You are on page 1of 1

Ischihara Caryne D.

Bartolome G7
Subject/s: Filipino
Product/Performance: Mini-task: Magsaliksik ng alamat mula sa Pilipinas at tukuyin
ang kaligirang pangkasaysayan nito. Itala ang iyong mga hinuha sa isang buong
papel.

Ang Alamat ng Mindanao

Ang Alamat ng Mindanao ay may buod na tungkol sa anak ni Sultan Kumpit na si


Minda. Si Minda ay napakaganda at may mga manliligaw na raha, sultan, datu, at mga
prinsipe galing sa iba’t ibang lugar.

Upang mapangasawa nila si Minda, dapat nilang maipasa ang talong pagsubok. Ang
unang pagsubok ay dapat niyang ikwento sa Sultan ang kanilang angkan. Ang ikalawa
ay higitan ang ginto ng sultan at ang ikatlo ay dapat makatawid ang manliligaw sa tulay
na lubid. Maraming manliligaw ang hindi nakapasa sa pagsubok ng Sultan.

Ngunit isang matalinong prinsipe na si Lanao ang naka-ispi ng paraan upang


malampasan ang unang dalawang pagsubok. Nagimbento siya ng istorya na kapani-
paniwala sa Sultan. Sa ikalawang pagsubok naman ay humiram siya ng ginto sa mga
kaibigan niya upang mahigitan ang sa Sultan. Nakapasa siya sa mga pagsubok at ang
ikatlong pagsubok nalang ang kanyang dapat lampasan.

May masamang balak ang sultan sa ikatlong pagsubok. Natunugan ito ni Minda kaya
inutusan niya ang kanyang tauhan na putulin ang matibay at manipis na lubid na siyang
makapagpuputol ng sampayan.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni


Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit.
Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya’t ang malaking pulong iyon
ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging “Mindanao.”

> Ang Alamat ng Mindanao ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin
na sa bawat henerasyon. Ang alamat na ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa sarili
upang ang mga tao sa palibot mo ay kusang lalapit at magmamahal sa iyo. Dagdag pa
rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at
pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at
pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

You might also like