You are on page 1of 2

Kaalaman ukol sa Climate 

Change
Posted on December 8, 2008 by page6
A. ANO BA ANG CLIMATE CHANGE O GLOBAL WARMING?
Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o
klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti-unting
pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa
pagtunaw ng mga “glaciers,” panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na “climate sensitive
diseases” tulad ng malaria.
 
Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa
ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na
ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasolina, at sa uri ng pamumuhay
natin na hindi nakakatulong sa pag-ibsa ng paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases.
 
B. 12 TIPS ON HOW TO DO YOUR SHARE IN THE FIGHT AGAINST GLOBAL WARMING /
CLIMATE CHANGE:
 
Lahat tayo ay may maitutulong sa pangmalawakang pagkilos laban sa climate change. Ito ay mga bagay
na maaari nating gawin sa pamamagitan ng pagbabago sa uri ng ating pamumuhay.
 
1. CHANGE YOUR LIGHT BULBS (Magpalit ng bumbilya)
Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs).
2. OPEN A WINDOW (Buksan ang inyong mga bintana)
Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw sa ating mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay
huwag nang buksan ang inyong aircon.
3. WASH CLOTHES IN BULK (Maglaba nang maramihan)
Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para makatipid sa paggamit ng
kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo.
4. UNPLUG APPLIANCES WHEN YOU CAN (Bunutin ang plug ng appliances kung hindi rin naman
ginagamit)
Ang mga TV, stereo, at video players na naka stand-by mode ay kumukunsumo pa din ng kuryente.
Bunutin ito kung hindi rin naman ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente.
5. TAKE CARE OF YOUR CAR (Panatilihing maayos ang sasakyan)
Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang
sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.
6. DRIVE CAREFULLY (Magmaneho nang maayos)
Huwag padalos-dalos sa pagmamaneho. Iwasan ang biglaang pag-arangkada. Singkuwenta porsiyento ng
gasolina ang naaaksaya dito.
7. RIDE THE BUS (Sumakay ng bus)
Maglakad, sumakay ng bisikleta, LRT o MRT. Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina, mababawasan
pa ang polusyon na nagdudulot ng climate change.
8. JOIN A CARPOOL (Sumali sa Carpool)
Makisakay sa car pool o mag-alok sa iba na sumabay sa iyo kung ikaw ay gagamit ng kotse.
9. PAY YOUR BILLS ONLINE (Bayaran ang bills mo sa internet)
Gamitin ang online payment facilities para bayaran ang mga bills mo. Ito ay makakatipid sa paggamit ng
sasakyan at mababawasan ang paggamit ng tseke na nagpapadagdag lamang sa naiipong dumi sa
kapaligiran.
10. DON’T GET ADDICTED TO YOUR COMPUTER (Huwag palagiang gumamit ng computer)
Huwag gumamit ng computer nang patuloy-tuloy. Kung apat na oras lamang sa isang araw natin
gagamitin ito ay makakabawas tayo ng carbon dioxide emission nang 83%
11. NO MORE PLATIC BAGS (Huwag nang gumamit ng plastic bags)
Gumamit ng bag na puwedeng gamitin nang paulit-ulti para mabawasan ang plastic bag na itinatapon. Ito
ay nagdudulot ng tinatawag na greenhouse gases.
12. USE RECYCLED PAPER (Gumamit ng recycled paper)
– Gumamit ng recycled paper. 60% ng kuryente ang matitipid sa paggawa ng recycled paper kumpara sa
paggawa ng bagong papel. Ito ay magdudulot ng katipiran na 4,400kwh sa kunsumo ng enerhiya, 30,000
litrong tubig, at 19 na puno sa bawat tonelada ng recycled na papel na magagawa.

You might also like