You are on page 1of 1

RP pinakasikat na tourist destination sa 

Asia

Posted on April 30, 2009 by tugononthenews

KINILALA ang Pilipinas bilang “most popular destination sa Asia” ng mga turista sa katatapos na World

Travel Fair na ginanap sa Shanghai, China kamakailan.Ito ay ikinatuwa ni Pangulong Gloria Macapagal-

Arroyo at Tourism Secretary Ace Durano at mga tourism investors sa bansa dahil ang karangalan

umanong ito ay higit na magpapasigla sa local tourism industry kung saan makikinabang ang maraming

manggagawang Pilipino.

“Our country, receiving the highest laurel in Asia’s leading source fair in China, is a notable milestone in

the industry’s optimism in sustaining the momentum generated from efforts to reach this important

market segment,” ayon kay Durano.

Kinilala ang Pilipinas matapos ang isang public vote and evaluation process ng mga professional jurors

mula sa Shanghai Municipal Tourism Administration and VNU Exhibitors sa Europe.

Ipinagmalaki ni Durano na ang Pilipinas ay isa sa fastest growing tourist destination batay sa 74 percent

growth rate ng visa issuances mula Pebrero ng kasalukuyang taon.

Maganda rin ang lokasyon ng Pilipinas para sa mga Chinese tourist dahil halos dalawang oras lamang ang

travel time mula Guangzhou patungong Manila at tatlong oras naman mula Shanghai hanggang Cebu.

Dagdag pa ni Durano ang mga beaches at heritage sites sa Pilipinas ay paboritong puntahan ng mga

dayuhan lalo na tuwing holiday season.

Ayon sa outbound travel study sa China, halos 79 percent ang satisfaction rating ng mga Chinese traveler

sa Pilipinas habang nangunguna din ang Pilipinas in terms of hospitality and friendliness ayon sa

International Visitors survey naman na isinagawa ng DOT.

You might also like