You are on page 1of 1

“Empatiya ngayong Pandemya”

Jamie Faith C. Alingig, mag-aaral ng Garcia College of Technology Inc. nakapaloob sa


Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand, baitang labing-dalawa, seksyon
Lavoisier. Isang makabuluhang araw po sa ating lahat.

Sinong magaakalang mararanasan natin ang ganitong pangyayari ngayong taon? Nuong
nakaraang taon, ang aking iniisip ay kung papaano ko susulitin ang huling baiting ng hayskul
kasama ang aking mga kaibigan o di kaya ay kung paano ako maghahanda para sa kolehiyo. Pero
ito tayo ngayon, nagkaroon ng pandemya at nag-aadapt sa “new normal”.

Ang “new normal” ay kung saan bawal ang pagtitipon ng tao sa isang lugar, kailangang
magsuot ng face mask at magsanitize ng kamay upang maiwasang kumalat at mahawaan ng
Covid-19 virus. Sa mga nakalipas na buwan, marami satin ang hindi kaagad nakapag-adjust at
nahihirapan parin sa sitwasyon ngayong “new normal”. Ayon sa CNN Philippines, maaaring
dumami ang mga Pilipinong maghirap at manatiling walang trabaho hanggang sa susunod na
taon. Dahil bawal ang pagtitipon, maraming negosyo ang nalugi ang napilitang magsarado.
Marami din ang nawalan ng trabaho dahil hindi na kayang magpasweldo dahil sa kakulangan ng
kita.

Dahil din sa pandemya, nagbago din ang paraan ng pag-aaral. Kung dati ay pumupunta
ang mga guro at estudyante sa paaralan, ngayon ay sa bahay nalang sila at nagkaklase online.
Ngunit marami din ang nahirapan sa bagong paraan ng pag-aaral. Maraming estudyante ang
hindi nakapag enroll ngayong taon dahil wala silang pambayad ng tuition. Marami din ang
nahihirapan ngayon sa online class dahil sa internet connection, gastos sa load, at iba pa.

Sa panhon ngayon, dapat manaig ang empatiya para sa isat-isa. Ang empatiya ay ang
kakayahang magbahagi at maunawaan ang mga emosyon ng iba. Ang empatiya ay maaari ding
matukoy bilang paglalagay ng iyong sarili sa iba pang mga sapatos, iyon ay pakiramdam mo
kung ano ang nararamdaman ng ibang tao. Unawaan natin ang isat-isa at intindihin nating hindi
parepareho ang ipinagdadaanan nating lahat. Mas mahgalagang magtulungan tayo sa panahong
ito.. Ika nga nila, “not all of us are on the same boat, but we are on the same ocean.”

You might also like