You are on page 1of 3

Pagpapatupad ng online class

Ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman kaya’t kailangang pahalagahan.
Paulit-ulit man nating naririnig ang salawikaing ito, hindi pa rin maikaka-ila ang katotohanang taglay nito.
Ngunit sa panahon ng pandemyang ito, paano kung hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala
sa’tin kundi maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus, anong mas pipiliin mo?

Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral, kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng
paggamit sa internet, at ang mga estudyante ay hindi na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo ng personal sa klase at makaharap ang guro maging ang mga kamag-aral. Ayon sa DepEd, bahagi
ng Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP) o ang kanilang magiging hakbang para sa
pagharap sa COVID-19 ay ang pagpili ng mga eskwelahan sa mga makabago at iba't-ibang paraan at sistema
ng pag-aaral kabilang ang mga sumusunod: face-to-face, blended learning, distance learning, homeschooling,
and other modes of delivery. Ang  Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at Alliance of Concerned Teachers
(ACT) of the Philippines ay pabor din na hindi muna ituloy ang pagbubukas ng klase bagkus ay gamitin na
muna sana ng pamahalaan ang panahon para mas paigtingin ang pakikipaglaban sa COVID-19. Kung kaya’t
napilitan ang mga guro at mag-aaral na lumipat sa mga online class o modular learning. Hindi maaaring
magkaroon ng mga klase sa paaralan dahil sa banta na dala ng COVID-19. Dahil sa pandemya, isa na nga
ang sektor ng edukasyon sa tuluyang naapektuhan. “Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno
bilang alternatibo upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang pumasok
sa mga paaralan. Bilang bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa,
ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan.

Handa na nga ba ang Pipilinas sa sistema ng ‘online education’? Epektibo nga ba ang paraang ito para
masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap nito? Ang online classes na ang pinakamabisang paraan sa
ngayon upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit may kinahaharap na pandemya ang mundo. Sa paraang ito
hindi na kinakailangang ng mga kung anu-ano pang mga kagamitan, basta’t may koneksyon ka lamang sa
internet ay maaari nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na paraan. Sinasabing
ang online education ang magiging daan upang matuto ang mga kabataan sa paggamit ng makabagong
teknolohiya. Magkakaroon sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga bagong paraan ng pag-aaral. Sa
hakbang ding ito, mas makakasabay na ang karamihan sa pagtanggap ng makabagong paraan ng tungo sa
paglinang at pagkatuto ng mga kabataan sa bansa. Sinasabi rin na hindi na kinakailangan ng mga mag-aaral
na pumunta sa kani-kanilang paaralan. Sa online education mas makakatipid ng oras ang mga kabataan dahil
hindi na nila kinakailangan gumastos ng pamasahe papasok at siguradong makakabawas sa gastos. Sa
pananaw na ito, marami ang mas makakatipid habang patuloy na natututo.

Samakatuwid, may kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang 
magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang
na may subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o Messenger. Alam
naman natin na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet.
Ito ang siguradong pinakamalaking problemang dadalhin ng mga mag-aaral kung matutuloy ang sistemang ito.
Magiging mahirap ang sistemang ito sa parte ng mga mag-aaral. Maraming magiging balakid at istorbo sa
kanilang mga pokus at maaring magdulot ng karagdagang stress at iba pang mga bagay. Hindi lahat ng mga
mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na koneksyon ng internet at isa pang problema nito ay
ang mga lugar na wala ring maayos na signal. Hindi gaanong epektibo ang online class lalo at may mga
pagkakataon na humihina ang internet connection. At iba pa rin ang personal na interaksiyon sa pagitan ng
guro at mga mag-aaral at ang pagkakaroon ng aktibidad na magkakasama ang magkakaklase.

Ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa gitna ng pandemya ay napakahalagang desisyon hindi lang sa


Pilipinas kundi sa lahat ng bansa sa buong mundo. Bagama’t ang paaralan ay isang plataporma kung saan
ang mga bata ay napapaunlad ang mga kasanayan hindi lamang sa akademiko kundi pati sa pakikisalamuha
at pagsasagawa ng mga extra-curricular activities. Para sa akin, ang online class ay isang hindi
makatarungang sistema ng edukasyon sapagkat ito ay hindi para sa lahat. Maraming mga mag-aaral sa isang
mahirap na bansa tulad ng Pilipinas ang wala namang kompyuter, cellphone, at koneksiyon sa Internet. Ang
mga musmos na tahimik na nagmamatyag sa ating mga ikinikilos. Naiiwan silang nakabitin sa pag-
aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at kung paano na mabibigyan ng prayoridad ang kanilang
karapatan sa pag-aaral. Kahit ang pamahalaan ay namomoblema sa magiging takbo ng edukasyon. Ang pag-
aaral sa pamamagitan ng online class ay dapat mapalalim pa sa pamamagitan ng konsiderasyon na hindi
lahat ng ating estudyante ay magiging masaya sakaling tuluyang ihinto ang muling pagbubukas ng mga
paaralan ngayong taon. At dahil mas abala tayo sa pagiging kritiko sa mga ginagawang desisyon ng ating
gobyerno, maaaring nakakaligtaan na nating bigyan ng atensyon ang pagdinig sa boses ng ating mga
nasasakupan. Dahil dito, mas siksik ang mga konsepto na kailangan pag-aralan ng mga estudyante sa
limitadong oras. Marami rin silang kinakailangang sagutan sa mga oras na hindi sila nakaharap sa mga online
na klase. Sa ayaw man natin at sa gusto, may hindi magandang epekto sa kalusugan ang matagal at araw-
araw na pag-gamit ng mga gadget, nakakasama ito sa mata, sa pag-iisip, at sa kabuuang kalusugan. Ngunit,
huwag nating hayaan na mawala o mahinto ang pagkatuto nating mga mag-aaral, bilang ka-bahagi ng mga
mag-aaral tayo ay sama-samang lalaban upang matamo ang ating karapatan sa edukasyon, kabuhayan at
kalusugan. Ang usaping ito ay tiyak na magkakaroon ng mahabang diskusyon sa bayan. Sa ngayon, ano’t ano
pa man ang maging resulta ay iisa lang naman ang ating layunin, ang mapuksa ang COVID-19 upang
makabalik na sa pag-aaral ang lahat.
References

Ako Ay Pilipino. (2020, August 26). Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan. Ako Ay
Pilipino. https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-mga-
kabataan/

‌Ki. (2020, December 14). Slogan Tungkol Sa Online Class / Modular Learning. Philippine News; Philippine
News. https://philnews.ph/2020/12/14/slogan-tungkol-sa-online-class-modular-learning/

‌Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang Pasukan? (2020). Thelookout.com.Ph.


https://thelookout.com.ph/article/online-classes-epektibo-nga-ba-para-matuloy-ang-pasukan

You might also like