto : ng pagsasamasama ng lahat ng wika sa Filipinas. Samantala, ipinakikita ng mga survey na limitado lamang sa mga edukado ang Filipino ni Constantino na ma- * raming kahalong Ingles. Totoo na mabilisan itong ginagamit ng mga edukado sa > parang pasalita o kumbersasyonal ngunit ayaw gamitin ng marami sa mismong ‘mga edukado kapag sa parang pasulat. Hinggil sa hilig gumamit ng Ingles at ihalo ito sa Filipino, mahirap itong supilin. Dahil lantad na lantad ang ordinaryong Filipino sa Ingles—mula sa wi- : kang panturo sa paaralan hanggang sa CNN, cable TY, at adbertisment—sadyang W ! Tradisyon af Wikang Fil malaki ang magiging papel ng Ingles sa ebolusyon ng wikang Filipino. Ingles ang magiging lansakang hiraman ng ating wika sa agham at teknolohiya. Ngunit may mungkahing disiplina ang Konstitusyong 1987. May probisyon : tungkol sa paglinang ng Filipino na pamamagitan ng katutubong wika ng Fili pinas. Ito kaipala ang pansupil laban sa labis na pagkahumaling sa Ingles at isang | ! magandang oportunidad upang dibdibang maasikaso ang paglalahok ng mga wika ng Filipinas sa wikang pambansa. : : Wika ng Modernisasyon May akala noon na isang akomodasyong pampolitika lamang ang pagbabago ng : pangalan ng wikang pambansa. Na ginawang Filipino ang Pilipino para mapahi nahon ang mga rehiyonalistang antiPilipino. Posible, noong umpisa. Ngunit natutunayan ng mga pangyayari na wasto at nararapat ang naturang pagpapalit ng pangalan. Kahic tila simpleng pagpapalit lamang ito ng F sa dating P, ang pasiyang : gawin ito ay sagisag at kaganapan ng isang prosesong pangkasaysayan. Sa panga- : : lang Filipino, kinakatawan ng wikang pambansa ang pagsulong ng pambansang : kaakuhan sa loob ng kasalukuyang siglo at ang naging kompleksidad ng kamula- : tang makabansa mula sa pinag-ugatan nitong konsepto ng Katagalugan ni Andres Bonifacio. Sinasagisag mismo ng pagpalit ng F sa Pang modernisasyong pinagdaraanan ! ng wikang pambansa. Hindi sapat ang 20 titik ng dating abakada para sa nag- babagong dila ng mga Filipino. Salig lamang sa Tagalog ang naturang 20 titik. May mga tunog sa ibang mga wika ng Filipinas na wala sa abakada. May tunog / : £/ halimbawa ang mga taga-Cordillerra. Kaya hindi sapat ang dating baybay na: Ipugaw para sa dapat sana’y Ifugaw. May tunog/v/ ang mga Ibanag, gaya sa “vugi” na tawag nila sa itlog ng isda. May tunog /j/ ang mga Ivatan gaya sa kanilang awiting-bayan na “laji.” Kaya’t kasabay ng pagngangalang Filipino ang modernisasyon din ng alpa- : beto. Tumawag ng mga konsultasyong pangwika ang Surian. Noong 1973, naaprobahan ang bagong alpabeto na may 31 titik, isang alpabetong higit pang ! maraming letra kaysa modernong Ingles o Espanyol. Muling idinaan sa pagsusuri : ang bagong alpabeto at noong 1987 pinagtibay ang pinalalaganap ngayong alpa- : beto na may 28 titik. Nadagdag sa 20 titik ng abakada ang mga titik CF, J, N,Q, WX, at Z. Sa pamamagitan lamang ng modernisasyon ng alpabeto ay nagiging bukas : at handa ang Filipino sa atas ng Konstitusyong 1987 na sumagap ng mag: : a2 ALMARIO Milang Tagalog Hangeang Filipine : : papayamang mga salita mula sa mga kacutubong wika ng Filipinas at gayundin : © mula sa Ingles at ibang wikang internasyonal. Ang modernisasyon ng alpabeto = ang isang malaki’t makabuluhang hakbang upang patuloy na maging makatu- ! * turan ang Filipino sa buhay ng mga Filipino hanggang sa susunod na siglo. Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata” at “ranggay” ng Iloko, sa “uswag” at “bihud” ng Bisaya, sa “santing” ng Kapampangan, sa : “Jaum’” at “magayon” ng Bikol at kahit sa “buntén” ng Butuanon at sa “suyid” ng Manobo. Samantala’y hindi ito hadlang sa madaliang pagpasok ng “swaharma,” “sashimi,” “glasnost,” “perestroika,” “shabu,” “megabytes,” “coliform,” “odd- : even,” at iba pang idadagsa ng satelayt at FAX ng globalisasyon. i Hulyo 9, 1997 = [an akties Hendin oy) noithy: pogryepret pale Pe PMI) 2 vor ng map bagyhin 1s sonyeo ~ monchetry bel? | koyortobon, Karilbgon fe pangpys — Renelearoe is bind: PY oy dm Stenting ~ ganda ny gamit 13:

You might also like