You are on page 1of 2

EDUKASYON PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan: ___________________________ Baitang:__________

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

____1. Isang gawaing kamay nagpapaganda ng tela sa pamamagitan ng karayom at sinulid.


A. Pagluluto B. Pagbuburda C. Pagsasaing D. Pagtatanim
____2. Nagmula sa ____ ang pagbuburda.
A. Ehipto B. Italya C. Amerika D. Malaysia
____3. Ang magandang burdang ___ ay anyong lubid sa ibabaw at anyong makina sa kabaligtaran.
A. Balangkas B. Satin C. Pranses D. Ohales
____4. Ang uri ng burdang magkaagapay at dikit-dikit ang tahi na ginagamit sa talutot ng bulaklak.
A. Balangkas B. Pranses C. Satin D. Ohales
____5. Ang kapaligiran ng tahanan ay nagiging kaakit-akit sa pamamagitan ng ___.
A. mataas na damo B. namumulaklak na pananim
C. mataas na bakod D. malinis at maayos na kapaligiran
____6. Maaaring ___ o ibaon ang basura para mawala.
A. Ihagis B. itapon C. sunugin D. walisin
____7. Sa ____ ito ay pinapatay ang mga mikrobyo at organism.
A. pagbabaon B. Pagtatanim C. Pagsusunog D. Pagtutusta
____8. Lumilikha ng mga tirahan ng langgam, langaw at ipis ang ___ ng basura.
A. pagbabaon B. Pagtatapon C.pag-aarya D. Paghahagis
____9. May mabuting magagawa sa basura na tinatawag na
A. Bio intensive B. Recycle C. sloping D. gardening
____10. Ang ___ ng hayop ay isang gawaing makatutugon sa pangunahing kailangan sa pagkain at
makapag-unlad sa kabuhayan ng mag-anak.
A. pag-aalaga B. pagkakatay C. pagpapakain D. pagbibigay
____11. Makakakuha ng itlog at ___ mula sa manok at itik .
A. gatas B. karne C. pera D. wala
____12. Ang itik ay inaalagaan para sa paggawa ng ____ .
A. balut B. dekorasyon C. hamon D. laruan
____13. Pinakakilalang uri ng manok sa produksyon ng itlog.
A. Cornish B. Plymouth Rocky C. Single comb white leghorn
____14. Kailangan ng manok ang ____ na kulungan.
A. mahabang B. maluwag C. marumi D. maikli
____15. Ang ____ ay uri ng manok na inaalagaan upang patabain at gawing pagkain.
A. broiler B. dumalaga C. layer D. bird
____16.Uri ng manok na nagbibigay ng itlog.
A. broiler B. rooster C. layer D. ibon
____17. Ang ___ ay pagpapainit sa mga sisiw mula pagkapisa hanggang sa gulang na apat na
linggo.
A. brooding B. growing C. mash D. pagpapaliwanag
____18. Ang layer o dumalaga ay pinakakain ng ____ upang ihanda sa pangingitlog.
A. growing mash B. pilets C. developer mash D. mais
____19 . Ibukod ang mga dumalagang bihirang ____ .
A. tumae B. mangitlog C. uminum D. kumain
____20. Maaaring mag-alaga ng baka upang ito ay ____ , patabain at makain ang karne.
A. gatasan B. paitlogin C. pangkarera D. pangdisplay
____21. Ang mga produktong galing sa alagang hayop na labis sa pangangailangan ng mag-anak ay
maipagbibili kung ito ay may ____ na uri. A. mataas B. malaki C. mabango D. makulay
____22.Dapat isaalang-alang ang oras ng pagbyabyahe na d-gaanong mainitan ang mga hayop na
pinagbibili ng buhay upang hindi ____ ang hayop.
A. mahilo o mamatay B. masagasaan C. matagtag D. masipon
____23.Ang isdang tulad ng hito at dalag ay inilalagay sa sisidlang may kaunting ____ kung
maipagbibili.
A. basura B. pagkain C. tubig D. asin

