You are on page 1of 4

Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “pangloob”

gayundin sa tugon sa pabago-bagong panglabas na pwersang gawa at di-gawa ng


tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng mga bulkan, at ng greenhouse
gases. Tanggap ng maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang
mundo ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersiyal lalo na sa labas ng
komunidad ng mga siyentipiko.

Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng


mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating
planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na
kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas ng 30 °C at hindi
matitirahan. Kaya sinasabing hindi tama na may debate sa pagitan ng “naniniwala”
at “laban” sa hinua na ang pagdaragdang ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid
ng mundo ay magbubunga ng mainit na temperatura sa balat ng lupa kung walang
magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay tungkol sa netong epekto sa
pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.

Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan (ekilibrio)


kasama ang pagpwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa
inersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang
mga epekto. Ang mga masusing pag-aaral sa klima ay nagpapakita na iinit pa rin
ito ng 0.5 °C to 1.0 °C kahit mapanatag ang mga greenhouse gases.

Mga tala ng carbon dioxide at pandaigdigang temperatura sa mundo sa loob ng


750,000 taon.
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing
ondang radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang
onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang na nagpapahirap sa mundo
na mapalamig ito.
Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrasyong panghimpapawid ng
carbon dioxide at methane kumpara sa antas bago naging industriyal ang mundo
noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang panahon nitong huling
650,000 taon, kung saan may matibay na ebidensiya mula sa mga ice cores (sample
ng yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensiyang heolohika,
pinaniniwalaang ang ganitong kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40
milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng mga emisyong dulot ng
tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay
dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay
pinangungunahan ng pagbabago sa paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot ng
kagubatan .

Ang pinakamahabang pagsukat instrumental ng ratio ng paghahalo ng carbon


dioxide sa himpapawid ay nagsimula noong 1958 sa Mauna Loa, Hawaii. Mula
noon, ang katamtamang (average) taunang halaga nito ay tumaas mula 315 ppmv
na ipinakikita ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon ay umabot ng 376 ppmv
noong 2003. Ang Timoging Polo (South Pole) ay nagpakita rin ng kamukhang
pagtaas. . Ang buwanang pagsukat ay nagpapakita ng maliit na panapanahong
osilasyon. Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon mula sa mga
tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang pinanggagalingan ay natural tulad
ng anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang
bukid . Sinasabi ng ebidensiya na nasumpungan kamakailan lamang na ang mga
kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC). Tandaan na ito ay
kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na
dulot ng tao (Ealert).

Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng


mga produkton petrolyo. Ang direksiyon nito ay hindi segurado at depende sa
lagay ekonomiko, panglipunan, teknolohikal at natural na pag-unlad ng tao. Ang
espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na pagtaas ng
carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng
isang milyon) pagdating ng 2100.
Singaw ng mga greenhouse gases na gawa ng tao ayon sa sektor noong taong 2000.
Ang pagpapalabas ng CO2 na dulot ng tao mula sa pagsunog ng produktong
petrolyo – ipinakikita ang abuloy sa kabuuang pagpapalabas ng CO2 , 1990.
Batayan: UNFCCC

Sa buong mundo, ang karamihan ng emisyon ng greenhouse gas na dulot ng tao ay


mula sa pagsunog ng petrolyong langis. Ang tira ay sinasabing mula sa mga
“puganteng petrolyo” (petrolyong singaw sa produksiyon at paguusad ng
produktong petrolyo), emisyon ng mga prosesong industriyal (di kasama ang
pagsunog ng petrolyo), at ng sakahan: magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%,
5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na maikukumpara ang kasalukuyang datos
rito . Halos 17% ng singaw ay dulot ng pagsunog ng petrolyo sa paggawa ng
koryente. Isang maliit na porsyento ng singaw ang dulot ng kalikasan at
biyolohikang dulot ng tao na kung saan halos 6.3% ay methane at nitrous oxide na
galing sa sakahan.

Ang positibong ganting epekto tulad ng inaasahang pagsingaw ng halos ng 70,000


milyong tonelada ng methane mula sa permafrost peat bogs sa Siberia, na
nagsimula nang matunaw dahil sa pagtaas ng temperatura ay maaaring magdulot
ng malaking dagdag na pagkukunan ng singaw ng greenhouse gas. . Tandaan na
ang emisyong dulot ng tao ng iba pang lasong pampaligid – bantog dito ang
aerosol ng sulfate (sulfato) – ay may pampalamig na epekto. Maaring nagpapakita
ito sa papatag/palamig na nakita sa talâ ng temperatura sa gitna ng siglo 20 na
maari ring dulot ng pagtitimping dulot ng kalikasan.

Mga Alternatibong Hinuha


Maraming alternatibong hinuha ang iminungkahi upang ipaliwanag ang
namatyagang pagtaas sa pandaigdigang temperatura kasama rito ngunit di limitado
ang mga sumusunod: • Ang pag-init ay nasa loob ng lawak ng likas na pagbabago.
• Ang pag-init ay resulta ng pagluwal mula sa nakaraang panahong kalamigan -
ang Maliit ng Edad Yelo. • Ang pag-init ay resulta ng pagbabago sa sikat ng araw.
Sa kasalukuyan, maliit ang suporta rito sa loob ng komunidad ng mga siyentipiko
sa panahon bilang dahilan sa pag-init kamakailan. Hinua sa pagbabago sa araw

Dalawampung taon palabas ng araw

Sa mga pag-aaral ng modelo na inilathala sa IPCC Third Assessment Report


(TAR) ay hindi nagpakita ng pagbabago sa pagpwersa ng araw ay kinakailangan
upang ipaliwanag ang rekord ng panahon nitong 4 o 5 dekada. . Ang pag-aaral na
ang pwersa ng bulkan at araw ay maaring nagdulot sa kalahati ng pagbabago ng
temperatura bago 1950. Subalit ang netong epekto ng mga pwersang ito ay
sinasabing neutral mula noon . Partikular rito sinasabing ang pagbabago sa
pagpwersa sa panahon mula sa mga greehouse gases mula 1750 ay tinatayang 8
beses na mas malaki kaysa sa pagbabago sa pagpwersa na dulot ng pagtaas ng
aktibidad ng araw nang parehong panahon. . Mula nang ilathala ang TAR,
maraming pag-aaral (Lean et al., 2002, Wang et al., 2005) ang nagmungkahi na
ang mga pagbabago sa sikat mula pa ng panahon bago panahong industriyal ay
maliit ng 3-4 ng ulit sa rekonstruksiyong ginamit sa TAR (e.g. Hoyt and Schatten,
1993, Lean, 2000.). Itinayá ni Stott et al. na ang pwersa mula sa araw ay 16% o
36% ng pag-init mula sa greenhouse gases. Sa kalahatan, ang makaagham na antas
sa pagkaunawa sa pababago sa sikat ng araw ay sinasabing napakababa .

Gayunman, may ilang mananaliksisik (e.g. ) ang nagmungkahi na ang tugon mula
sa ulap o ibang proseso ay nagpapabuti sa direktong epekto ng pagbabago ng araw.
Nasumpungan ni Solanki, et al (2004) na ang aktibidad ng araw nitong huling 60
hanggang 70 taon ay nasa kanyang pinakamataas na nibel sa 8,000 taon. Di naman
ayon si Muscheler et al na nakasumpong ng kamukhang mataas ng nibel ng
aktibidad nang nakaraan . Iniiulat ni Solanki ng ang nakaraang ugali ng araw ay ay
aabot ng 50 taon.

Mga Hulang Magiging Dulot

You might also like