You are on page 1of 2

Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Pangalan:______________________________ Petsa:________
Baitang:________________________________

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang numero.

_____1. Ang ____ ng pagkain ay mahalaga upang magkaroon ng sapat na panahon sa paghahanda ayon
sa kagustuhan at pangangailangan ng mag-anak.
A. pagbabalak B .pagluluto C. pagsasaing D. pagdudulot
_____2.Ang ____ ang kailangan ng katawan ay dapat isipin sa pamimili ng pagkain.
A. halaga B. presyo C. kulay D. sustansiya
_____3. Maghanda ng ____ ng pamilihan upang makatipid sa oras at pagod bago pumunta sa palengke.
A. bagong damit B. listahan C. sapatos D. supot
_____ 4. Bumili ng maramihan upang _____ .
A. makamura B. masigurado C. maganda D. malinis
_____5. Mapagmasid sa mga _____ kung bumibili ng pagkaing mura.
A. halaga B. expiration date C. laki D. presyo
_____6.Mapagmasid sa _____ upang di-madaya kung bumibili ng por kilo.
A. kulay B. anyo C. timbangan D. bilang
_____7. Bumili ng pagkain _____ upang makatipid.
A. napapanahon B. masarap C. mahal D. malansa
_____8. Unahin bilhin ang mga _____ kung walang kasamang tagabuhat.
A. malaki B. bago C.magaan D. luma
_____9. _____ ang hasang ng sariwang isda.
A. Puti B. Berde C. Pula D. Manilaw-nilaw
_____10. Kapit na kapit ang_____ sa balat ng sariwang isda.
A. kaliskis B. buntot C.mata D. hasang
_____11. Maaaninag ang_____ ng sariwang itlog kapag itinapat sa ilaw.
A. ilong B. tubig C. pula D. sisiw
_____12. Walang di kanais –nais na amoy ang sariwang _____ .
A. isda at karne B. halaman C. puno D. balita
_____13. Ang sariwang gulay at prutas ay may matingkad na _____ .
A. kulay B. laki C. hugis D. anyo
_____14. Walang mga _____ at _____ ang sariwang butil.
A. butas , kulisap B. sustansiya , bitamina C. Hugis, anyo D. kulay, asul
_____15. Pag-aalis ng balat gamit kamay.
A. paghihiwa B. pagbabalat C. pagsasala D. pagbababad
_____16. Mabilis na paghahalo ng itlog hanggang sa ito’y mabula.
A. pagbabati B. pagbabanli C. pagtatalop D. pagsasala
_____17.Paghihiwalay ng likido o sabaw sa pira-pirasong laman ng pagkain.
A. paghihimay B. pagtatadtad C. pag-iihaw D. pagsasala
_____18. Paghiwa ng pagkain na kailangan pinuhin.
A. pagkukudkod B. pagsasala C. pagkukutsilyo D. pagtatadtad
_____19. Pag-aalis ng balat gamit ng kutsilyo.
A. pagtatalop B.pagsasala C. pagkikiskis D. pagbababad
_____20. Pagdudurog ng mga pagkain gaya ng paminta.
A. paghihimay B. pagdidikdik C. pagbabati D. pagsasala
_____21. Pagkukuskus sa kudkuran ang pagkain tulad ng niyog.
A. paghihiwa B. pagbababad C. pagkukudkud D. pagdidikdik
_____22. Paglubog ng pagkain sa mainit na mainit na mantika.
A. pagtutusta B. paghuhurno C. pagpiprito D. pagsasangkutsa
_____23. Ang pagkain ay niluluto sa tubig hanggang umabot sa punto ng pagkulo.
A. pag-iihaw B. pagkukulo C. pagtutusta D. paggigisa
_____24. Paraan ng pagluluto ng mga sahog ng pagkain sa kaunting bawang, sibuyas, kamatis, at mainit
na mantika.
A. pagkukulo B. paggigisa C. paglalaga D. pagbabanli
_____25. Pagluluto ng pagkain sa ibabaw ng nababagang uling.
A. pagtutusta B. paglalaga C. pag-iihaw D. pagbabagang
_____26. Paglalagay ng inihandang pagkain sa loob ng mainit na oven.
A. paghuhurno B. paghihiwa C. pagsasala D. pagbabati