1
____24. Ang ipinagbibiling gatas ng kambing, kalabaw, o baka ay inilalagay sa inisterilisadong bote
upang mamatay ang ____.
A. bitamina B. mikrobyo C. sustansiya D. insekto
____25.Nakakabuting alamin ang pangkasalakuyang ____ ng mga produktong ipagbibili upang hindi
malugi. A. halaga B. nakabote C. timbang D. produkto
____26. Ginagamit sa paggawa ng maliit na butas.
A. balbike B. barena C. kikil D. hasaan
____27.Ginagamit sa pagsusukat.
A. Iskwala B. lagare C. martilyo D. gato
____28. Ang ____ ginagamit sa pang-ipit sa mga materyales.
A. foot rule B. malyete C. pait D. gato
____29. Karaniwang ginagamit sa pamputol ng kahoy.
A.liyabe B.disturnilyador C. kikil D. lagari
____30.Gusto mong luwagan ang turnilyo ng bisagra, alin ang gagamitin mo ?
A. gunting B. kutsilyo C. disturnilyador D. ruler
____31. Ginagamit sa pagpihit ng tuwerka o nut upang higpitan o luwagan ito.
A. liyabe B. balbike C. plais D. katam
____32. Ang ____ ay ginagamit sa pamutol ng alambre.
A. gato B. nut C. plais D. aunger bit
____33. Ginagamit upang kuminis at pumantay ang ibabaw ng kahoy.
A. brace B. c’clamp C. katam D. barena
____34. Mahalagang matutunan ang pagkukumpuni ng payak na kasiraan sa tahanan upang ____.
A. maiwasan ang paglaki ng sira nito B. makapamasyal ng maaga
C. makatulog ng maayos D. makapagbili ng bagong kagamitan
____35. Gumagamit ng ____ na pambakal upang maalis ang kalawang sa gunting o kutsilyo.
A. papel de liha B. bato C. lupa D. buhangin
____36. Parating hawakan ang martilyo sa ____ ng hawakan upang mas malakas ang puwersa sa
pagpukpok. A. gitna B. ulohan C. dulo D. hawakan
____37. Gumamit ng pangkalso kung ____ ang pako at hindi kayang bunutin ito.
A. mahaba B. maikli C. makalawang D.manipis
____38. Ilagay sa matibay at ____ na patungan ang kahoy na lalagariin upang matiyak na maayos at
tuwid ang paglalagari. A. bago B. matatag C. malinis D. marumi
____39. Piliin ang wastong sukat ng____ na angkop para sa laki ng butas na nais gawin.
A. haksaw B. turnilyo C. auger bit D. brace
____40. Tiyakin na ____ ang talim ng pait na gagamitin.
A. makalawang B. mapurol C. matalas D. malaki
____41. Ang direksiyon ng pait ay parating ____ sa may hawak nito kapag ginagamit upang
maiwasan ang sakuna.
A. papalayo B. malapit C. papalapit D. mabuti
____42. Tiyakin na ____ ang sukat na kinuha bago ito markahan.
A. mali B. tama C. malaki D. makapal

____43. Gumamit ng matulis na ____ sa pagmamarka ng sukat sa materyales.


A. pako B. kutsilyo C. disturnilyador D. lapis
____44. Gumamit ng angkop na ____ sa laki at uri ng turnilyo upang di- masira ulo nito.
A. disturnilyador B. plais C. lagare D. martilyo

____45. Bahagyang ____ ang lugar na lalagyan ng turnilyo.


A. linisin B. kagatin C. butasan D. hawakan
____46. Sundan ang ____ ng kahoy kung nagkakatam upang maging pantay at makinis ang
pagkakatam.
A. hilatsa B. butas C. tulis D. talas
____47. Gumamit ng ____ upang subukin kung pantay na ang bahaging kinatam.
A. ruler B. iskwala C. metrong tiklupin D. medidang asero
____48. Dapat sundin ang ____ bago haluin ang pandikit.
A. direksiyon B. hilatsa C. linya D. marka
____49. Kapag maalis ang kalawang punasan ng ____ upang hindi ito kalawangin uli.
A. langis B.sabon C. lotion D. alcohol
____50. Bahagyang ____ ang hasaan bago hasain ang talim ng mga kutsilyo o gunting.
A. basain B. kausapin C. sabonin D. awayin
2

You might also like