You are on page 1of 1

Tulong ng sibilyan kinilala ng AFP

Posted on March 30, 2009 by tugononthenews


KINILALA ng Armed forces of the Philippines (AFP) ang katapangan at kabayanihan ng dalawang
sibilyan laban sa mga rebeldeng komunista na kumikilos sa Ilocos Region.

Kamakailan ay binigyan ng P730,000 cash na pabuya ang dalawang ordinaryong mamamayan sa Ilocos
Sur dahil sa naging instrumento umano ang mga ito sa pagkakasugpo sa dalawang notorious na lider ng
Communist Party of the Philippines/New Peoples’ Army (CPP/NPA) na kumikilos sa nasabing rehiyon.

Ang una ay binigyan ng P700,000 dahil sa ibinigay nitong impormasyon na naging daan upang masugpo
si Estella Gallejo y Haban, alias Elvie, sa Barangay Commillas Norte, Cervantes, Ilocos Sur noong
Setyembre 28, 2007.

Ang ikalawa ay binigyan ng P30,000 dahil sa naging susi umano ito sa pagsugpo sa communist leader na
si Edwin Gonzales y Dulay, alias Ked, sa Barangay Lalong, Sta. Cruz, Ilocos Sur noong Oktubre 9, 2007.

Ang pabuyang ay tinanggap ng dalawa sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Northern Luzon
Command Office (NOLCOM) sa Camp Aquino, Tarlac City kamakailan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, kinilala ni NOLCOM commander Chief Lt. Gen. Rodrigo Maclang
ang kahalagahan ng mahigpit na pakikipagtulungan ng civilian community sa pamahalaan sa paglutas ng
insurgency problem.

“The military alone cannot solve insurgency. If we want to stop this four decade-long problem, we must
employ a convergence-driven approach or strategy. We need the full support of all stakeholders in order
to succeed in our campaign against communist terrorists. We do not have to wait for 2010 to get our acts
together lest they (CPP/NPA) succeed in doing more damage to our economy and national stability,”
ayon kay Maclang.

You might also like