_____27. Panandaliang paglubog ng pagkain sa kumukulong tubig.
A. pagbabalat B. pagbabanli C. pagsasangkutsa D.pagdidikdik
_____28. Ang madahong gulay ay hindi dapat lutuin nang _____ .
A. matagal B. maikli C. mabagal D. mabilis
_____29. Ang hiniwang karne ay hindi dapat ibabad sa tubig upang hindi mawawala ang _____ .
A. lasa B. amoy C. bitamina B complex D. kulay
_____30. Ang pangingitim ng mga balat ng prutas ay maiiwasan kung ibabad ito sa _____ .
A. katas ng kalamansi B. asin C. tubig D. sabaw
_____31. Ang bigas ay higit na masustansiya kung ito ay _____ .
A. maputi B. malaki C. maliit D. di-gaanong maputi
_____32. Ihain ang pagkain kung ito ay _____ pa.
A. malamig B.mainit C.masarap D. mabango
_____33. Iwasan ang paulit-ulit na pagpapainit ng pagkain dahil dumarami ang _____ kaya nag-iiba
ang lasa.
A. sabaw B. baktirya C. gulay D. sahog
_____34. Ang lahat ng pagkain ay ihahain hangga’t gusto pang kumain.
A. smorgasboard B. individual cover C. Russian style D. family style
_____35. Pag-aayos para sa isang paghahain sa isang tao.
A. English style B. Japan style C. individual cover D. mother style
_____36. Ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain ang kukuha ng kanilang
gustong kainin.
A. American style B. Buffet style C. Russian style D. Smorgasboard
_____37. Pormal na pag-aayos ng mesa. Ang bawat kakain ay bibigyan ng pagkain at tuwing matapos
kumain ay aalisin at papalitan ng susunod na pagkain.
A. Russian style B. Japanese style C. Chinese style D. Filipino style
_____38. Ang mesa ay nakaayos ayon sa bilang at dami ng kakain.
A. Family style B. Parent style C. Smorgasboard D. Buffet style
_____39. Sa individual cover ang plato ay inilalagay nang nakatihaya sa gitna ng _____.
A. placemat B. silya C. lababo D. tokador
_____40. Ilagay ang _____ sa kaliwang bahagi ng plato.
A. baso B. kutsara C. pitsel D. tinidor
_____41. Ang kutsara ay nasa _____ ng kutsilyo.
A. kanan B. kaliwa C. likod D. itaas
_____42. Ang mga pagkain may sabaw ay inilalagay sa malalim na _____.
A. platito B. bandehado C. mangkok D. pitsel
_____43. Sa paghuhugas ng kasangkapan sa pagkain, unang hugasan ang mga _____ sapagkat ito ay
di-gaanong narumihan.
A. baso B. pinggan C. kutsara D. platito
_____44. Huling hugasan ang _____ at _____.
A. Bandehado, plato B. pitsel, kutsara C. kaldero, kawali D. kutsara tasa
_____45. Lalaking malusog ang mga pananim kung _____ ito sa umaga’t hapon.
A. hawakan B. didiligin C. titingin D. kantahin
_____46. Tanggalin at bunutin ang mga _____ upang hindi sagabal sa maayos na pagtubo ng mga
pananim.
A. Ligaw na damo B. dahon C. sanga D. ugat
_____47. _____ ang lupa sa paligid ng pananim upang makahinga ang mga ugat para yumabong at
lumago nang husto.
A. tulusan B. Bungkalin C. duraan D. Ihian
_____48. Haluan ng _____ ang lupa kung mabagal ang paglaki ng halaman.
A. asukal B. asin C. kape D. pataba
_____49. Isang uri ng pataba mula sa tuyong damo, dahon, balat ng prutas at gulay at mga dumi ng
hayop na ipinabubulok sa isang hukay.
A. compost B. basket composting C. basurahan D. kanal
_____50. Pagbubulok ng mga basura sa isang sisidlan.
A. Basket composting B. balde C. lata D. palanggana

You might also like