You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. Mga Kompetensi

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng


kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano

A. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto :

Nabibigyang- kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa parabola (F9PT-IIIa-50)

Mga Layunin:

II. Paksang Aralin

Paksa: “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”

Sanggunian: Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9) pahina 196

Kagamitan: laptop, visual aids, cartolina, pentel pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

2. Pagdarasal

3. Pampasiglang Gawain

4. Pagtatala ng liban

5. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak

Aktibiti 1: SINO AKO?

Papuputukin ng mga mag-aaral ang lobo na naglalaman ng iba’t ibang


pahayag patungkol sa parabula. Pagkatapos ay sasagutin nila ang hinihingi ng mga
nasabing pahayag.

Analisis 1

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano- ano ang mga salitang inyong nakilala sa lobo?

2. Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga salitang nakilala?

3. Bakit mahalaga ang mga salitang nakilala sa buhay ng tao?


D. Paglinang ng Talasalitaan

Aktibiti 2: PUNONG, PUNO NG SALITA

Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salita sa punong, puno ng salita. Pagkatapos
ay ilagay ito sa buslo ng kaalaman;

1. Kanang- kamay- Katiwala

2. Manggagawa- Trabahador

3. Langit- Paraiso

4. Taniman ng ubas- Ubasan

5. Salaping- pilak- Pera

Analisis 2( Kada gagawing aktibiti dapat may analisis)

E. Pagtatalakay sa Paksa

Pagpapabasa ng guro ng parabula na pinamagatang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-


ari ng Ubasan” na hango sa Bagong Tipan, Mateo 20: 1-16.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa parabulang binasa?

2. Saan ang tagpuan ng parabula?

3. Ano ang ginawa ng may-ari sa simula ng kwento?

4. Bakit patuloy pa rin siya sa paghahanap ng mga manggagawa kahit magdadapit- hapon na?

5. Paano nagbigay ng reaksyon ang mga tauhang nagtatrabaho na simula pa noong umaga? Ano
ang naging tugon ng may-ari ng ubasan sa mga ito?

F. Abstraksyon

Mga Mahahalagang Tanong:

1. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa init ng araw ngunit ang
tinanggap na upa ay kapareho ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?

2. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras
mo sa paggawa, tatanggapin mo pa ba ang ibinibigay sa iyong upa? Bakit?
3. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa mga
manggagawa?

G. Aplikasyon

Pangkat Amo

Magsagawa ng isang slogan patungkol sa aral na napulot sa parabula

Pangkat Manggagawa

Gumawa ng tula na may kaugnayan sa binasang parabula

Pangkat Paraiso

Gumawa ng awit tungkol sa parabulang binasa

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

H. Ebalwasyon

Panuto: Lagyan ng (✓ ) ang patlang kung tama ang pahayag at ekis (X) naman kung
mali.

_________1. Ang may-ari ng ubasan ay maihahalintulad kay Hesus.

_________2. Hindi pantay-pantay ang may-ari ng ubasan sa kanyang mga manggagawa.

_________3. May isang salita ang may-ari ng ubasan sa kanyang mga tauhan.

_________4. Tinanggap ng mabigat sa loob ang upa ng mga manggagawang maghapong


nagtrabaho.

_________5. Ang lahat ng sumasamba at nagbabalik-loob sa Panginoon ay parehas ang


matatanggap na gantimpala sa mula sa Kanya.

IV. Takdang Aralin

Gumuhit ng isang simbolo na naglalarawan sa binasang dula.

You might also like